Tagu-taguan Tayo

1.5K 10 8
                                    

Ang Tagu-taguan ay isang kilalang laro, ito'y madalas laruin ng mga bata. Ang ingles ng Tagu-taguan ay Hide n' Seek may isang taya na mag bibilang at hahanapin ang mga kalarong nagtatago sa iba't-ibang parte ng lugar na kanilang pinagusapan. Madalas rin itong laruin sa gabi.

Isang araw si Tonnie ang isang batang babae ay malungkot na malungkot, walang kuryente sa kanila dahil may nakidlatang poste ng kuryente kahapon. Siya ay lumabas ng kanilang bahay at hinanap ang kanyang mga kaibigan, nang sila'y nahanap na ni Tonnie niyakag niya ito na makupag laro ng tagu-taguan. 

At sila nga ay nag laro na ng tagu-taguan, at dahil mabait si Tonnie sabi niya siya na daw ang taya. Tuwang tuwa naman ang kanyang mga kaibigan at nagbilang na si Tonnie hanggang 60. "56, 57, 58 , 59, at 60! Hahanapin ko na kayo!". Hinanap na ni Tonnie ang kanyang mga kaibigan, si Albert ang una nitong nahanap, nakita niya si Albert sa may likod ng Pintuan ng bahay nila,  ang sumunod naman ay si Raphael, nag tago si Raphael sa loob ng garden kung saan maraming mga halamang nagtatakip kay Raphael.

Patuloy pang naghanap si Tonnie, at may nakita siyang babae, akala niya iyon ay si Ricca at tumakbo ito at sabi, "BANG RICCA!" ngunit hindi parin natingin ang babae, nilapitan ito ni Tonnie at hinawakan sa balika't at tumingin ang babae. Ang mata ng babae ay itim na itim nagdurugo ang kanyang bisngi at naka usli ang buto nya sa bandang kaliwang balikat. Nagulat naman si Tonnie at sumigaw, si Tonnie ay napa pikit at pag dila't ay wala na ang babae. 

Sa sobrang takot ni Tonnie tinigil na niya ang pag lalaro, at 8:32 PM na nag si uwian na silang magkakaibigan, si Tonnie ay mag isang naglalakad papauwi sa kanilang bahay. Habang siya ay naglalakad biglang lumakas ang hangin, at parang may bumubulong kay Tonnie "Tagu-taguan tayo" natakot siya at tumakbo nalang pauwi.

Nasa kwarto na si Tonnie upang matulog, hindi parin maalis sa isipan niya ung babae, pinilit niya itong kalimutan at pinikit anag mga mata at nagbalot sa kanyang kumot. Makalipas ang ilang minuto may humila ng kanyang kumot at napa-upo si Tonnie at nakita niya nanaman ang babae. at ang sabi "Tagu-taguan tayo" natakot siya at nagpunta sa kwarto ng tatay niya, upang matulog, kinuwento niya ang nangyari sa tatay niya at kinabukasan nalaman nila na ang babaeng iyon daw ay si Danielle, dati daw nag tatagu-taguan sila at nalaglagan daw si Danielle ng mga bato sa kanyang tinataguan, natamaan ang kanyang balikat at ang pisngi, at doon namatay si Danielle.

Ikaw, may nakita ka bang babaeng nakatalikod habang kayo ay nag tatagu-taguan? Umalis kana kagad, wag mo na siyang gambalain baka ikaw ay HINDI MAKA TULOG.

Wag kanang matulogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon