Zyprus

4 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng paligid.Nang idilat ko ang mata ko nakita ko ang mukha ni Malia,Aqua,Matt at si Zedd.Palagay ko ay nasa infirmary ako o school clinic.


"Pre!Sa wakas gising ka na!"sigaw ni Aqua.

"Jusme!Akala ko mamatay ka na!"sigaw ni Matt at nag sign of the cross pa.

"Tuleg amputa!Di pa lumaban!Umiyak tuloy si Zedd!"natatawang sabi ni Malia.


Napatingin naman ako sa kapatid ko.

"H--hindi ah!Baliw ba ko?"sagot ni Zedd na namula.Kinilig ang loko.

"Ano pre okay ka na?"tanong ni Aqua.


"Oks na.Ngapala ano nangyari sa audition?Natapos na ba?"


"May nakuha na kaming apat.Tatlo na lang ang kulang."sagot ni Malia.


"At sa di inaasahang pagkakataon pasok yang kapatid mo."dugtong ni Malia.


Sinasabi ko na nga ba!Makakapasok itong si Zedd sa Club!Inspirasyon nya kasi ang president namin!


"Ano pala nangyari dun sa babae?"tanong ko kay Matt.

Sumenyas naman si Matt sa tatlo na lumabas muna at umalis nga ang mga Ito.


"Nawalan ka ng malay.Tumakbo yung dalawang lalaki na engineering students nga.Nareport na namin nila Aqua ang nangyari a--"


"Ano?!Nireport nyo?Pano yan?!Yung pure read baka madiskrasya!"


"Gago!patapusin mo muna kaya ako!"sabi ni Matt na nanlalaki ang mata.


----

Nakauwi na kami ng bahay ni Zedd.Mabuti na lamang at wala si Mama at Papa ngayon.Sabagay lagi silang wala.Opss!Hindi ako galit ah?Naiintindihan namin ni Zedd kung bakit wala sila lagi naman silang bumabawi.Lagi kaming nag bibigay ng isang araw para sa family bonding namin.Hindi sila nagkukulang samin.Buti wala sila dahil pag nakita nila ang benda sa ulo ko tiyak na susugod ng campus yon at aalamin ang nangyari.Mag aalala pa sila.





Yung dalawang lalaki.Tumakbo pero dahil may nakakita pala sa nangyari at kilala sila sinumbong sila sa School administrators at ang sabi pa ni Matt na kick out na sa campus yung dalawa dahil pang 3rd time na silang naki pag basag ulo.Tungkol naman sa Pure Read mabuti at hindi na apektuhan at sinabi ng babae kung ano ang nangyari labas ang pure read at inawat lang namin ni Matt ang dalawang lalaki.Sinabi din nya ang nangyari kung bakit siya hinahabol nung dalawa at sinabi nya nga na pinag tripan nya  ang mga ito at gustong gumanti.Hindi nya na sinabi kung bakit nya pinag tripan ang dalawa.Humingi din daw ito ng pasasalamat at nag sorry sa nangyari.Hindi naman na kick out yung babae at sa halip binigyan sya ng warning at punishment na maglinis sa paligid ng quarters ng pure read at sa loob ng pure read bilang pag tanaw din ng utang na loob saming nag tanggol sa kanya.


Ang babaeng iyon.Bakit?Bakit nya ba ginawa yon?Nag sorry sya?Nag thank you?Sakin Hindi?Teka.Hinimatay nga pala ako kaya di ko siguro narinig o nakita nung nagsorry sya.Teka.Mag lilinis sya sa quarters namin bukas.Teka bakit ko ba sya iniisip?Ano ko hibang?Siguro hibang nga ako dala ng pag kakahampas sakin nung map.Hay Nako!Zyprus tumigil ka nga!Isa kang hibang!



Para maialis ang sarili sa pag iisip ng Kung ano ano ay kinuha ko na lamang ang cellphone ko at nag Facebook.May mga  nag message na nag tatanong kung ayos lang ako.Marahil nabalitaan nila ang nangyari.Sumagot ako na ayos naman ako.Matapos mag check ng Facebook ay ginawa ko na ang mga dapat gawin.Mayamaya may kumatok naman sa pintuan ng kwarto ko.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I meet Ms.TopakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon