Chapter 3

6.7K 128 0
                                    

MIRA
Kamusta naman di ba? buti na lang at hindi na gaanong masakit yung paa ko. Salamat sa pain reliever. Dumeretso na agad ako sa classroom ko. Sakto sa schedule ko. Mabuti na lamang at maaga akong pumasok kung hindi late sana ako. Pagkapasok ko tumahimik silang lahat. Mukha silang mayayaman lahat. Siguro minamata na nila ako, char. Dumeretso na lang ako sa bakanteng upuan. Nagulat ako nung may magsalita sa tabi ko.

"Kamusta yang paa mo?" napalingon agad ako.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" iritang sabi ko. Pataray yun. Kainis eh. Paano kasi yung tukmol na Jelo pala yung katabi ko. tss. Yung totoo? Grabeng kamalasan naman to, ang aga aga pa oh. Ilang beses pa lang akong tumungtong dito sa A.U. pero ilang beses ko na nakita pagmumukha nito.

"Dito ang schedule ko" Sagot ni Jelo.

"hmm! makalipat na nga ng upuan.." tatayo na sana ako ng hinawakan niya yung blouse ko sa mangas. Syempre hindi ako makatayo ng maayos. Baka magkapunit yung uniform ko.

"A-anu ba! bitiwan mo nga ako!" sigaw ko. napatingin lahat sa amin. Yung mga mukha nila ang putla. Parang mga nabuhusan ng suka. tss. takot sila sa isang to?

"Upo" Utos niyang seryosong seryoso ang tono.

"Ano! ano ako aso?" sagot ko habang tinatanggal yung pagkakakapit niya sa damit ko.

"I said. sit down!" Nung una kalmado yung boses nya pero nung sinabi niyang 'sit down' eh parang tumayo lahat ng balahibo ko. Napaupo tuloy ako yung boses niya parang papatay pag di mo sinunod "good" sabi niya sa kalmadong boses. Maya maya eh nagbubulungan na. Leche! noon din ay dumating na yung teacher. inisa isa niya yung mga students. Tumayo ako kahit mahirap.

--

JELO
Tumayo pa talaga siya kahit may sprain siya sa paa huh? hmm. hinayaan ko na lang siya. pagkatungtong na tungtong niya sa harap eh nagsmile siya. She smiled like an angel. Yung parang model ng toothpaste? and her eyes were-ah! anu ba tong sinasabi ko! pweee! Napabusangot ako nang mapagtanto ko yung tumatakbo sa utak ko. What the hell, Jelo. Get a grip. Tss.

"Hello guys, I'm Mira Jane Soberano but instead Mira Jane just call me 'Mira' and I hope all of you will treat me nice!" yon lang then bumalik na siya sa upuan niya. Well. It's my turn. Nung tumayo ako naghiyawan na naman yung mga babae. (-__-) yung totoo naririndi na ako sa kanila. Annoying.

Tumikhim ako para tumahimik sila at tumahimik nga sila. Napatingin muna ako kay Mira bago magsalita sabay inilibot ang tingin. Yung mga lalaki pinagpapawisan. Alam nilang ayoko ng binabastos ako pagnagsasalita. Yung ibang mga kaklase ko naman na babae naman akala mo heart na yung shape ng mata. I hate flirt and clingy.

"Hello guys" sabi ko then nagtilian na naman sila!how pathetic!. Tumikhim ulit ako. Pinipigilan ko maasar ng sobra. Tumahimik na naman sila "I'm Jelo Montecastillo, son of the owner of this UNIVERSITY but I sincerely expect that you'll treat me as a normal student as the other students do." Yun lang then umupo na ako sa upuan ko at nagtilian yung mga pathetic na babae. Naiirita ako sa mga yon. Nakakita lang ng gwapo akala mo naman eh nanalo na sa lotto. Coming to university is so annoying, like I have to deal with this.

Pag-upo ko parang nabato balani si Mira. Buti naman. Tumingin siya sa akin na walang emosyon ang mukha pero pinagpapawisan siya. tahaha!nakakatawa hitsura niya! I swear! siguro sa ngayon ay alam na niya kung sinong binangga niya muahaha matakot ka Mira ganyan nga >:) haha

"Hello I'm Cloud Mariano, and I don't want to talk to anybody" narinig kong sabi ni Cloud. Nagtilian na naman yung mga babae. Natawa ako nung biglang tumingin ng masama si Cloud natahimik yung mga babae. tahaah! nakakatakot kasi tumingin si cloud eh! he's cold as ice and deadly as a viper tahahaha!ganun siya tumingin! in short creepy! kahit ako nung una nabiktima ako nitong lalaking ito. Nakita ko si Mira sa harap lang nakatingin. Pero pinagpapawisan pa rin siya kahit air-conditioned naman ang classroom.

My FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon