At the Mall

29 3 6
                                    

Madelle's PoV

Tsk. Ano bang gagawin ko dito sa bahay?! Si ate Priam nasa boyfriend nya, si Thea (lil sis ko) nasa kaibigan nya, si mom nasa Canada at si dad nandun sa heaven. Yeah, patay na ang daddy ko bata pa lang ako. Bakit? Wag nyo nang alamin.

~kringg kringg kri~

"Hello, Thea?" Yah, si Thea yung tumawag.

"Ate, help me!" Bat nagpapanic to?

"Why? Is there something wrong?" Aba! Mabait kaya akong ate.

"Basta! Pumunta ka muna dito sa *address here*. Hurry up!" Nag-ok nalang ako. I ended the call after our conversation. Nagbihis lang ako ng short at t-shirt. Flat shoes then im done! Sumakay nalang ako ng taxi dahil tinatamad akong magdrive.

Pagkarating ko sa lugar na sinabi sakin ni Thea ay tiningnan ko yung paligid. Actually, nasa harap ako ng malaking bahay. Nagdoorbell na ako at sumalubong naman sakin si Thea. Hinila nya kaagad ako sa loob ng bahay papunta sa kusina. Doon ay may natanaw akong batang umiiyak. Mga kasing edad siguro ni Thea.

"Janella! Nandito na si ate." Lumapit sya sakin at nakipagkilala. Pinaupo nila ako, natural, sa upuan.

"So, bakit nyo ako pinapunta?" Tanong ko. Nagkatinginan naman sila at bigla nalang umiyak si Janella. Tsk.

"Ate Madz, si Janelle kasi niloko ng boyfriend nya." Taena! Pinapunta nila ako dito para lang dun?! Napahawak ako sa gilid ng ulo ko at hinilot ito.

"Thea, ilang taon na kayong dalawa?"

"14 ate." See?! 14 years pa lang may paboyfriend boyfriend na?!

"Tsk. Masyado pa kayong bata! Wag nyo muna seryosohin yang mga relasyon relasyon na yan! Tsaka alam nyo sa mundong to walang permanente! Wag ka ngang umiyak dyan na parang sa mundong to ikaw lang ang naiwanan! Ikaw lang? Ikaw lang? Sabi ko naman kasi sa inyo walang forever! Pesteee! Tumayo ka dyan magbihis ka. Aalis tayo!" Nakaka-highblood! Grabeee!

"San po tayo pupunta?" Tanong ni Janella. Medyo okey na sya tingnan.

"Sa mall. Bilis! Bibili tayo ng gamit para sa next week. Pasukan na! Kaysa naman kung anu-ano iniisip nyo!" Umakyat na agad sila sa taas. Maya Maya pa ay bumaba na sila kaya pumunta na kami sa sasakyan. Syempre, dun kami sa sasakyan ni Janella. May driver naman sila.

After fifteen minutes, nakarating agad kami. Una kaming pumunta sa National Bookstore.

"Kumuha na kayo ng mga gamit nyo. KKB. Okay?" Tumango naman si Thea.

"KKB? What's that?" Tsk. Seryoso sya?

"Kanya Kanyang Bayad!" Sabay naming sabi ni Thea. Napatango na lang sya at umalis na sila ni Thea.

Actually, last week pa naka-ready yung gamit ko. Bibili na lang ako ng wattpad book. Ano kayang maganda? Ahh! Alam ko na. Yung Girlfriend for Hire nalang. Wala pa kong ganun, eih. Hinanap ko yung GfH at ayun!

Pumunta ako dun. Kukunin ko na sana nang biglang may humawak din na lalaki sa tabi ko.

"Akin to!" Sabay naming sabi. Arghh! Tiningnan ko sya ng masama. Hmmp! Makuha ka sa tingin.

"Hindi mo ko madadaan sa tingin, miss." Aba't!

"Hoy, mist-"

"Kuya Zach? Gosh! You're here!" Bigla nalang niyakap ni Janella yung lalaking walang modo. Magkaano-ano sila?

"Magkakilala po ba kayo, ate Madz and kuya Zach?" Nagkatinginan kami at dahil ako ay maganda inirapan ko lang sya. Anong connect? Bahala na kayo nagconnect. Haha.

"Wala kong kilalang lalaking mayabang!" Sinasabi ko yan habang dinuduro duro ko sya sa mukha.

"Wala rin akong kilalang babaeng nakakabastos ang pananamit." Aba't! Talaga naman!

"Hoy, ikaw! Ang ka-"

"Zach. My name is Zach so don't call me hoy. Ahmm, sorry girls. I need to go! So, bye. By the way, iyo na yang libro mo, Miss Short. See you around!" King ina! Bastos talaga yung bibig nun! Tiningnan ko si Janella at si Thea sabay alis. Naiinis ako! Nanggigil ako! Arghh! Peste!

Nagcommute nalang ako kahit ang init! As if I have a choice? Duh.

Pumara agad ako ng jeep at sumakay na at kung minamalas ka nga naman. Kaharap ko pa si Mr. Walang Modo! Actually, tulog sya habang may earphones. Cool! Yeah! He's cool pero walang modo! Tsk.

Nagbayad na ako sa driver. Arghh! Bat ba ang malas ko ngayon?! Nasa gitna kami ng traffic tas wala pa kong load! Magpapatugtog na nga lang ako. At hindi ko namalayan nakatulog na ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon