Ang Huling Talon

350 6 6
                                    

Ako nga pala si Ace, masaya ang pamilya namin. Ngunit.. ito'y nasira dahil sa isang pangyayari, si Tatay kasi inawanan si Nanay noong bagong taon dati, at sa sobrang galit ni nanay parang hindi na niya mapigilan ang sarili niya. Ang bu-brutal ng mga bagay na ginagawa ni nanay. At may roon nga pala akong nakababatang kapatid si Ae-cee. Kaming dalawa ay sobrang nasaktan at kaming dalawa ay may kasunduan dati pa na kapag edad namin ng 14 ay tatalon kami sa bagong taon. Ngunit mukang hindi na iyon matutuloy..

Nuong nakaraang taon

"Hoy! Ikaw Rojelito walang hiya ka! Pano mo nagawa ito samin, MAY PAMILYA KA ROJELITO MAY PAMILYA KA! Iiwanan mo lang mo lang kami? Bakit!? Ano ba ang ginawa ko? May ginawa nanaman ba akong masama? O baka naman nakahanap kana ng ibang babae, bakit NAG SASAWA KANA BA SA AKIN?" 

"Aba! Aba! Michelle, alam mo matagal na akong nag titimpi sa pag bubunganga mo! Alam mo bang RINDING RINDI NA AKO? Wala na yatang araw na hindi ka sumisigaw, bawat galaw ko'y pinapansin mo. SAWANG SAWANA AKO MICHELLE!! Mabuti na lang na iwanan kita!"

"Ahh, ganon? Iiwanan mo na kami dahil mabunganga ako? Ganon?!"

"Oo! Kung ikaw ang nasa kalagayan ko baka ito'y iyong gawin din!"

"Pwes, lumayas ka! *Kuha ng vase sabay tapon kay Rojelito, galit na galit na nag wala* AYAN! LAYAS"

"Aba, wala kang karapatan gawin yan sakin, mga GAMIT KO YAN! *Kuha ng kutsilyo sabay tapat kay Michelle*"

"Sasaksakin mo ako? GAWA! MAGKAMATAYAN NA TAYO DITO! BWISET KA! HINAYUPAK MAMATAY KANA! *Kumuha din ng kutsilyo*"

At silang dalawa nga ay nag away ng sobra, nag saksakan, nag bugbugan, NAGPATAYAN. Hinagisan ng isang malaking paso si Rojelito at siya ay nawalan ng malay. "Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi kana ngayon makakaalis! Hihiwain ko ang paa mo at ang kamay mo. Subukan lang natin kung magawa mo pa kaming hiwalayan." Hindi nalang namalayan ni Michelle na tumagas na ng marami ang dugo sa may lapag, at hindi niya nalang namalayan na.. patay na si Rojelito. Nilibing ni Michelle si Rojelito sa kanilang bakuran. At oo nga pala, sa araw na ito ay wala ang magkapatid, sila ay nasa bahay ng kaklase nila upang gumawa ng proyekto nila. 

Isang buwan bago mag bagong taon

Naguusap ang magkapatid tungkol sa tatay nila, kung bakit hindi na nila nakikita ang tatay nila. Sinubukan narin nilang tanungin ang nanay nila ngunit sa tuwing tinanatong nila ang kanilang nanay ay hindi ito umiimik ngunit nagagalit lamang at parang wala sa sarili, minsan pa nga ay may mga oras na bigla biglang sumisigaw ang kanilang nanay at sinasabi "WAG! Rojelito waaag!" at silang dalawa nga ay natatakot at tapos minsan din nagsasalita ang nanay nila, para bang kinakausap ang kanilang tatay. Nag promise ang magkapatid na sa darating na bagong taon ay tatalon sila ng sabay at para daw kakaiba tatalon sila palabas, ang daanan nila palabas ay medyo mataas pero hindi naman sobrang taas na sila ay madidisgrasya. 

