"CHANGE"
chapter 22
-JESS ASHLEY REYES-
jess: "hoy lisa!! Ang takaw takaw mo naman!!"
alex: "parang di ka na nasanay dyan kay lisa"
lisa: "eh ang sasarap kaya ng pagkain"
jess: "lahat naman sayo masarap eh"
alex: "tomoh!!"
jess: "gagawa tayo ng project, hindi tayo nandito para kumaen lang"
lisa: "pwede bang bukas na lang tayo gumawa? Kumaen na muna tayo hehe"
jess: "nakakahiya ka na talaga lisa"
prince: "hehe, ayos lang yan"
lisa: "sige na nga, tara na, gumawa na tayo ng project"
hay naku!!! >_<.
Pasaway ka talagang lisa ka!!
Nakakahiya >.<
pinalinis na ni prince yung kinainan namin..
Then sumunod kami sa kanya.
Pumasok kami sa isang kwarto..
Pagkakaalam ko eto yung study room nila..
Pero never pa ako nakapasok sa loob..
Pagpasok namin, sobrang ayos ng kwarto..
Napakalinis...
May malaking table tapos andaming bookshelves..
Parang library narin..
Mas maganda at mas malaki pa nga sa library namin sa Trevel eh..
Lisa: "wow!! Ang ganda naman dito, ang laki"
Alex: "oo nga, parang bahay na namin to eh"
prince: "pinagawa kasi to ni papa, mahilig kasing magbasa si papa ng mga libro"
jess: "nasan nga pala yung papa mo?"
prince: "nasa states sya, sa Delaware, may business kasi sya don"
lisa: "sigurado ako, kamukha mo papa mo no prince?"
prince: "hindi ko sya kamukha eh, kay mama daw ako nagmana"
lisa: "ay ganun"
prince: "teka.."
pumunta si prince sa drawer, may kinuha syang frame
prince: "eto yung picture ni papa"
inabot samin ni prince yung picture frame ng papa nya
tinignan namin nina lisa at alex
alex: "parang magkahawig kayo jess.."
lisa: "oo nga, parehas kayo ng mata oh?"
jess: "tss.. Hindi naman eh.."
alex: "oo, magkahawig nga kayo, lalo na sa mata"
jess: "tama na nga yan, tara na, simulan na natin yung project"
sinauli ko na yung frame kay prince..
Once again..
Napatingin ako sa picture..
Parang nga...
Parang magkahawig kami...
Nevermind na lang..
Inayos na namin yung mga gagamitin namin sa malaking table..
Magkatabi sina lisa at alex..
Syempre silang dalawa magpartner sa project..
At kaming dalawa naman ni prince ang makatabi..
:">.
Ehehehe
then nagstart na kami..
Lisa: "jess, samin yung pink scrap ah?"
jess: "oo sa inyo na talaga yan, yung violet sa amin"
alex: "prince, pa lettering din kami"
jess: "kayo maglettering ng sarili nyong project"
alex: "psshh.. Damot"
prince: "hehe, sige, ako na maglettering, after nito"
alex: "bleeeeh :P buti pa si prince"
jess: "tse!!"
medyo naging busy na kaming lahat sa kanya kanya naming tasks..
Ako yung nagsusulat.. Ang arte kasi ng professor namin eh, bawal daw printed eh..
Si prince naman yung naglelettering ng mga titles at headings.
Sina alex naman may kanya kanya ding ginagawa
after ilang hours, medyo malapit na kaming matapos, dikit dikit na lang at konting designs...
Nakaramdam na ako ng uhaw..
Jess: "teka, kuha lang akong inumin"
alex: "ay!! Ako na lang jess"
jess: "ako na, nakakahiya naman sayo"
Alex: "ako na lang, pupunta din ako ng cr eh"
jess: "sige, bahala ka"
tumayo na si alex
she asks for the direction then lumabas na sya ng study room
---
jess: "ang tagal naman ni alex, nauuhaw na ako eh"
lisa: "chillax ka lang jess, mawawala din yang uhaw mo, haha"
jess: "tss.. Dapat ako na lang kumuha eh, nauuhaw na talaga ako"
lisa: "maghintay ka lang"
ay naku!!
Tatayo na dapat ako paqa ako na lang ang kukuha ng inumin ko ng dumating na si alex
jess: "bakit ang tagal mo??"
alex: "nakakaligaw ang bahay nina prince eh, ang laki kasi, hehehe"
jess: "tss"
alex: "heto na."
nilapag na ni alex ang isang pitsel at malaking baso
jess: "hay salamat, kanina pa ako uhaw na uhaw eh, ano to? Tubig?"
alex: "sprite yan, haha"
inabot ko yung pitsel at pinuno ko yung baso..
Uhaw na uhaw na talaga ako eh..
Then uminom na ako...
*blug blug blug blug* .. Straight..
Jess: "pwe!! Bakit ang pait neto??"
alex: "hehe, ganyan talaga"
>_< ang paet naman ng sprite na to
pero i dont care Nauuhaw ako eh..
Naglagay pa ulit ako sa baso at uminom ako ulit..
Parang mas lalo akong nauuhaw eh..
-PRINCE CHARLES MONTEMAYOR-
hay salamat at tapos na ang project..
Medyo napansing kong nagiging tipsy si jess..
Inamoy ko yung basong iniinuman nya..
Sabi na eh..
Hindi sprite ang laman, kundi alak..
Tinignan ko sina lisa at alex
alex: "hehe"
pinlano nilang painumhn si jess..
Tsk tsk...
Tinignan ko ulit si jess
nakayuko syang nakasandal sa upuan..
Pulang pula na din ang mukha nya..
Nalasing na ata..
Lisa: "hmmm... Pano? Tapos na yung project namin, uwi na kami ni alex"
alex: "oo nga, uwi na kami"
prince: "ganun? Sige, hatid ko na lang kayo hanggang sa gate."
iniwan muna namin si jess..
Hinatid ko sila lisa at alex..
Alex: "pano? Una na kami, ikaw na bahala sa kaibigan namin, hehe"
prince: "sige, ingat kayo"
umuwi na nga sila..
Naman oh!!
Pasaway pala talaga yung dalawang yon!
Pagaalagain pa ako ng lasing..
Tsk tsk..
Bumalik na agad ako sa study room.
Inayos ko muna yung mga gamit..
Jess: "*hik* hoy prince!!!!! *hik*"
prince: "hmm??"
jess: "*hik* may gusto ka ba sakin ha?"
prince: "O.O"
jess: "woooo!!! *hik* may gusto ka ba sakin?? *hik*"
prince: "aahh.. eehh.."
jess: "*hik* wag ka na magdeny!! *hik* narinig kita kausap mo si mommy natty"
prince: "=.="
jess: "*hik* aamin ka lang naman sakin kung gusto mo ba ako o hindi.. *hik*..eehh gusto rin naman kita *hik*"
*blag*
biglang bumagsak ang ulo ni jess sa lamesa..
Nakatulog na ata..
Inayos ko muna yung mga gamit then binuhat ko sya.
I bring her to her room at inilapag sa kama nya..
Hindi parin ako makagetover sa sinabi nya..
Gusto nya rin ako? :3
parang ang saya saya ko..
Do i need to thank lisa and alex for this?
Hindi ko inaasahan to..
This must be a great gift for me..
Tinignan ko muna sya habang natutulog..
Prince: "sa tingin ko nga, hindi lang kita basta gusto.,.. Mahal na nga ata kita jess..."
-to be continued-
