Pikon

10 0 0
                                    

*Harry's POV*

Magandang buhay aking mga kababuyan!
-este kababayan!

Kagigising ko lang, syempre dito sa bahay ni Tay. Lam nyo ba, hindi ako nilamok ngayon! Hanep na talagang mga lamok 'yan, 'di na ako nilapitan eh siguro dahil sa dyodorant ko.

Anyway highway daang matuwid, wala lang trip ko, bakit angal ka? Shet gwapo ko talaga, wala ng makakaagaw sa trono ko akin na 'to, akin na 'to.

(ROAAAAAR)

Homay yung leyon sa tyan ko magising na, makakain na nga.

"EDWARDO! Andito ka pala. Ginising mo na ba si Taylor?" tanong nung mayordoma

"Hindi pa aling Nens, mamaya eh masapak pa ko nun. Ano nga po ba pagkain, nagwawala na yung leyon ko"

"Ah! Bacon, fish fillet de el niño atsaka egg sandwich" sagot nya

"Aba eh sosyal naman. Sige ho, makikikain nalang."

"Umupo ka nalang dyan sa mesa."

Agad akong naupo at putspa! Akala ko kung anong sosyal na pagkaim. Tuyo lang pala't pandesal na may palamang itlog!

Sarap na sarap ako sa aking kinakain, naitaas ko na nga ang aking mga paa. Nasa huling subo na ko ng lumabas si Tay na naka shorts, ang ikli naman ng suot nya!

((Hoy edwardo malamang shorts nga alangan naman na mahaba yan. Ang shunga mo talaga!)) -owtor

Epal ka nanaman owtor, ano ba gusto mo! So yun nga, wag nyo nalang pansinin yang si owtor. Ang hawt ni Tay. Alam nyo yun. Yung tipong kahit bagong gising lang eh nagmumukha paring presko. HANUBAYAN EDWARDO ANONG PINAGSASABI MO.

((Nalagot na!)) -owtor

Chupe owtor!

Hindi ko namalayan na tulong tulo na pala ang aking laway at nakain na ng pusa ang dapat konv isusubo.

"HAHA. MUKHA KANG TAE EDWARDO" si Tay

Inirapan ko sya at uminom ng tubig para makaligo na. Ngunit bago pa ko makalabas, binunggo ko sya dahil tawa sya ng tawa.

"Problema mo?! HUY! Gaga mukha kang mangkukulam! Atsaka, nabitin ba sa tela yung sastre na nagtahi nyan?" asar ko.

"At least mukha paring tao. Ikaw mukhang tae WAAAAH. And anyway, shorts 'to. Pwe!" bawi nya

"Ang slow mo talaga mygosh." sagot ko

"Napaka-walang kwenta mong kausap. Whatevs." at ayun na nga, tuluyang naasar.

"Alam mo Tay, alam ko na ang nababagay na camera sayo..." panimula ko nang bagong kapipikunan nya.

"Nonsense nanaman. Stop na nga." asar na sabi nya.

"Okay. Camera mo isssssss.... NIKON. Pikon ka kasi" pangdadaldal ko.

"Manong, paki labas na po 'tong asungot na 'to nang mawalan ng peste dito sa loob ng bahay." utos nya sa isang bodyguard.

At ito namang si kuya, kinaladkad ako.

"Kuyang gasolina! Dahan dahan naman dyan!" reklamo ko

Sungit naman ni kuyang kalbo na kamukha ni Vin Diesel, kala mo naman kung kagwapuhan eh.

Oh sya, yan lang muna... see you soon.


-------------

after how many years mga isang dekada ata, nag update din ako!
-jnmzngg


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hay-Buhay!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon