Minsan pang maitatanong ng bata ang lahat, kahit sambiti'y di rin naman mauunawaan, kaya't mas minabuti pa na itago ang NAKARAAN kaysa ipilit pa sa musmus ang lahat ng kanyang nagdaan..
Muling balikan ang mga susunod na mangyayari sa batang si NADINE...
MAKALIPAS ANG SAMPUNG TAON, AY DUMATING NARIN ANG TAMANG PANAHON NG KADALAGAHAN NG DATING BATANG SI NADINE AT SYEMPRE ANG TAMANG PANAHON PARA SABIHIN ANG KATOTOHANAN NG KANYANG NAKARAAN.....
KINAGABIHAN....
"jonathan aking asawa! kailan natin sasabhin sa ating anak ang tunay na nakaraan nya? kailan at paano natin sasabihin sa kanya ang lahat?" nanangambang sambit ng ina ni nadine na si amanda.
"Hindi ko rin alam kung kailan at kung paano natin sasabihin sa kanya ang katotohanan.." tugon naman ng asawang si jonathan sa asawang si amanda..
"Paano na kapag kanyag nalaman? ayokong mangyari ang mga naiisip ko... Pag nagkataon!." pangangamba ni amanda sa mga mangyayari kapag nalaman ni Nadine ang katotohanan.
"NAY! TAY! nag aaway po ba kayong dalawa?" datong ni nadine sa kanyang mga magulang.
"Hindi anak may pinag uusapan lang kami ng ama mo." tugon naman ni amanda sa tanong ni nadine
SANDALING TUMAHIMIK ANG PALIGID, NAG PASYA NA ITIGIL YAONG MGA PINAG UUSAPAN NG SA GANOON AY DI NA MULING MAUNGKAT PA ANG NAKARAAN AT DI NA MAITANONG PA , SAPAGKAT MAHIRAP ANG ILIHIM ANG ISANG SIKRETO NA DI DAPAT KAILAN MAN MAALAMAN NG SINO MAN.
PAGKARAAN NG ILANG ORAS AY DUMATING NA ANG UMAGA........
MAAGANG NAGISING SI NADINE NG MGA ARAW NA YAON AT DAHIL SA NAUNA SIYA AY SIYA NA ANG NAGHAIN NG PAGKAIN PARA NG SA GANOON AY PAG GISING NG KANYANG MGA MAGULANG AY MAY NAKAHAIN NA SA HAPAG KAINAN.
"WOW! mukhang nag mana sa akin ang mahal kong anak ah!" sinabi ito ni amanda ang ina ni nadine ng may pagkagalak at pagkatuwa..
BINABASA MO ANG
ONE LAST CRY
Hayran KurguMula sa nag niningning na kahapon Hanggang sa dulo at huling patak ng buhay Matatagpuan ang tunay na kagandahan ng daigdig Kung saan maraming naninirahan Kung saan maraming buhay At kung saan ko matatagpuan ang hangganan ng aking kakayahan Darating...