Chapter 1
Third Person's POV
“Awtsss.. Dami pa kong isusulat dito sa planner. Ang hectic ng sched ko ngayong August. Puro mga practice na kasunod tapos yung holiday, practice pa rin tapos sportsfest na tapos lalaban pa ko sa Talumpati etc.... HAAAY! Pero kaya to. Help me, Lord!”
Nasa unang taon pa lamang ng kolehiyo si Patricia ngunit ang dami na niya mga gawain sa paaralan. Patricia Gonzaga ang buo niyang pangalan pero mas kilala siya sa pangalang “Patch”. Mahilig siya sumali sa mga gawain na naaayon sa kakayahan niya. Para sa kanya, hindi sapat na matalino ka lang sa klase ngunit kailangan mo din mag excel sa iba pang larangan. Isang maka-Diyos, masayahin, talentado, masipag, at matalinong mag-aaral si Patch. Sa katunayan, scholar siya sa Centro Escolar University (CEU) kung saan siya nag-aaral ngayon. Accountancy ang kinukuha niyang kurso dahil sa gusto niyang pasukin ang mundo ng pagne-negosyo at siyempre, ang maging CPA balang araw. Sa kabila ng madami niyang gawain ay hindi pa rin niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral.
Sa ngayon, wala sa isip niya ang LOVELIFE ngunit mayroon siyang CRUSH na hindi niya masiguro kung crush nga ba talaga niya ang taong iyon..
Patch Point of View
“Hi Patch! Namiss kita ah. Limang araw kitang hindi nakita.” ani ni Ian.
“Yiie! Same here.. Hahaha” Sagot ko. Ganyan kami magbiruan ni Ian na pag narinig ng iba ay aakalaing totoo.
Ian Mendoza ang buo niyang pangalan. Mabait, masayahin, palakaibigan, maka-Diyos, masipag at matalino yang si Ian. Sa katunayan siya ang Presidente namin sa klase.
Hindi pikon kaya madalas kong asarin ngunit medyo may kayabangan nga lang minsan. Akala ko nga dati bakla yang si Ian dahil madami siyang ka-close na mga babae. Medyo may kasikatan na dahil may dalawa siyang kuya sa unibersidad na kilalang kilala dito. Lahi na yata nila ito. Simula noong maging magkaibigan kami nitong si Ian, nadadamay na ko sa mga sinasalihan niya. Magkasundong magkasundo kami ng lalaking yan. Actually, kami nga yung nagtayo ng fellowship sa klase namin kung saan pwedeng sumali ang lahat ng may gusto. Naging successful naman ito.
Recently lang kami nagbi-biruan ni Ian nang ganyan ka-sweet. Nagsimula siguro ito noong dumalo kami sa 2-day seminar sa Antipolo para sa mga Peer Facilitators.
Flashback:
Paalis na ako papuntang CEU kung saan kami magkikita kita nang biglang nag-ring ang cellphone ko.
Ian is calling....
Ako: “Hello?”
Ian: “Nasaan ka na? Ikaw na lang hinihintay. Nandito na kami ni Bob.” (Bob – kaklase din namin)
Ako: “Malapit na ko tsaka ang aga aga pa noh. Wag mo nga kong niloloko.”
Ian: “Hahaha. Sige sige. Ingat ka!”
YOU ARE READING
"Ang Classmate Kong Chikito"
أدب المراهقينAng kwentong ito hango sa tunay na buhay ng aking kaibigan at ng crush niya na hindi niya akalaing isang araw ay mag-iiba na ang pagtingin niya dito. Nagsimula ang lahat sa asaran at kulitan. Maaari kaya itong mauwi sa isang pagmamahalan? *Para ito...