Mula sa kawalan hanggang sa karangyaan namuhay ang tulad kong lahat maaangkin, mula sa malapit hanggang sa malayo, pilit na aabutin,pilit na tatanawin
Mula sa bayan ng San Tiago malapit sa kayamanan ng mundo matatagpuan ang aming tahanan, kung saan tinitingala ng nakapaligid sa amin.
Marangyang buhay ang hanap ko ang nais ko at ang gusto ko.
(Mga katang isip na nais marating ng isang batang nakatira sa malapit sa lalauhan kung saan mabaho, maputik, marumi.Ang sinasabi nyang malapit sa kayamanan ng mundo ay tanging mga salita lamang na mula sa kanyang mga labi..
"NAY!!! kailan po ba tayo makakakain ng masasarap na pagkain?" tanong niya sa kayang ina habang ito'y nagluluto ng kanilang tanggalian habang ang kanyang ina ay di man lamang pinansin ang kanyang itinatanong at nagwikang...
"Tawagin mo muna ang iyong ama at tayo'y kakain na!" sambit nito sa kanyang anak .
"ITAY! kakain na po tayo nakapag handa na po ng pagkain si nanay" sambit nito sa kanyang ama habang abalang abala sa pag aayos ng lambat ...
"NAY! susunod nalang daw po si itay !!" sambit niya sa kanyang ina na nakangiti.
"Abat parang naaka saya mo naman anak.. Anong meron? May nais kang hilingin ano?" tanong ng ina sa kanya.
"wala po nay masaya lang po ako kase masaya po kayo ni itay at kapag masaya po kayong dalawa magiging masaya narin po ako...." nakangiting sambit nito sa kanyang ina.
"Oh sya !! mauna kanang kumain at iintayin ko nalaman ang iyong itay para naman pag dating niya ay may makakasabay siya sa pagkain.." tugon ng kanyang ina sa kanya.
LUMAPIT ITO SA HAPAGKAINAN AT NG MAKITA ANG PAGKAIN AY NATUWA ITO DAHIL ANG PAGKAIN NA NASA HAPAG KAINAN AY ANG MGA PAGKAIN NA PABORITO NYA....
"WOW!! fried chicken ang sarap sarap naman nito!!!!!" sambit nito sa pagkain na nasa hapag kainan..
"Hahaha pasaway ka talagang bata ka."(natutuwang sambit nito) "Paanong magiging fried chicken yan eh dinaing na bangus iyan at akala ko ba paborito mo ang ulam na iyan?"tanong ng kanyang ina sa kanya...
"JOKE! lang po iyon inay gusto ko lang po kayong pasayahin at syempre po paborito ko po ang dinaing na bangus kase po kayo po ang nag luto hahahaha..." sagot naman nito sa kanyang ina..
"Pasaway ka talaga.." nakangiting sambit nito.
HABANG KUMAKAIN ANG BATANG PUNONG PUNO NG PAG ASA AT LIGAYA,,ABALA NAMAN ANG KANYANG INA SA PAG LILINIS NG KANILANG TAHANAN AY SAKTO NAMANG DUMATING ANG AMA NG TAHANAN NA PUNONG PUNO NG DUMI MULA SA TRABAHONG PINAGKAKAABALAHAN NIYA...
"OH nariyan ka na pala, mabuti pa'y linisan mo na ang iyong sarili ng tayo'y makakain na at makasabay pa natin ang ating anak na nagiisa sa hapag kainan..." sambit nito sa kanya mapagmahal na asawa.
"TAY! nariyan na po pala kayo, mano po itay.."pagkatuwang pag lapit nito sa ama niya..
INIABOT NAMAN NG KANIYANG AMA ANG KANIYANG KAMAY NA PUNO NG MGA KALYO DAHIL SA KANYANG PAG TATRABAHO..
"Pagpalain ka nawa ng panginoon aking unika iha.." sambit nito matapos na makapag mano ang kanyang nagiisang anak.
"Salamat itay!!!" nakangiting sambit nito sa kaniyang ama.
"Ohh, gutom ka na ba? alika na at tayo'y kumain na.." sambit naman ng kanyang ina sa kanyang ama.
"ITAY! pumunta na po kayo dito ni nanay para sabay sabay po tayong kumain,napaka sarap po ng pagkain na niluto ni inay." pasigaw ng may halong tuwa na sinambit ang mga iyon.
"Aba't totoo nga talaga ng sinasabi nitong makulit naming anak DINAING NA BANGUS AT MAY SAWSAWAN NA TOYO NA MAY KALAMANSI. Napakasarap nga talaga ng ating pagkain.." sinambit ng kanyang ama matapos makita ang pagkain na nasa hapagkainan.
NAGSALO SALO ANG BUONG PAMILYA SA PAGKAING NASA HAPAG KAINAN NA MAY TUWA AT KAGALAKAN NA NADARAMA.
"Papa jesus, salamat po sa lahat ng mga pagkain na nakain ko po at ng aking nanay at tatay ngayon,salamat po papa jesus.." sambit niya matapos kumain,
"Aba't parang nabaliktad ata anak nauna ang pagkain bago ang pagdarasal.." natutuwang sabi ng kanyang ama sa kanya.
"Oo nga ano, paano kase ay masyado tayong nalibang sa kakulitan ng ating anak."sambit naman ng kanyang ina.
"HAHAHA!!!" Sabay na natawa ang mag asawa matapos makita ang anak na patungong labas at busog na.
"Sadyang napaka laki na ng ating anak na si Nadine biruin mo siya at walong taong gulang na." pagkatuwang pakikipag usap ng kanyang ina sa kanyang asawa.
"Oo nga eh, sadyang napakalaki na ni nadine at tiyak ko na marami na syang gustong itanong sa atin.." sabi nto na may pag aalinlangan.
"Mabuti pa'y isikreto nalamang natin iyon sa kanya at tiyak ko naman na kapag nasa wastong gulang na siya ay maiintindihan rin niya kung bakit natin hindi nasabi agad ang katotohanan sa kanya." tugon naman nito sa kanyang asawa.
ANO KAYA ANG ITINATAGO NG MAG ASAWA SA BATANG SI NADINE... MASAMA KAYA O MABUTI. MASASAKTAN KAYA SI NADINE KAPAG NALAMAN NIYA ANG LIHIM NG KANYANG MGA MAGULANG.ANO NGA KAYA ANG NASA LIKOD NG PAGKATAO NI NADINE.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA.
BINABASA MO ANG
ONE LAST CRY
FanficMula sa nag niningning na kahapon Hanggang sa dulo at huling patak ng buhay Matatagpuan ang tunay na kagandahan ng daigdig Kung saan maraming naninirahan Kung saan maraming buhay At kung saan ko matatagpuan ang hangganan ng aking kakayahan Darating...