KABANATA 35

2.1K 25 31
                                    

An idea, to be suggestive, must come to the individual with the force of revelation.---William James

*****

Pagkatapos kausapin ni Akiya ang anak sa cellphone agad itong lumabas ng opisina niya at nagmamadaling makarating sa kotse niya. Kahit na sugatan pinilit parin nito ang sarili.

Pagkasakay na pagkasakay niya sa kotse at inistart ang makina nito ay nakita niya ang isang bulto ng tao sa tapat ng kotse. Tanging ang kalahating katawan lamang nito ang nakikita dahil sa ilaw na nagmumulas sa kotse niya.

Beep!beep!

“putsa sino ka ba huh?! Umalis ka sa harap ng kotse ko kung ayaw mong sagasaan kita!” sigaw ni Akiya sa taong hindi kumikilos para umalis at nakatayo parin sa harap ng kotse niya. May dala dala pa itong baseball bat.  maya maya kumilos ito at naglakad palapit sa kotse niya.

Ganun na lamang ang pagkagilalas ni Akiya ng makitang hahampasin nito ang windshield ng kotse niya. Agad niyang iniharang ang mga braso sa mukha mula sa mga nabasag na salamin ng kotse niya.  Binuksan nito ang pinto at agad siyang hinila palabas ng sasakyan niya.

“sino ka b—argh!!!” naputol ang ano pa mang sasabihin ni Akiya ng suntukin siya ng hindi nakikilalang nilalang sa sikmura. Sinikmuraan ulit siya nito kung gaya ganun na lamang ang pamimilit sa sakit ni Akiya.  Maya maya mukha niya naman ang pinunterya nito at hindi niya man lang magawang masuntok ito.

Nang maramdamang tumigil ito sa pagsuntok mabilis na inumbagan ito ng suntok ni Akiya ngunit dahil sa natamong bugbog mabagal ang naging kilos niya at naharang nito ang suntok. Hawak nito ng mahigpit ang kamao ni Akiya at maya maya ay pinilipit nito ang braso niya.

“AAAAHHHH!” sigaw ni Akiya ng maramdaman niya ang pagkabali ng braso niya. Hindi pa nito agad binitawan ang braso niya kaya unti unti siyang napaluhod sa sakit. Tanging ang kotse niya na lamang ang naging suporta niya para makatayo siya kanina.

Sinipa siya nito sa mukha sabay bitaw sa kamao niya.

BLAGGG!!!

Tumama ang likod niya sa kotse at nakahandusay na siya halos sa simento. Pinilit niyang umupo man lang kahit na nanakit na ang buong katawan niya. Pinilit niyang aninagin ang mukha nito ngunit kasabay rin nito ang panlalabo ng paningin niya. unti unti narin ang pagtulo ng dugo sa bibig niya. Hindi niya magawang tumayo dahil sa panginginig ng mga tuhod niya. sariwa pa ang mga sugat na natamo niya mula sa babae kanina at heto may isa na namang sumugod sa kanya.

Lumapit ito at itinaas ni Akiya ang braso at hinawakan ito sa binti upang magmakaawa na tigilan na siya. Ngunit walang boses na lumalabas sa bibig niya kahit anong pilit ang gawin niya. nanatili lang na nakakapit ang mga braso ni Akiya sa binti ng hindi kilalang nilalang.

Inalis nito ang pagkakahawak ni Akiya at bago pa man magdilim ang paningin at mawalan ng ulirat si Akiya ay naramdaman niya ang paghampas ng malakas sa ulo niya na naging dahilan upang malagutan siya ng hininga.

*****

“Dad I know Renge is alive. Please maniwala naman po kayo.” Pamimilit ni Austin sa dad niya

“Paano mo kami mapapaniwala sa kalokohan mong yan Austin? Hindi isang biro para sa amin ng mommy mo kapag ang pinaguusapan ay ang anak namin at alam mo yan!” galit na sabi ng Yoshio sa anak at itinuro pa niya ito.  Si Emily na tahimik lang na nakatayo sa likod ni Austin ay lumapit na sa anak at kumapit sa braso nito dahil natatakot ito sa anumang magawa ng asawa sa anak niya.

