Chapter 3
Patch’s POV
Limang araw ang itinagal ng pagkasuspende ng klase dahil sa bagyo.
Sigurado akong kaunti lang makakapasok ngayon. Paano ba naman kasi, isang araw na lang, hindi pa pinatawad. Sabado kasi ngayon. Tapos sa Monday wala na naman pasok dahil Holiday. Kaya next week pa raw itutuloy ang sportsfest.
Kasalukuyan ako ngayong papasok sa aking klase, ang accounting. Kaya naman pumasok pa rin ako kahit medyo hindi pa humuhupa masyado ang baha sa amin.
Pagpasok ko ng silid ay agad akong binati ng iba kong mga kaklase. Si Bob naman ay kinamusta ako.
Bob: “Hello Patch! Kamusta sa inyo? Binaha ba kayo?”
Ako: “Oo. Pero hanggang binti lang naman. Medyo humuhupa na ngayon. Kayo ba?”
Bob: “Ah hindi naman. Patch..” May sasabihin pa sana si Bob ng biglang may bumati sa akin.
“Hi Patch! Namiss kita ah. Limang araw kitang hindi nakita.” Walang iba kundi si Ian. Favorite line niya talaga yan. Joke lang naman para sa kanya.
“Yiie! Same here.. Hahaha” Sakay ko sa joke niya. Tinuon ko na ulit ang atensyon ko kay Bob. Nagpapatulong siya sa assignmment sa accounting at nakisama na rin yung iba kong kaklase. Maya-maya ay dumating na si ma’am.
Prof: “Good afternoon, class!”
Kami: “Good afternoon, ma’am.” At umupo na kami.
Pagkaupo namin ay doon ko napansing katabi ko si Ian.
Ako: “Uy! Anjan ka pala.” bati ko.
Ian: “Hindi, picture ko lang to.” biro niya.
Ako: “Haha. Buti naman naisipan mong umupo dito sa harapan.” Madalas kasing sa likod umuupo si Ian kaya nanibago ako.
Ian: “Kailangan eh.. Madami pa kong di maintindihan dito. Turuan mo ko ah.” Sagot niya.
Ako: “Ah sige pag may time. Dapat kanina, nandito na si ma’am e.”
Ian: “So wala ka ng time sakin ngayon?” Ayan na naman siya.
Ako: “Ang OA mo! Haha. Magsulat ka na nga lang diyan. Nagle-lecture na si ma’am oh.” At kami ay nagsulat na. Maya-maya ay nagsalita ang isa naming kaklaseng bading.
Kenneth: “Ano ba yan, ma’am! Ang hirap naman niyan!”Palaging ganyan yang si Kenneth tuwing accounting subject namin. Puro reklamo. Hindi nga daw niya alam kung bakit siya nag-accounting eh. Kung minsan binibiro niya lang yung prof namin.
Prof: “Sino bang may sabi sayong madali ang accounting?”sagot ng prof namin.
Kenneth: “Tatapusin ko na nga lang yung 2 years. Ano po ba pwedeng maging trabaho nun?”Nagtawanan ang iba naming mga kaklase.
“Cashier!” Sabay naming sagot ni Ian. Medyo nagulat ako dun. Hindi ko akalaing may sasabay sa aking magsalita. Nagtawanan tuloy ang klase at nag-apir na lang kami ni Ian. Buti na lang at hindi kilala yung love team namin sa klase dahil sa peer lang yun.
Habang kami ay nagsusulat ay naalala ko na kailangan kong paalalahanan si Ian about sa pag-o-offer namin ng short prayer mamaya para sa mga nasalanta ng bagyo. Nalulungkot kasi ako sa mga laman ng balita ngayon. Ito na lang yung pinakamagandang maitutulong ko sa kanila.
YOU ARE READING
"Ang Classmate Kong Chikito"
Teen FictionAng kwentong ito hango sa tunay na buhay ng aking kaibigan at ng crush niya na hindi niya akalaing isang araw ay mag-iiba na ang pagtingin niya dito. Nagsimula ang lahat sa asaran at kulitan. Maaari kaya itong mauwi sa isang pagmamahalan? *Para ito...