PROLOGUE!
“Miss Shanaya, ok na po ba sayo yang make up mo?"
“Miss Shanaya, alin po dito ang susuotin mo?”
“Miss Shanaya, mag ready na po kayo. 15 minutes na lang po before tayo mag start.”
Yan ang mga salitang palagi kong naririnig. Araw-araw yan na lang palagi. Ay! Pwera lang pala kapag walang shooting.. Haha. Nasa shooting ako ngayon ng aking pinagbibidahang palabas. Ito yung last day ng taping namin. Medyo nakakapagod rin ito. Halos araw-araw na lang yung taping. Minsan nga, inaabot kami ng madaling araw. Malalayo rin yung mga pinupuntahan naming lugar. Hays… Siguro pagkatapos nito, di muna ako tatanggap ng ibang Movie Projects. Edorsements na lang siguro muna.
“Miss Shanaya, start na po!” tawag na ako ng isang staff. Tuloy ko na lang introduction ko mamaya. Hehehe…
“Nice work, all! Pack Up na!” Sa wakas! Tapos na rin ang shooting! Pack up na. Pahinga time! Itutuloy ko pa pala introduction ko.Ako nga pala si Shanaya Tolentino. Sikat na sikat na sikat na artista. (Haha.. Yabang ba?? Pero totoo naman eh..) Maputi, makinis at syempre maganda! Muka daw akong mataray sabi nila. Ewan ko lang kung totoo sinasabi nila o hindi. Ever since na nagkamulat ako ay isa na akong artista. Nung baby daw kasi ako ay sinasabak na daw ako ni mommy sa mga commercials. Ang mommy ko ay isa ring artista while ang daddy ko naman ay isang sikat na businessman. So laki ako sa yaman.
Pero sa lahat ng iyan….. may gusto akong maranasan. Gusto ko maranasan ang isang simpleng buhay. Yung malayo sa camera at intriga. Yung walang titingin sa bawat kilos o galaw ko.
Alis na ako... Pupuntahan ko pa fans ko.. Hehehehe...
--- picture ko dun sa gilid.. hehe.. --------->
BINABASA MO ANG
Miss Celebrity meets Mister Tambay
Teen FictionGusto maranasan ni Miss Celebrity ang buhay sa likod ng camera. Nais niyang maranasan ang magkaroon ng simpleng buhay na malayo sa intriga at sa kanyang mga magulang na ipinagkasundo siya sa lalaking di naman niya gusto. Sa paglalayas niya ay nagpan...