Kabanata 1

11 0 0
                                    


Alas tres na ng hapon ng ako ay dumating dito sa Monkayo, galing pa ako sa Davao at dumiretso na lang ako dito sa VanMiguel dahil sirado ang bahay wala akong duplicate keys.

Dala-dala ko pa ang di kalakihang backpack ko , nakatayo ako hindi kalayuan sa gate ng school kung saan wala gaanong tao, may isang sasakyang nakaparada dito kaya hindi ako masyadong kita.

Dito na lang ako mag-aantay. dahil hindi ako sigurado sa sasakyan ni kuya kung saan niya ito ipinarada. Sumandal ako sa mataas na wall ng paaralang ito.

Exclusive for boy's ang pinasukan ng kapatid ko kaya't ang napapadaan sa harap ko ay napapatingin sa akin.

Siguro'y iniisip nila na may boyfriend akong hinihintay dito. Yumuko na lang ako ng may grupo ng lalaki ang naglalakad patungo sa direksyon ko.Ang isa sa kanila ay may dalang gitara.

Malakas ang tawanan nila.Nagkunwari akong may katext Kahit kanina ko pa naisend ang pangsampong mensahe kay kuya .Kahit isa walang reply niya.Unti-unting humina ang tawa nila ng palapit na sila sa akin.

Nangangalay na ang mga paa ko at ulo sa kakayuko para hindi nila ako mapansin.

Asan ka na ba Kuya!!!Hanggang sa nawala na ang tawanan.Uminit ang mukha ko ng makita ang tatlong pares nag sapatos sa harap ko. Tumingala ako sa kanila At nasalubong ang mga nakangiting mukha maliban sa isa.

''Miss may hinihintay ka sa loob?"

Tanong ng nakasuot na eyeglasses.

Gwapo ito. Malinis ang mukha. Nagpadagdag ng kapogian ang eyeglasses niya.

Bumagay ito sa kanya.Sa kanilang tatlo siya lang ang naka-unipormi at may hawak hawak na Libro. Oh shit! Books plus eyeglasses plus handsome face equals HOT NERD!

"Ah Oo! Hinihintay ko ang kuya ko"

ngumiti ako ng tipid. Ang isa niyang kasama ay may nakasabit na gitara sa kanyang balikat. Katulad niya ganun rin ang lalaking ito. Gwapo.

"Miss pwede ka namang pumasok sa loob at umupo sa mga bench doon. Baka matagalan pa iyong kapatid mo nakakangalay ang tumayo ng matagal miss"

Saad ng may dalang gitara at tinuro ang loob ng school. Umiling ako at ngumiti dahil sa kabaitan niya. Napukos ang mga mata ko sa pag-iling ng lalaking nasa likod nila.Nangingiti siya sa sinabi ng kaibigan niya. Uminit ang pisngi ko. Damn..

"naku, okay lang. Nagtext na si kuya na parating na siya" tumango iyong naka eyeglasses at kinuha ang tumunog nyang cellphone, nag-excuse siya para sagotin ito.

Pasimple ko tiningnan ang lalaki na tumawa kani at nakita kung nakatitig na siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at bumaling sa kakabavibrate kong phone. May mensahe galing kay kuya.

"Bunso, Im sorry ngayon ko lang nabasa ang text mo. Kanina ka pa jan shane? Patapos na ako."

Magtitipa na sana ako ng e.rereply ng magsalita ulit iyong may dalang gitara.

"By the way, I'm Clark" nilahad niya ang kanyang kamay. Tinanggap ko iyon. Naramdaman ko ang paghigpit niya ng hawak sa kamay ko. pinisil niya ito.

"Shane Rayllen " ngumiti ako at binitawan ang kamay niya. Bumaling ako sa kasama niya, seryoso itong nakatitig sa akin. Nginitian ko siya kahit naiilang ako sa titig niya. Nakita ko ang pagsiko ni Clark sa kaibigan niya. Kunot nuong bumaling siya sa kay Clark.

Hindi ko naintindihan pero parang nag-uusap ang kanilang mga mata. Umirap iyong lalaki at bumaling ulit sa akin. Nagulat ako sa paglahad nya ng kanyang kamay.

"Giovannie" saad niya.

Tinanggap ko iyon. Mainit at malambot ang kamay niya kumpara sa akin na nanlalamig na. Siya ang unang bumitiw sa kamay ko. Ngumiti siya sa akin at hindi ko alam kung bakit napatulala ako dahil dun. Sa kanilang tatlo. Masasabi kong siya ang may maangas ang dating. Siya ang may pamatay na ngiti ,iba ang mga ngiti niya para itong naglalaro na para bang may binabalak.

Taglay nila ang matipunong pangangatawan pero mas malaki lang ng kunti nitong kay Giovannie at sa kanilang tatlo siya ang pinaka matangkad.

Marami na akong nakitang gwapo at mapormang lalaki sa Davao lalo na sa school kung saan ako dati nag-aaral pero may mga lalaki talagang kahit sa simpleng Black V-neck shirt lang ang suot nila ay sobrang lakas parin ng dating na para bang mapapatigil ka sa paglalakad at titigan mo na lang ito, at isa na doon si Giovannie, don't get me wrong ang hot rin ng mga kasama niya at gwapo rin ang mga ito pero iba talaga ang dating niya para sa akin.

"Clark, we need to go. Kailangan ka na sa Arquezz. Van sasama ka? "

ang lalaking naka eyeglasses kanina. Lumingon siya sa akin at ngumiti sabay lahad ng kanyang kamay.

"Alexander Montejo miss nice meeting you" kinuha ko iyon at sinabi ang aking pangalan.Hindi lang libro at eyeglasses meron si Alexander, suot niya rin ang I.D niya. A good student huh! Napangiti ako dun. Malimit na sa mga lalaki ang katulad ni Alexander.

Si Kuya Dom nga nuon ay minsan lang sinusuot ang kanyang I.D at kung susuotin man niya ay nakatalikod ito. Narinig ko ang tunog ng susi at nakita ko na hawak hawak ito ni Giovannie .

Seryoso na ang kanyang .mukha at umiling, dinilaan niya ang kanyang ibabang labi, ang susi ay pina-ikot ikot niya ito sa kanyang mga daliri at tumalikod na at pinatunog ang sasakyan. They said their goodbyes to me.

Gusto pa sanang manatili ni Clark pero tinawag na siya ni Alexander na andun na sa loob ng sasakyan kumaway siya sa akin, tumango ako bilang ganti habang si Giovannie ay pinaandar ang sasakyan seryoso na ang mukha niya hindi siya, nakapukos lang ang mga mata niya sa harap.

Nagpapacute na nagpaalam si Clark, nasa loob na siya ng sasakyan at nakalabas ang mga kamay habang kumakaway sa akin, ayaw pa raw niya sanang umalis dahil sasamahan niya raw ako. tinanggihan ko siya. Tsk! I know your kind boy... napabuntong hininga na lang ako ng makaalis na sila,.

We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon