Chapter 2b - Girl Talk

242 7 12
                                    

Chapter 2b

Patch’s POV

Sportsfest na! Kinakabahan ako para mamaya sa battlecry. Ito kasi yung isa sa pinakainaabangan at talagang pinaghahandaan ng lahat ng mga colleges. Sana manalo ang CMT (College of Management and Technology) kung hindi man, kahit 2nd place. Okay na ako dun.

Mahaba ang opening program na hinanda. Mamaya pa ata kami sasayaw nito para sa mass demo. Mukhang kakanta pa yung guest na artista dito. May magco-cosplay pa. Medyo alam ko na kasi yung mga mangyayari dahil kasama kami sa general rehearsal. After 2 hours, ayun... kami na ang sasayaw. Todo bigay na ko sa pagsayaw kasi mamimiss daw namin ito. Mga freshmen lang kasi nagma-mass demo. Then after nun ay nagbihis na kami agad para sa battlecry. Napakahirap magbihis dahil wala masyadong cr na available para magbihis. Kung meron man, madaming tao.  Kaya medyo tiis tiis nang kaunti dun sa cr ng boys then umakyat na kami sa bleachers. Haay.. This is it! Alam kong maganda yung ipe-present namin kaya medyo nare-relax ako. Pero nung napanood ko yung sa iba, bigla kong nanghina. Ang gagaling nila lalo na ang PDN (Pharmacy, Dentistry, Nursing). Kami na ang sunod after nila. Narinig ko si Ian na ine-encourage ang lahat.

Ian: “Guys kaya nyo yan! Go go!”

Medyo hindi ko pa siya pinapansin ngayon kasi nga naguguluhan ako pero hindi pwede dahil sportsfest. Kailangang maging supportive. Kaya biniro ko na lang siya since medyo malapit na siya sakin.

Ako: “Dapat sakin, special!”

Ian: “Go loves! Kaya mo yan!”

Natawa na lang ako. Loves na nga talaga siguro magiging tawagan namin nito.

Ayan, umpisa na ng battlecry. Itotodo ko na yung lakas ng boses ko dito. Hindi naman ako mamalatin agad kasi diaphragm ang pagaganahin ko. Naks, singer eh. (Watch the video at the side)

Naging maganda ang kinalabasan ng performance namin. For 4 consecutive years, 2nd place ang CMT. Kaya tuwang tuwa na kami at hindi namin na-break yung record negatively. After nun ay pinag-lunch break na kami. Nagkahiwa-hiwalay na kami. Tinatawagan ko si Ian para malaman ko kung anong oras ang game ng team nila pero di sumasagot. Baka busy. Tapos nung siya naman ang tumawag, di ko nasagot. Naka-silent kasi, Haay.. bahala na nga. Sana naman di ako ma-late ng punta sa dome.

Nang nasa dome na ako, CHM (College of Hospitality Management) at PDN ang naglalaro. Nagtanong ako agad sa mga kaklase ko kung naglaro na ba ang CMT. Pagkatapos pa raw ng game na yan sabi nila. Nakahinga ako nang maluwag. Kala ko mahuhuli ako baka kasi magtampo si Ian. Nagtampo na kasi dati yan sakin. Di lang ako nakapagreply. Pero bakit ba ako nag-aalala na magtampo siya? Eh sigurado naman akong maraming babae jan na susuportahan siya. Hindi naman niya ko siguro masyadong aasahan na manood.

Habang hinihintay sila na maglaro, gumawa ako ng banner na G-O I-A-N! Ginawan ko din yung iba naming classmates para hindi sabihin na favoritism. Tapos yung l sa Ian ang hawak ko.

 (See banner >>>>> )

At ayan na nga, CMT na ang maglalaro at kalaban nila ang CELAS (College of Education, Liberal Arts and Science)

Ako: “Guys, cheer natin ang CMT pati na rin yung mga kaklase natin, okay?”

Willing naman sila. Mga supportive kaya mga kaklase ko.

Nagwa-warm up na silang mga players at tumingin agad si Ian sa bleachers ng CMT. Nang makita niya ko ay agad siyang ngumiti at nginitian ko rin naman siya.

Kasama si Ian sa unang maglalaro kaya todo cheer na ko kasama na rin ang iba kong mga kaklase. Naging maingay tuloy sa dome dahil samin.

 Sa unang play ay natalo sila pero kaunti lang naman ang lamang. Pero nabawi naman nila. Natalo nila ang CELAS sa second and third play. Kaya nagsigawan ang mga nasa CMT.

"Ang Classmate Kong Chikito"Where stories live. Discover now