Ang Duwende

1.2K 11 5
                                    

"Isang masayang umaga nanaman kasama ang aking best friend na si Rose, at ito na nga ang panahon na aking pinaka hihintay! Tatlong araw nalang at ako ay pupunta na sa probinsya kasama ang aking mga kaibigan. Sana maging masaya itong' pag punta namin doon" Masayang masayang sinabi ni Rafael, Sila Rafael, Rose, Daisy, Lily, Fred, at Phillip ay pupunta sa Mindanao, sa isang baryo sa Mindanao. Kaya sila pupunta doon ay para bumisita sa tita ni Rafael na si Imelda. 'Yun ang ka-arawan ni Imelda, sila ay pupunta doon upang magsaya at kalimutan ang kung ano mang problema. 

Tatlong araw nalang at pupunta na sila Rafael sa Mindanao, lahat na ng gamit nila ay ayos na, may mga pagkain na sila na dadalhin at ang mga pasalubong ay nakahanda narin. Lahat sila ay may tig-iisang regalo para kay Imelda, "Handa na ba kayo sa pag alis natin sa Linggo?" sabi ni Rafael, at lahat ng kaibigan naman niya ay sumaagot ng Oo. Hindi alam ni Rafael ang gagawin niya,sa sobrang pagka sabik na pumunta doon hindi siya makatulog, at hindi makakain ng ayos. Isang araw nalang bago sila umalis at sabi ni Fred kay Rafael, "Hoy! Chill ka lang pre? O.A naman yata 'yang pagka excite mo. Hay nako basta maghanada kana bukas na ang alis. Baka kasi may mga naiwanan ka pa." At ayon nga, bumili pa si Rafael ng toothpaste, shampoo, at sabon.

"Ito na nga! Ito na ang araw na aking pinaka hihintay. Pupunta na kami doon, kamustan a kaya sila Tita?" Winika ni Rafael sa sarili. Narinig naman ito ni Rose at sabi "Hoy, sino yang kausap mo? Nababali kana yata Hahahah!" sabi ni Rose. "Ah, wala sobrang nasasabik lang talaga ako" sabi ni Rafael. Sila na nga ay sumakay na sa barko, at pagka sakay nila dahil sa sobrang pagod ay natulog kagad sila, at tutal meron namang aircon doon napasarap ang tulog nila. Nagising sila noong gabi na, at sa oras na iyon ay may hinatid ang mga waiter na pagkain sa bawat pasahero ng barkong iyon. Sa kasamaang palad, sa araw na iyon ay may malakas na ulan at hangin, nararamdaman ng mga tao sa loob ang pag talon ng barko. Nayayanig silang lahat, kinakabahan, at hindi alam anong gagawin. Ang iba ay nagdadasal nalang at iniisip na sila ay maliligtas.

Isang araw na ang lumipas at nakarating na sila Rafael sa Mindanao, sinundo sila ng kanyang lolo na si Manwel, dinala sa bahay nila. Alas tres ng madaling araw noon, madilim pa ang paligid at maraming kugn ano anong naririnig si Rafael, ngunit ang kanyanag mga kaibigan ay nakatulog sa kotseng kanilang sinasakyan. Habang sila ay papunta sa bahay ng kanilang tita may kinukuwento ang lolo ni Rafael sa kanya, tungkol daw sa mga masasamang espiritu'ng umiikot sa baryong iyon. Isa na doon ang duwende, ang duwende daw ay tuso,maliit, may matulis na tenga, at maliit na boses. Sinasabi daw na sila ay nakatira sa mga kabute, at sa mga punso. At kinuwento ni lolo Manwel na ang mga duwende daw doon ay dumarating tuwing mga 9:00, kapag daw may nakita itong bahay na bukas pupunta daw ito doon, kakainin ang mga pagkain, at kung mayroon mga dalaga'y sinisira ang damit. Hindi naman naniwala doon si Rafael kaya siya ay natulog nalang, ngunit ito'y hindi niya makalimutan.

Nakarating na sila sa bahay nila at nag-pahinga muna sila. Hindi parin makalimutan ni Rafael ang kinuwento ng kanyang lolo, ngunit ayaw niya talaga itong paniwalaan, ito naman ay kinuwento niya sa kanyang mga kaibigan. Hindi rin sila naniwala sa kinuwento ni Rafael. 

Dumating na ang gabi, 9:00 PM na noon. At dahil nga hindi sila naniniwala sa mga masasamang espiritu na kumakalat sa baryong iyon, bukas lang ang mga pintuan at bintana nila, nadapat nakasarado dahil may mga masasamang espiritu nga na kumakalat doon. Sila Rafael ay may naririnig na mahinang boses para bang "takla takla takla", ganon ang naririnig nila. Palakas ito ng palakas, at habang lumalakas ito'y lumalakas din ang tibok ng puso nila. Hanggang pag tingin nila sa pintuan at bintana maraming mga duwende ang nakapalibot, lahat ay nag sasabi ng "TAKLA TAKLA TAKLA" Ang mga magkakaibigan naman ay nagsigawan at nag takbuhan. At dahin nga ang duwendeng iyon ay may masamang espiritu, ang mga babae ay sinira ang damit, ang mda lalake naman ay pinag sasasaktan. May mga medyo malalaking duwende na kumakagat sa kanila at may mga maliliit naman na pumapasok sa mga parte ng katawan at biglang matutunaw ito at para bang ang parte na iyon ng katawan mo ay nalulusaw narin. Hindi nila maipaliwanag bakit ganong klaseng duwende ang mga iyon.

Isa lang ang nakaligtas sa kanila, at iyon ay si Lily. Dahil siya ay natulog sa kwarto ng tita ni Rafael, at pati narin mismo si Rafael ay namatay. Nag kalat ang dugo nuong gabing iyon. Mga butong naka palibot sa kwarto at walang mga laman ito. Para bang kinain lahat ng laman.

At hanggang ngayon, sa parte ng Mindanao na iyon ay hindi parin maipaliwanag kung bakit ganong klase ng duwende ang umaatake sa kanila. Miski ang ibang tao sa ibang bansa ay hindi alam kung bakit. 

Wag kanang matulogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon