Nakakapagod.Kakalipat lang namin ng bahay dito sa Katigna Heights.Medyo mag kakalayo ang mga bahay dito at malalaki.
Isa din factor ng paglipat namin ay para magkaroon ng mas malaking bahay at para din sa trabaho ni Mama at Papa tyaka din mas malapit sa Campus namin ni Zedd.
Kung dati magkasama kami sa isang kwarto ni Zedd ngayon ay hindi na.May sarili na kaming kawarto ngayon.
Pinagmasdan ko ang kwarto ko.Halos patapos na din akong mag ligpit sa kwarto ko.Nailagay ko na ang mga damit ko sa Cabinet.Ang mga sapatos ko naisalansan ko din sa gilid ng aparador ko.Ang mga aklat ko nailagay ko na sa mini bookshelf na pinagawa ni Mama.Nakasabit na ang mga certificate na nakuha ko mula elementary hanggang high school pati na rin mga medals at trophies ko.May sarili din pala akong banyo dito sa kwarto ko.
Ako si Zyprus Eros Santos,3rd year Psychology student.Ordinaryong teenager lang ako.May isa akong kapatid si Zeddie pero Zedd daw ang itawag sa kanya.2nd year college na sya and obviously mas matanda ako sa kanya pero never nya akong tinawag na kuya.
Boring akong kasama.Well totoo naman yon.Normal lang ang buhay ko.Ordinaryong teenager nga.Bukod sa Campus at bahay buhay ko na rin ang pag sideline ko sa isang computer shop bilang bantay kaso lumipat nga kami ng bahay kaya mukhang malabo na din yun.Nakakatulong pa naman sakin yung kinikita ko I mean para di na ko manghingi pa ng extrang pera diba?
"Zyprus,Mauna na nga ako!Ang tagal mo baka ma late na ko!"pangatlong sabi na yan sakin ni Zedd ngayon.
"Nako Zedd sige mauna ka na nga!Tiyak kong kaya ka laging maaga dahil titingnan mo lang si Malia don sa library."panunukso ko sa kanya.
Palagay ko pinopormahan ni Zedd yung kaibigan kong si Malia.3rd year na din sya at president sya ng Pure Read kung saan member din ako na nag hihikayat sa lahat ng students na gumamit pa din ng mga aklat sa mga research papers nila o mag basa.Hindi lamang yan ang goal ng club namin may mga activities pa at karamihan dito mga charity events para makatulong.
Napaka swerte ko.Dumating na akong late sa Room namin buti na lang at wala pa ang professor namin.Sa bago naming bahay bago ako makalabas ng subdivision ay kaylangan ko pa mag bike para mas mabilis makarating.Kung mag bibisikleta kasi mga 10 minutes lang nakalabas na ako sa subdivision at may parking don ng mga bike.Pag nilakad mo naman nako talagang malelate ka pag di mo inagahan ng gising.
"Kamusta ang paglipat?"napatingin ako sa nag salita.Si Malia seatmate ko nga pala ang isang ito.
"Okay naman.Nanibago lang."Hayan.Nainis nanaman ako.Piste naman.Flat kasi yung gulong ko kaya nilakad ko lang.Si Zedd naman gamit yung bike nya.
"Nako.Yung kapatid mo malakas talaga trip non.Ano ba ang sinisinghot nya ha?"
"Simple lang.Na in love talaga sya sayo."sagot ko at pinipigil ang pag tawa ko.
"Nako.Ze wag ako iba na lang."
Tinatawag din nila akong Ze dahil Zyprus Eros daw kinuha nila yung initials ko.
"Ze may meeting pala tayo mamaya ha?Dun sa room malapit sa Liblary.Emergency."
Kasalukuyan kaming nag la-lunch ngayon dito sa Cafeteria.Sa tono ng pananalita ni Malia ngayon parang di maganda ang pag uusapan mamaya.
"Okay.So nandito na ba ang lahat?"nakuha ni Malia ang atensyon naming lahat.
"Kinausap akong mga professors ang sabi nila mag kakaroon tayo ng auditions para sa gustong maging member ng club natin."
Nag karoon ng mga komento.Ang iba naman ay nakikinig lamang.15 lang naman kaming member ng Pure Read at nabawasan pa kami ng 3 dahil sila ay mga cheerleaders at sinabi ng coach nila na mag focus lamang sa ginagawa nila kaya naman napilitan silang wag na umattend ng activities ng Pure Read.
"Bakit may auditions pang magaganap?Hindi ba Kaya na natin kahit 12 lang tayo?"tanong ni Gin,kaibigan ko din sya.
"Nag request ang Dean sa mga professors na may kinalaman sa Club natin na mag dagdag ng mga members dahil na din daw isa tayo sa mga productive na clubs at sa mga darating na araw dadami ang mga activities at makakatulong na mag dagdag tayo ng members."mahabang pag papaliwanag samin ni Malia.
"At kaylan naman magaganap yung auditions na to?"tanong ni Kiara.
"Bukas.Bukas na at binibigyan tayo ng dalawang araw para maka pag recruits ng bagong members."
"Ano?Dalawang araw?Naalala nyo ba kung gaano kahirap kung paano maging member ng Pure Read?Ilang linggo tayo nag hirap sa loob ng Liblary."saad ni Frank.
"Tama.Ilang aklat ba ang nilinis natin at gano kadami ba ang nalanghap nating alikabok para makapasok."
Well.Tama naman sila.Lahat kami dumaan sa proseso bago mabuo ang Pure Read.Talagang pinahirapan kami ng ilang mga professors dahil sa nais naming mag buo ng club.
Kaya nang mabuo namin ang club Maraming students ang gustong sumama samin nag higpit ang buong grupo Kaya hanggang 15 Lang ang naging member kasama na ang mga officers.
At sa mga gustong sumali?Good Luck na lang dahil hindi magiging madali ito para sa mga gustong maging member.