“Yoshio pwede bang hayaan muna natin ang bata na makapagpaliwanag?” mahinahong sabi ni Emily sa asawa at nakita niya namang nagiba na itsura nito at naging mahinahon.

Ipinagpatuloy ni Austin ang sasabihin niya sa narinig mula sa mommy niya.“Dad ikaw mismo ang nagsabing limang lotus evora lang ang ginawa niyo. Ang taong kilala ko isa siya sa naging buyer natin ng kotseng yun. Black Lotus Evora. It was bought one year after your company produce it at inadvertise sa ibang bansa. Sa listahan ng mga buyer niyo, makikita ang pangalan ng buyer na yun. The buyer named Renge Sanada and she’s a Japanese.”

Lumingon na si Dad sakin at saka nagsalita. “Austin maaaring may kapangalan lang si Renge at nagkataong nasa Japan ang babaeng nakabili ng kotseng yun. Sa Japan maraming tao ang makakapangalan tulad lang din dito sa Pilipinas.” Pagdadahilan ni Yoshio kay Austin.

“Kung ganun nagkataon rin po ba na pareho silang may tattoo na katulad na kay mommy?” tanong ni Ausitn sa ama at tiningnan di ang inang si Emily na nasa tabi niya.  “Tell me mom pinalagyan niyo po ba ng tattoo si Renge tulad ng inyo?” hindi agad nakasagot si Emily sa tanong na iyon ng anak.

“Mom I’m asking you, may tattoo rin ba ang nawawala ninyong anak?” ulit na tanong ni Austin sa mommy niya.

Napabuntong hininga muna si Emily bago sinagot ang katanungan ng anak. “Yes, Renge also had a tattoo that looks like mine. Nakalagay yun sa wrist niya sa kanang kamay. Pinalagyan namin siya habang baby pa siya dahil sa oras na maging bahagi ka ng clan o angkan na kinabibilangan ng daddy mo taglay mo ang crest na iyon.” Mahabang paliwanag ni Emily.

“Now tell me dad, mali parin ba ko ng mga impormasyong nahanap? Renge means Lotus flower. Tama po ba?” tanong ni Austin sa mga magulang niya.

“Yes that’s her symbol kaya doon rin namin kinuha ang pangalan niya.” sagot ni Emily sa anak

“Do you still remember mom when I asked you about your tattoo?” tumango naman ang ina niya bilang pagsagot sa tanong niya.

“That night before that day I saw her, the one who got the same tattoo symbol of yours. Hindi pa ko sigurado ng mga oras na yun dahil hindi ko naisipang hanapin ang anak niyo. Until one day nalaman ko ang ibig sabihin ng pangalan ng anak niyo.  Gusto ko pang makasiguro sa mga nalalaman ko pero hindi ko magawa dahil habang patuloy ako sa paghahanap sa pagkatao ng anak niyo, nalaman kung hindi ko magagawang pagtagpi tagpiin ang mga impormsayon dahil mismong ang mga magulang niya hindi ko kilala. I mean, I know may mga bagay pa kayong itinatago sakin kaya napilitan akong sabihin ‘to sa inyo para magawa niyo ring sabihin sakin ang lahat sa nakaraan niyo.” tahimik lang na nakinig ang magasawang Tsunoda sa sinabing yun ng anak nila.

“If you really know someone na may posibilidad na anak namin, who is she son?” tanong ni Emily sa anak

“You know her mom, and you already met her.” Sagot ni Austin sa mommy niya na ikinakunot ng noo nito at tila naguluhan.

“Her name is Yuri. Yuri Sanada.”

--------- 

A/N: moshi moshi! alam na ng parents niya. what will happen next chapter? any guess?HAHA! libre lang comment di ako nangangagat, promise! nananapak lang.chos! anyway do vote and comment if the chapter desreves it. salamat! sa nakalagay sa dedication kahit di mo nirequest ikaw nlgay ko dahil natawa ko sa mga comment mo.HAHA! sayonara! *wink*

p.s akira on the side (*_*)v

Love or Death(Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon