Tagatak na ang pawis ni Tiffany. Kung saan-saan na kasi siya napapadpad makahanap lang sana siya ng trabaho, at kahit anong trabaho na sana tutal bakasyon pa lang naman. Napagpasiyahan niya na saka na lang siya maghahanap ng trabaho na puwede sa schedule niya sa pag-aaral niya sa kolehiyo kapag pasukan na.
Isa pa ay wala naman siyang karapatan na mamili ngayon dahil ano bang magandang trabaho ang mapapasukan ng isang tulad niya na high school graduate lamang. Pasalamat na lang siya kung may mahanap siya na maganda ang sahod. Iyong minimum salary raw at complete benefits. Kung wala, eh 'di kahit ano na, basta matino.
Naglakad-lakad ulit siya sa kalsada. Hindi na rin siya nag-aabala na sumakay, gastos lang. Sobrang pagtitipid ang kanyang ginagawa.
Tingin dito, tingin doon. Tingala riyan, tingala rito. Nagha-hunting siya ng mga poster na may nakalagay na HIRING. Napuntahan na rin niya kasi iyong mga job hiring daw na nakita niya sa mga social media, at tulad nga ng kanyang inasahan, lahat sila ay nagsabing tatawagan na lang siya. Gusto niyang umasa pero parang imposible na. Gano'n naman ang mga agency at company, kunwari tatawagan ka raw pero ang ending pinapaasa ka lang.
Meron pa ngang muntik na siyang ma-scam. Papa-medical na raw siya agad gayung wala pa naman siyang employer. Mabuti na lamang at naturuan siya ng pinsan niyang si Mary. Nabigyan siya ng mga teknik noon ng kanyang pinsan dahil sa panahon ngayon ay madami raw talaga mga manloloko. Kunwari hiring sila pero peperahan ka lang pala. Mga walang awa.
Imagine, kaya nga naghahanap ng trabaho dahil kailangan mo ng pera tapo gagantsuhin ka pa ng mga halang ang kaluluwa. Aissst!
Napabuntong-hininga si Tiffany. Pagod na siya kaya nagpasyang umupo muna siya sa tabi. Hinilut-hilot niya ang kanyang sakong. Kakalakad niya ay sumasakit na ang kanyang mga paa.
Hindi niya tulad ni Bearlan Grylls na sa mga sandaling iyon ay kumportableng-kumportable. Ang binatang anak ng mayaman na kampante lamang na nakaupo sa malambot na couch at nanood ng TV sa sarili niyang silid.
Nga lang kahit gaano pa kaganda ang pinapanood ni Bearlan ay hindi pa rin maalis-alis sa kanyang isipan ang babaeng minsan ay muntik na niyang mabangga at noong isang araw naman ay nakita niya sa sementeryo. Parang nakakaawa kasi ang hitsura ng babaeng 'yon. Halatang may mabigat itong pinagdadaanan tulad niya.
Yeah, tulad niya dahil kahit anak siya ng mayaman ay may mga problema rin siyang mga kinakaharap. Oo't sagana siya sa materyal na bagay, pero salat naman siya sa pagmamahal, atensyon at kung anu-ano pa na hindi nabibili ng pera.
Sayang lang at hindi niya nakilala ang babaeng iyon.
"Bearlan, Son, san I come in?" Narinig niyang boses ng kanyang mommy mula sa labas ng silid.
Hindi siya umimik pero pumasok pa rin ang mommy niya sa room niya.
"Son, nasa labas si Jullie Anne. Hindi mo ba siya lalabasin? She's waiting for you."
Hindi pa rin siya umimik.
"Jullie Anne is the daughter of his father's wealthy friend, and she is now his fiancée, whether he approves of it or not. Nagkasundo na ang dad niya at daddy ni Jullie Anne na ipakasal sila as soon as possible dahil sa nalalapit na ring pagmi-merge ng dalawang kompanya na pag-aari ng pamilya nila. Sa madaling salita, gagawin silang parang matatag na sandigan ng bawat kompanya para walang mangyaring kapalpakan. And this is his current dilemma because the reality is he has no affection for Jullie Anne, even though she is a very beautiful young lady.
Mas matatanggap pa niyang kapatid siguro si Jullie Anne kaysa ang maging asawa ito.
"Bearlan, you need to treat Jullie Anne properly for the sake of your dad."
He smirked. Para sa pera ay ipagpapalit ng kanyang ama ang kanyang kaligayahan. It's bulsh*t, isn't it?
"Bearlan, please. I don't want your dad to be angry with you again. I'm begging you, don't be stubborn, Son."
He sighed. Wala naman siyang magagawa dahil sa tuwing kumukontra o umaangal siya ay sinasaktan siya ng magaling niyang ama. Ama na mukhang pera.
Tumayo na siya at walang anumang lumabas sa silid niya. Nilampasan at iniwan niya ang mommy niya roon na walang salita. Pupuntahan niya si Jullie Anne, pakikisamahan niya kahit labag na labag sa kalooban niya.
Yeah, his life sucks.
"Grabe naman 'yun. Bakla talaga ang jowa mo?"
"Oo, kadiri nga, eh. Hindi talaga ako makapaniwala. Nakita ko mismo na ni-lips to lips niya 'yung lalaki na 'yon kaya hiniwalayan ko na kahit mahal na mahal ko siya."
Hindi sinasadya ay nadinig ni Bearlan na chikahan ng mga kasambahay nila habang naglilinis sa hagdanan. He paused for a while and listened.
Subalit natigil din naman ang dalawang kasambahay sa pag-uusap nang makita siya ng mga ito.
"Good afternoon po, Sir Bearlan," bati ng mga ito sa kanya.
He gave a slight nod and then walked seriously toward where Jullie Anne was. Napapaisip siya tungkol sa narinig na usapang iyon ng kanilang mga kasambahay. Pagkuwa'y napangisi siya at tumango-tango. May kung anong pilyong ideya kasi na pumasok sa kanyang isipan. Kung hindi niya mapipigilan ang daddy niya sa marriage arrangement. Pwes, siya ang gagawa ng paraan para hindi ito matuloy. May naisip na siyang paraan.
"There you are. Akala ko ay wala ka na naman mood na lumabas sa room mo, eh," ngiting-ngiti si Jullie Anne na sinalubong siya. She clings to his right arm.
"Sorry, if you waited," matabang naman niyang saad.
"It's okay," malambing na sabi ng dalaga. Ngiting-ngiti.
Iginiya niya itong umupo.
Sa totoo lang ay napakaganda ni Jullie Anne dahil isa itong modelo. Actually, ambassador si Jullie Anne ng isang sikat na brand ng clothing. Matangkad ito at skinny ang katawan. Ang mukha ay parang Americana, namana raw nito sa ninuno nito dahilan kaya napakatangos ng ilong nito. Namumula ang mala-labanos na kutis na may mga pekas pa if walang makeup.
"Would you like to go out? I know of a new restaurant that just opened. Gusto mong i-try? Malapit lang dito 'yon and I heared masasarap daw ang mga food doon."
"No, thanks." Bearlan slowly shook his head. "Actually, I went out because I have something important to tell you, Jullie Anne. I have something to confess."
Nagkaroon ng amazement sa mukha ng dalaga. "What is it?"
"Promise mo muna sa akin na hindi ka maghehestirikal."
Alanganing tumango si Jullie Anne. "O-okay."
Humugot muna si Bearlan ng malalim na buntong-hininga. Bahala na, but this is really the only way he knows to prevent his wedding with Jullie Anne from happening.
"Jullie Anne?"
"Yes?"
"Sorry, but I can't marry you. I'm gay," pagsisinungaling na nga niya.
As he expected, awtomatikong namilog ang mga mata ni Jullie Anne sa sinabi niyang iyon. "What?"
"I'm gay," ulit niya.
"No way! It can't be!" hestirikal na nga ng dalaga.
"Maniwala ka. Bakla talaga ako, Jullie Anne. Lalaki ang gusto ko at hindi ang tulad mo. I'm very sorry."
"No! Nagbibiro ka lang, Bearlan!" Mangiyak-ngiyak si Jullie Anne na napatayo habang iiling-iling.
"I'm not. Gay talaga ako, Jullie Anne, kaya nga noong una pa lang ay matabang na ang pakikisama ko sa 'yo kasi hindi ako puwedeng makasal sa 'yo."
Hindi pa rin makapaniwala na nakatitig sa kanya si Jullie Anne.
"I don't want to hurt you, but I just want to be honest with you. Ayaw ko kasing paasahin ka. Ayokong matali ka sa akin gayong alam ko na hindi kita mapapasaya kahit kailan."
Tuluyan nang napaiyak si Jullie Anne at nagi-guilty naman siya.
BINABASA MO ANG
TAYO NA LANG, PUWEDE NAMAN
RomanceNoong namatay ang Mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Hanggang sa isang Madam ang tu...