"PO?!" Halos lumuwa ang dalawang mata ni Tiffany sa narinig. Nasa harapan niya ulit ang Madam na si Amelia Grylls. At ang alalay nitong babae na ang pangalan pala ay Vicky. Nagkita sila sa isang mamahaling restaurant pagkatapos siyang tawagan kanina ni Vicky at papuntahin doon nang makalabas siya sa ospital
"Prank lang po ba ito?" tanong niya.
Ang inakala niyang secretary o alalay o kasambahay ay isang pagkakamali dahil malayong-malayo pala sa mga naisip niya ang magiging trabaho niya. Dahil ang magiging trabaho niya pala ay ang paibigin ang anak ni Madam Amelia na isa raw bakla.
Ngyaaakksss!
"Napaka-simple naman, 'di ba? Kayang-kaya mo 'yon, Tiffany. Keysa maghanap ka pa ng ibang trabaho?" pangungumbinse sa kanya ni Vicky.
Napalunok ng laway si Tiffany. Simple? Oo! Pero paano? Paano niya kaya paiibigin o gagawing lalaki ang isang bakla? Mas madali pa yatang manalo siya sa lotto kapag tumaya siya, eh. Susmarya!
"Kapag nagawa mong paibigin ang aking anak, I'll give you a big reward. I assure you hindi ka na mamomoblema pa sa pera. Babayaran kita ng malaki, Tiffany," dagdag ni Madam Amelia sa ino-offer nitong trabaho.
"M-magkano naman po?" Umaasa siya na sana hindi niya magugustuhan ang halagang sasabihin ni Madam Amelia dahil ang totoo ayaw niya ang trabaho. Ano siya? Desperada much para akitin niya ang isang bakla? No way!
"Isang milyon!" ngunit walang kagatul-gatol na sagot sa kanya ni Madam Amelia. Nakataas pa ito ng noo nang sabihin ang halagang 'yon.
"Po?!" Halos mahulog tuloy sa kanyang kinauupuan si Tiffany. Natitig siya sa mukha ng mayamang ginang. Seryoso ba ito?! Pero sa tingin niya seryoso nga, kasi seryosong-seryoso ang mukha ni Madam Amelia habang nakatingin din ito sa kanya.
"P-Pero paano po kung hindi ko po siya mapaibig?" kinabahan niyang tanong. Hindi ito madali, ah. Putek! Anong klaseng trabaho ito?
"No problem. I'll still give you your reward as a token of appreciation for accepting the job. Pero ang gusto ko sana ay gagawin mo ang lahat para mapa-ibig siya within two months."
"Dalawang buwan lang po?!"
"Yes, hija, dahil dalawang buwan mula ngayon ay pag-uusapan na ang kasal ng anak ko at sa babaeng gusto namin para sa kanya na maging asawa niya. Pagkatapos mo siyang paibigan ay maglaho ka na parang bula. Sa probinsya, doon ka na mag-aaral ng kolehiyo at ako na ang bahala sa iyo."
Napangiwi si Tiffany. Napakaganda ng offer ng madam, nga lang parang mahirap ang mga kondesyonis. Gusto niyang umayaw pero sayang naman 'yung isang milyon.
"This is our address. If you accept my offer, come to our house tomorrow. Magdala ka ng damit at gamit dahil do'n ka pansamantala sa bahay namin titira. It's part of your job if you'll accept it." Pagkatapos ilapag ni Madam Amelia ang isang maliit na papel ay tumayo na ito pati na rin si Vicky.
"Hihintayin ka namin bukas, Tiffany, at sana dumating ka. Isang milyon 'yon. Makakapagtapos ka ng kolehiyo na n'on nang hindi magtratrabaho ng mahirap na trabaho kaya pag-isipan mong mabuti," huling sulsol ni Vicky sa kanya bago ito sumunod kay Madam Amelia.
Naiwang napapalabi si Tiffany. Titig na titig siya sa papel na nasusulatan ng address. Ano game ba o hindi? Pera o kahon?
"Ayaw ko nga!" sagot niya.
Pero nang maalala niya ang kanyang mama at ang pangako niya rito na magtatapos siya ng pag-aaral sa kahit na anong paraan ay dahan-dahan na niya iyong dinampot at matagal ulit na tinitigan. Wala namang masama siguro kung susubukan niya.
Subalit bigla niya ulit nailapag ang papel nang may maisip siya. "Paano pala kung pangit pala ang anak ni Madam Amelia? Pangit na bakla? Juskolord! Hindi ko keri!"

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...