Nahanap ko ang room ko. Pagbukas ko ng pinto ay tahimik na silang nakaupo.Ibang iba to sa school ko sa state. Usually sa state kahit nandyan na ang teacher ay may kanya kanya pa rin silang mundo.
Napatingin sa akin ang babaeng seryosong nakatayo sa harapan. Mukhang ito ata ang dahilan kung bakit tahimik sila.
"And who are you Mr. ?" Tanong niya sa akin sabay taas ng kilay.
"Ah. Im a transferee ma'am.And I believe that this is the section where I belong."
" okay. Come in and introduce your self .
Pumasok ako at nagpunta sa harapan. I saw the reactions of my classmates. I know I look disgusting but I dont care.
"Hi. Im Blaize Gallen Dy"
"Okay. You may take your seat at the back ,beside Ms. Lopez"
I saw a vacant seat. Doon siguro ang upuan ko. Hindi ko naman kilala yang Ms. Lopez na yan.
Umupo na ako sa upuan ko. Desk style ang upuan namin at pangdalawahang tao lang.
Tumingin ako sa tabi ko and nakita ko nakatingin siya sa bintana. Narinig kong pakanta kanta siya kahit parang pabulong na lang.
Dont let me down. Dont let me dooown. I think Im loosing my mind now. Yeaah. ... 🎵🎵🎵
Nabigla ako ng bigla siyang lumingon sa side ko.
Shiit. Siya yung babae kanina.
Ngumiti siya sa akin at..
"Ganda ba ng boses ko?" Sabay kindat niya sa akin.
Tsk. Mayabang din pala to.
Hindi na lang ako sumagot at tumingin na lang ako sa harap.
"Tsk. Snob " narinig kong sabi niya. Napailing na lang ako.
Pagkatapos ng dicussion ng teacher namin ay nagbigay siya ng quiz. Narinig kong napaungol ang katabi ko.
"Ugh. Shet. Quiz nanaman. Math pa. Hindi ako nakinig kanina."
Kausap niya sarili niya. Baliw talaga to .
"Gallen! Gallen! " Kalabit niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya.
"Pengeng papel" sabay pout niya.
Tsk. Isip bata. At isa pa studyante ba talaga to bakit hindi siya makapagdala ng papel.
Pumilas ako ng dalawang page ng papel at binigay sakanya.
"Yay! Thaaaankk youuu."
Pagkatapos ng fifthteen minutes ay kailangan ng ibigay sa seatmate ang papel dahil ichecheck na.
"Yay. Bat ang talino mo. Check mo lahat oh. " pakita niya sa papel ko.
Samantalang siya two items lang nakuha niya. Tsk. Tsk
"Makapagsuot nga rin ng eye glasses baka tumalino rin ."
Narinig kong pagmomonolouge niya.
Ibang klase tong babaeng to. Tsk. Tsk. Tsk.
