Bago pa ko makagawa ng kasalanan ay umalis na lang ako.
Baka mapatay ko tong buwisit na lalaking to! At hindi na ko tanggapin sa langit, hindi ko pa makasama ang mommy ko pag namatay ako.
Tinapunan ko na lang siya ng ma...samang tingin at lumakad na ko pa alis, at umuwi na ko.
Babae: "are you okay iha?" tanong sa akin ng isang babae, medyo may edad na sya, ung mga tipong may asawa na, pero halata rin sa ayos at porma niya na mayaman sya.
Nandito nga pala ko ngayon sa isang mall bumibili ako ng mga materials para sa isang subject, may project kasi ako.
Jess: "yes po, okay lang po ako"
babae: "you sure iha? I think you're not, you look sick" nagaalalang sabi sa akin nung babae, medyo nga nahihilo ako at masakit ang ulo ko. Teka lilinawin ko lang ah! HINDI AKO BUNTIS! masama lang talaga pakiramdam ko.
Jess: "opo okay lang po ako, salamat po sa pagaalala" aalis na sana ko kaso nagblackout ung pangingin ko at nawalan na ko ng malay
Pagmulat ko nakahiga ako sa isang napakalambot na kama, nasa isang kwarto ata ako, kaso ung kwarto sobrang laki, at ang ganda pa, kumpleto na agad sa mga gamit.
