Unang araw nang klase. Pagkagising ko ay naghilamos agad ako. Nagluto ng almusal at naligo. Pagbaba ko nakabihis na ako ng uniporne. Si Clar naman ay tulog pa rin. Aagahan ko yung pasok ko. Yun ang lagi kong ginagawa mula nuong elementary pa lang kaming dalawa. Lagi akong nauuna sa kanya. May pagkamabagal kasi siya eh. Kaya napagkasunduan namin na ako na lang yung mauuna since kamag-anak siya ng pagong kung kumilos.
"Good morning po, Tita.." Oo. Gising na si tita. mabait naman si Tita sa akin kahit may pagkaistrikto ito kung minsan. Ang totoo ay may kasambahay talaga sila. Take note sila. Hindi ako. Kaya ang mga damit ko ako naglalaba. Kung kailangan ko lang talaga at nagmamadali na ko minsan ay nakikiusap lang ako magpasabay.
"oh.. Ikaw nagluto?" sabi ni tita sabay umupo na para kumain.
"Opo, tita." Magalang kong sagot dito.
"Dapat hinayaan mo na si yaya dyan" tinutukoy nito ay si manang Ising.
"Ay..hindi na po kaya ko naman po ito..saka napuyat po siya kagabi kakalaba ng damit." pagpapaliwanag ko.
"ah..sige, eto nga pala allowance mo" sabi ni tita sabay iniabot sa akin ang baon ko. Nakapaloob ito sa white envelope. Binuksan ko. Kasi parang sobra.
"Tita, bakit parang sobra ho" sabi ko nang mapansin kong sobra nga ito.
"Hindi yan sobra, nakuha ko na yung parte ko sa pamana ng papa mo.., oo binigyan ako ng papa mo at gusto ko ikaw ang makinabang ng lahat ng parte nito. May pera naman kami ni Clar. Ikaw dyan ang nagtitipid dahil nahihiya ka humingi kaya ayan..galing yan sa papa mo kaya wag ka ng mahiya ha?"
"Pamana?"
"Oo pero yung iyo hindi mo pa makukuha. pagtungtong mo ng eighteen saka mo lang makukuha. Kung may gusto ka pang malaman tanungin mo na lang si attorney, hija?" Tumango na lang ako. Ayun pagkatapos kung kumain eh dumeretso ako sa university. Nagcocommute lang ako. Tatawid sana ako ng may makita ako humaharurot na sasakyan.
"Aaahhhh!" napasigaw ako. Syempre ano, mahal ko pa ang buhay ko! tumalsik ako sa gilid ng kalsada. nasanggi lang naman ako. Pero syempre masakit, try mo kaya masanggi ng sasakyan. Nagkamali ako ng bagsak.
( - - " )7
"A-aray.." sabi ko. ang sakit kasi ng paa ko. Pinipilit kong tumayo ang kaso eh mukhang hindi ko kaya. Tumigil naman yung sasakyan at bumaba yung driver at mga sakay. king inamels! yung hayup na Jelo pala yung driver! huhu napapamura talaga ako pagdating sa Jelo na to eh!
"A-ayos ka lang ba?!" halos nangangatog na sabi nito ng lumapit. Nakaluhod yung isa niyang tuhod at yung isa eh nakatiklop lang yung parang sa nagbibigay pugay sa hari ganun. Yung mga kasama niya mukhang nagulat sa nangyari.
"Mukha ba akong okay?!" sabi ko na tinatarayan siya. Nung hahawakan niya yung masakit kong paa eh tinapik ko "Don't touch me!" sabi ko then nagpumilit na tumayo. and thank God. Nakatayo pa ako. Namaywang pa ako "tandaan niyo to hindi pa tayo tapos!" sabi ko at dinuro yung mukha nila isa isa. Yun din. Mukha akong tanga na ika ika. Letse. At di pa ako nakakalayo nang matumba ako. ouch! hayup ka talaga JELO MONTECASTILLO!
--
JELO
Nandito ngayon sa bahay ko si Arc at si Cloud. prenteng prente na nakaupo sa couch namin. wow di ba? nakakahiya naman sa mga kaibigan ko. nakakahiya talaga (. ==)"Mga hijo eto oh kain kayo ng cookies" sabi ni mom at inabutan pa yung mga tukmol ng cookies. tss. If I know makikikain lang yang dalawang yan dito.
"Thanks tita.." sabi ni arc at cloud. haayyss. nakatambay na naman dito tong dalawa na ito.
"You're welcome. Oh sige babalik na muna ako sa kusina ha?" sabi ni mama sa bumalik na nga sa kusina.
"Halika na Arc! Cloud malelate na tayo.." sabi ko then derederetso papunta sa pinto.