Tatlong araw bago ang bagong taon

Ang magkapatid ay naisipang tulungan ang kanilang nanay upang mamili ng mga ipanghahanda para sa Media Noche kasi sa nakikita nila wala paring hinahanda ang nanay nila. Kaya lumapit sila sa nanay nila upang manghingi ng perang pambili ng mga lulutuin, at kung makakaya pati mga paputok. Ngunit ang nanay nila ay nagalit lamang at sabi ''WAG KAYONG AALIS SA BAHAY NA ITO!" At oo, simula nuong namatay ang tatay nila ay hindi na sila pinapalabas ng bahay. Nung kinagabihan sinubukan nilang tumakas, andyan na sila sa pinto ng may biglang sumigaw ''HOY! ANO SA TINGIN NIYO ANG GINAGAWA NINYO?" At nagdalidali silang umalis at sinabi "Sorry Inay, gusto lang namin na masaya tayo sa bagong taon" Nang biglabiglang nakaramdam ng sakit sa paa si Ae-cee, at pagkatingin niya ay may nakatusok na na kutsilyo, bigla nalang natumba si Ae-cee at nung tutulungan na siya ni Ace naghagis pa ng kutsilyo ang nanay nila at ayon nga natamaan sa bandang tiyan si Ace. Hindi na sila nakaalis ang kung ano ano ang ginawa ng nanay nila sa kanila, tingnanggal ang paa upang hindi na makaalis, tinanggal ang mga kuko, at kung ano ano pang mga mabu-brutal na gawain. Hindi rin sila makasigaw dahil may tali sila sa bibig at sa kamay upang hindi makatakas. At ayon nga, hindi na sila nakaalis at ni-lock lang sila doon sa kanilang kwarto..

Makalipas ang dalawang araw

Sa kabutihan palad, biglang nasira ni Ace ang tali niya sa kanyang kamay, tinangal niya narin ang sa bibig at ang sa kanyang kapatid. At dahil nga putol na ang paa nila hindi sila makatay. Silang dalawa ay nag-usap

"Kuya, pano na to.. hindi tayo makaalis at mamaya lang ay bagong taon na.. Wala man lang taong handa o kaya paputok, hindi katulad noong nandito pa si tatay"

"Kaya nga Ae-cee.. ay! Oo nga pala, natatandaan mo pa ba 'yung promise natin sa isa't isa na tatalon tayo kapag bagong taon na? Kakayanin pa kaya narin iyon?.."

"Kuya, wag ka mawalan ng pag asa! Diba nga sabi satin ni tatay na ang promise ay dapat tuparin ano man ang mangyari, at walang imposible kapag nasa puso natin si God."

"Oo nga pala.. matagal narin ang lumipas at nakalimutan ko na iyon.."

Sinubukan ng magkapatid na tumakas, at dahil nga hindi sila makatayo, gumapang nalang silang dalawa, sobrang sakit ang nararamdaman nila. Ngunit pinagpatuloy parin nila ang ginawa nila, nakarating na sila sa pintuan, at nabuksan narin nila, pinilit nilang magawa ito. Ngunit nuong patalon na sila may sumigaw ulit "TIGIIIIIIIIIIIIIIIIL!!!" ngunit hindi na sila tumigil, nag tinginan muna silang dalawa at nag usap, "Kuya, ito na.. kaya ba natin?" "Oo! Ikaw nga ang nag sabi sakin kanina na ang sabi ni tatay, walang imposible kapag nasa puso natin si God!" At silang dalawa ay naging masaya at tumalon, pano? Kahit wala silang paa pinilit nila na mapatalon.

At habang nasa ere nga sila para bang himala, nakita nila ang mga nakaraan na nangyari malakas ang hangin at kahit gabi na ay biglang lumiwanag ang kalangitan. Nang pabagksak na sila ay biglang huminto, nag tinginan sila sa isa't isa at nakita nila ang mga nakangiti nilang muka at bigla nalang parang hinigop sila, at bumalik pala ang oras. Ang oras na buo pa ang pamilya nila, kaya nuong araw na iyon hindi na muna umalis ang dalawa upang gumawa ng proyekto, ngunit nandoon nalang sila sa bahay nila upang alagaan ang tatay at nanay nila.

At doon nga natapos ang storya, naging masaya ulit sila at naging maayos ang buhay. Kaya lagi nating tandaan, sabi nga ng tatay nila "Walang imposible kapag nasa puso natin si God"

 --

Thanks to Raphael Carl  Ong para sa topic na dapat kong gawan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wag kanang matulogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon