Ngayong araw mag sisimula ang pagtanggap at pag subok ng club sa mga students na gustong makapasok sa club namin.
Hindi ko alam kay Malia at sa iba pang officials ang magiging proseso ng pag tanggap.Hindi na ako nakigulo sa pag papahirap nila sa mga gustong sumali.Nandito kami ngayon sa quarters ng club at dito rin ginaganap ang auditions at sa inaasahan namin maraming students na mag babakasakali makasali.Sinigurado rin namin na vacant namin gagawin ang audition na Ito dahil ngayon kaylangan din namin mag handa para sa event na gagawin 4 days from now at hindi ko din alam kung ilan ang balak nilang tanggapin.Nasa loob kami ng quarters at nasa labas naman ang ibang members para i-accommodate ang ibang mga students.
Si Malia,Gin ang Vice President at Aqua ang nag interview ng mga students.Ako at si Landon naman ang nag aayos ng mga files bago kasi maka pag audition ay may sinagutan silang form.
Halos isang oras na din silang nag iinterview at sa tingin ko wala pa silang na gugustuhan o Wala manlang nakapasa sa hinahanap nila.1st year college kami ng mabuo namin ang Pure Read Kaya naman mahirap din para samin mag dagdag o mag tanggal ng mga members.
Bumukas ang pinto ng pagkalakas lakas kaya nakuha nito ang atensyon naming lahat.Iniluwa nito si Matt na halatang pagod na pagod at pawis na pawis dahil sa pag aayos sa mga students.
"I-itigil nyo muna yung pag iinterview.Mag papapasok kami ng lima hanggang don lang muna yung interviewhin nyo."Saad ni Matt ng makalapit ito.
"Ha?Bakit naman?"tanong ni Malia.
"May nag wawalang babae don e.Tulungan mo nga ako dun Ze."
Nagwawalang babae?Nako naman.Napatango na lang ako ng hinila ako palabas ni Matt.
Pagkalabas ko lumabas kami ng hallway at nakita ko agad ang sinasabi ni Matt.Para siyang isang action star sa mga napapanood kong Movies.Kulay pula ang buhok na lagpas balikat.Balingkinitan at napaka liksing kumilos kahit may bag na nakasabit sa kanyang likod.Nakatayo siya sa lamesang gawa sa bato at may hawak na map.Hinahabol siya ng dalawang lalaki na sa palagay ko ay mga engineering students.Hindi makalapit ang dalawa sa kanya dahil may hawak siyang Map.
Tuwing lalapit ang dalawa ay itutulak niya ito gamit ang hawak niya.Mabuti na lamang at nasa tagong parte ng campus ang quarters ng Pure Read kung kaya hindi ganon kaagaw eksena pero may mangilan-ngilang studyante parin ang nakakakita at siguro ang ilan sa mga ito ay naririto para sa Pure Read.
"Bakit ba sya hinahabol ng dalawang iyan?"tanong ko kay Matt.
"Ang alam ko pre,pinag tripan daw ng babaeng yan yung dalawang lalaki last day.Tapos yun gustong gumanti."
"Anong klaseng trip?"
"Naliligo yata yung dalawa sa boys bathrooms tapos kinuha nya yung mga damit nito at ang ending hindi makalabas yung dalawang lalaki,tinulungan lang sila nung janitor."kwento nito habang natutuwang tingnan kung paano makipag laban ang babae dun sa dalawang galit na galit na lalaki.
Grabe tong babae na Ito.Malakas ang topak nito sa ulo kaya nya nagawa yan pero siguro may dahilan sya kaya nya napag tripan yang dalawa.
Sinabi sakin ni Matt na awatin na namin yung tatlo dahil pag nalaman pa ng school administrators ito tiyak na madadamay ang Pure Read.Nilapitan namin yung tatlo sa may tapat ng quarters,may mga lamesang bato doon at upuan.
"Mga pre,tama na yan babae naman yan.Palagpasin nyo na."sabi ni Matt dun sa dalawang lalaki Kaya natigilan ito.
"Hindi Pre,may atraso samin to!"sagot nung isang nakasalamin.
"At isa pa.Wag kayong maki-epal dito!Alis!"sabat nung isa na semi kalbo.
"Aba!Mga wala pala kayong respeto sa babae!"pag laban ni Matt.
"Ano ba?!Hindi ka ba titigil?Gayahin mo na lang yang kasama mo!Hindi nakiki epal!"
Siniko naman ako ni Matt.Palagay ko natatakot na to.Ganyan si Matt.Alam nyang hindi ako lumalaban sa basag ulo.Di nga ako sanay maki pag away.Naalala ko nung High School pa lang kami ni Matt at Zedd napag tripan ako ng mga senior namin at dahil sophomores lang kami ni Matt at si Zedd ay freshmen pa lang.Silang dalawa ang nagtanggol sakin pero ang ending tatlo kaming nabugbog.Pero hindi naman yung grabeng bugbog.
Okay.Tawagin nyo na akong duwag o lampa o kalalaki kong tao ay di sanay ipagtanggol ang sarili pero masasabi kong may improvement naman ako.Sanay na akong mag self defense pero ayaw ko talaga makapanakit.Ewan.Siguro isang factor to ng pagiging psychology student ko.Naniniwala kasi akong lahat ng bagay ay madadaan sa maayos na usapan.
"Ano?!umalis na nga kayo!Mga lampa at duwag!"Sabi nung nakasalamin.
"Ano?!"alam kong nagagalit na si Matt pero di yan lalaban ng mag isa lang siya at ako ang kasama.
Sinapak ng semi kalbong lalaki si Matt at nakita kong napaatras si Matt dahil dito.Nag dugo ang ilong ni Matt.
Ginantihan naman ni Matt ng sapak ang lalaki at sa inaasahan nag papalitan na sila ng mga suntok.Hindi ko akalain na lalaban si Matt marahil masakit iyong pag kakasuntok sa kanyang ilong kaya nagalit sya at lumaban din.
Teka?Ano bang ginagawa ko?Bat hindi ko sila awatin?Bakit nakatayo lang ako dito at di sila pigilan?
Nilapitan ko si Matt at yung kaaway nya.Mabuti na lamang at mas matangkad ako ng kaunti sa dalawang ito at naawat ko agad sila.May dugo rin sa mukha ng lalaking ito.Sumama ang tingin niya sakin.
"Isa ka pang epal!"
Naramdaman kong may dumapong kamao sa aking pisngi.Aaminin kong masakit iyon.Siguro nasira ang isa kong ngipin kung hindi ako handa sa pag sapak niya sakin.
"Eto ang bagay sayo!"nakita kong hawak na nung nakasalaming lalaki ang map na hawak nung babae kanina at yung babae nakita kong napayuko at iniinda ang sakit sa tiyan niya dala ng pag sipa o suntok ng lalaki.
Bago pa ako maka ilag naihataw na sakin ng lalaking nakasalamin ang map niyang hawak.Sa sobrang lakas ay nabali ang map sa ulo ko.Naramdaman kong may tumutulong dugo sa noo ko papuntang mukha.
"Z-z-Ze!"rinig kong sigaw ni Matt.
Hinawakan ko ang parte ng ulo ko na nag dudugo.
"Tapos na?Umalis na kayo.Kung ano man ang gagawin nyo sa babaeng iyan.Wag dito sa quarters ng Pure Read."tumingin ako sa babae na ngayon ay nakatayo at nakatingin samin at halatang nagulat sa nakita niya.Marahil nagulat sya sa dugo.
"Please lang um--"bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nag dilim na ang paligid at bumaksak na ako sa lupa.