Buhay Ferris Wheel

145 1 0
                                    

Halika at subukan mo ngang tanawin,

Ibabaw ng kumikislap na bituin.

Dama mo ba ang kagustuhang alamin,

Ang takot, saya't lungkot ng 'yong damdamin?

Simula ng pag-ikot ng iyong mundo,

Maraming nangyayari na pagbabago.

'Di malaman kung saan ito patungo,

Ano nga kaya ang mayroon sa dulo?

Ang iyong puso may munting pangarap,

Mayroon itong katumbas na paghihirap.

'Di mawawalan ng pag-asang malasap,

Tamis, nasa ibabaw ng alapaap.

Sa pagsakay dito iyong sisilipin,

Ang hiwagang bumabalot tutuklasin.

Dito sa lugar ng pangarap pasukin,

Aral dito ay iyo nga'y daranasin.

Bawat pagtaas ay isang bagong yugto,

Buhay nati'y tunay na pabugso-bugso.

'Di ba't nagbabago ang tingin mo dito,

'Pag nasa taas parang hari na tayo.

Maaaring maganda sa isang kisap,

Ngunit matatapos din sa isang sulyap.

Ganda ng paligid na 'yong yakap-yakap,

Matatapos din ang mga kumikislap.

Isang hiling gusto ko lamang batirin,

Kasiyaha'y gusto ko lang patagalin.

Kung sana'y gawing Ferris Wheel buhay natin,

Maaari kong oras ay patigilin...

Kahit ito lamang ay isang hangarin.

Property of Yukiko27

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon