"Nandito na kaya siya?" Tinignan ko ang relo ko at ang nakalagay ay 11:15 am. Naglakad ako papunta sa lugar na kung saan nakilala ko si Ean. Isang misteryoso at weird na lalake na nakilala ko kahapon.
Nang makapunta na ako, nakita ko siya na nakatayo na nagbabasa ng isang libro. Kung ganon, seryoso pala siya sa mga sinabi niya.
"Sorry, pinaghintay ba kita?"
"Hindi naman kita sinabihan kung anong oras ka dapat dumating." Para siyang robot kung magsalita.
"Galit ka ba?"
"Mayroon bang bagay na dapat kong ikagalit?" Tulad ng sabi ko, napaka weird niya.
"Kung wala ka nang tanong, pumunta na tayo sa University. Marami pa akong gagawin." sabi niya at naglakad na, sumunod na lamang ako.
*Sigh* mukha naman akong tuta nito -,-
-maya-maya ay nakapunta na kami sa harap ng Axion University
"Mukha namang maayos ito di tulad ng sinabi mo sa akin kahapon." lumingon ako kay Ean na tuloy sa paglalakad papasok ng school.
"Hindi ang University, kundi ang mga students. Tandaan mo ang sinabi ko sa iyo." tumigil siya at binuksan ang pinto para sa akin.
"So sinasabi mo na mga mamamatay tao ang mga students? Kung ganon, dapat alam iyon ng teachers, at iexpelle na sila dito." Sumunod ako sa kanya at nakatayo kami ngayon sa hallway.
"Maiintindihan mo kapag nakita mo na sa harap mo." Hindi ko alam kung pinagsasabihan niya ba ako o pinagbabantaan.
"Aasikasuhin ko muna ang mga paperworks mo sa pag transfer, kaya pwede kang maglibot sa school. Pero huwag mong kalimutan pumunta sa klase mo pagtapos ng lunch period. Section C ka sa 3rd building." sabi niya at naglakad papunta sa isang hallway.
"Teka-" Hinabol ko siya kaso hindi ko na siya nakita. Sino ba siya? Siya ba may-ari ng school na ito? Pero ang bata naman niya.. Hindi ako sigurado pero may nararamdaman akong nakatingin sa akin...
Naglakad na lang ako at naglibot dito sa school. May mga students na kumakain, nag-uusap at naglalaro. Mukhang normal naman sila kesa sa sinabi ni Ean =,=
Habang palakad-lakad ako, nakita ko ang isang grupo ng babae. Anong meron? Mga sorority ba sila?
Nang lumapit ako, napansin ko na may isang babae na mukhang takot na takot sa gitna.
"Bulag ka ba?? Apat na nga ang mata mo hindi ka pa makatingin sa dinadaanan mo!" pasigaw na sabi ng parang leader ng grupo nila
"S-s-sorry..." sabi ng babae na nanginginig sa takot
"Ano? Sa tingin mo mapapatawad kita ng basta-basta?"
"Lumuhod ka at magmakaawa na parang isang bata!" utos ng isa at lumuhod ang babae sa sobrang takot. Teka, sino ba sila!? At bakit sumusunod naman yung babae? Lumingon ako sa paligid, at napansin ko na nakikita iyon ng dumadaan kaso hindi pinapansin.
"Hah! Bagay nga iyan sa isang mababang antas na tulad mo!" Pumitik ng daliri yung parang leader nila at sabay-sabay nilang pinagsisipa ang babae..
Bakit hindi nila pinapansin?! Sila ata ang bulag dito. Tss. Tumakbo ako papalapit sa kanila. Kung walang gustong tumulong, ako na mismo ang gagawa.
"Hoy tumigil nga kayo!" Tulak ko sa isang babae na sumisipa. Tumigil lahat sila at tumingin sa akin. Ang sasama ng tingin nila na parang nakatapak ako ng isang bomba.
"At sino ka naman? Anong pakielam mo ba?" Sabi ng babae na tinulak ko
"Gusto ko lamang tumulong sa babaeng sinasaktan niyong mga gago." sabi ko sabay irap sa kanya.
"Ikaw ba ang bagong lipat sa Section C?" Malakas na sabi ng parang leader nila na napatingin lahat ng students na naroon. Alam na pala nila na may bagong lipat, sinabi siguro ni Ean.
"Ano naman kung oo?"
"Heh, hindi niya pala alam. Queen, mukhang may bagong laruan tayo" sabi ng isa. Ano daw? Queen? So reyna pala ng mga gago ito eh
"Hayaan niyo na siya girls, pero huwag kayong magalala, bibigyan natin siya ng welcome party mamaya." sabi ng 'Queen' nila at umalis na silang lahat. Natira kami dito ng babae na sugatan dahil sa pagkakasipa.
"Ayos ka lang ba?" Inabot ko ang kamay ko kaso mas lalo siyang natakot.
"S-s-salamat... pero hindi mo na dapat ako tinulungan." sabi niya at tumakbo papalayo.
Uhh.. siguro natatakot lang siya... pero ano meron doon sa 'Queen' na iyon? Habang nagiisip hindi ko napansin na may tumapik nang balikat ko.
"Hello."
"Hey~" sabay na sabi ng dalawang babae na nasa harap ko. Nagulat ako pagkakita ko sa kanila. Twins ba sila?? Magkamukha silang dalawa!"Nasilayan namin ang katapangan na ipinakita mo kanina." sabi ng isa na mukhang mature.
"Yuup~ ang galing mo naman." sabi naman ng isa na mukhang childish.
"Simula ngayon, fans mo na kami!" sabay na sabi naman nila na parang nipractice pa nila ang pagkakasabi.
"Huuh? Fans?? Eh normal lang naman ang ginawa ko ah.."
"Ikaw ang kauna-unahang lumaban sa 'Queen' ng hindi natatakot."
"Hehe~ ang cool mo kaya!" Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Sino ba talaga yung Queen na iyon?
"Ang pangalan ko pala ay Yvette, iginagagalak kitang makilala." Inabot niya ang kamay niya at nakipag handshake na lang ako. Mukha at mature talaga pala siya.
"Ako naman si Yvonne~ Nice to meet you *wink*" sabi naman ng mukhang childish. Magkapangalan sila at halos magkamukha pero baliktad ang personality nila.
"Ahh ako nga pala si Kellie. Pwede bang magtanong? Twins ba kayo?"
"Kami ay hindi twins."
"Hindi kami twins~" sabay na sabi ulit nila.Hindi sila twins pero magkamukha sila? Weird...
"Mukhang kailangan ko na kayong iwan. May aasikasuhin pa ako, si Yvonne nalang ang sasama sa iyo Kellie. Bye-bye?" Huh? bakit kailangan akong bantayan ni Yvonne? May kakain ba sa akin?
"Okaaay~ Bye-bye!" Pag-alis ni Yvette, hinatak ako ni Yvonne papunta sa building ko.
"Let's go~ baka ma late ka kaya tara na habang maaga pa!" Sumunod na lang ako kay Yvonne.
-nang makapunta na kami sa tapat ng room ko, nakita namin na may nagkakagulo sa kabilang section.
"Kawawa naman siya." "Kasalanan niya." "Sino na kaya ang susunod?" sabi ng mga students sa klase na iyon.
"Anong nangyayari doon?" tanong ko kay Yvonne
"Nakakain ka na diba? Masasayang lang ang kinain mo pag nakita mo yuun~" Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya, at hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumapit na ako.
At ngayon nagsisi na ako. Nakita ko yung babaeng tinulungan ko kanina na nasa sahig; nakahiga; hindi humihinga at nalunod sa baha ng kanyang dugo. Wala nang laman ang kanyang mata at may isang gunting ang nakatusok sa dibdib niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko na may halong takot, pagkagulat, at pandidiri. Naramdaman ko na may humila sa akin. Hinila ako palabas ng kwarto ni Yvonne at tumakbo ako sa cr. Nasuka ako sa nakita ko.
"Sabi ko sa iyo eh~ pfft"
Bakit... bakit patay na yung babaeng tinulungan ko?
Bakit normal na ang reaksyon ng mga students??
At bakit tumatawa lang si Yvonne pagkatapos makita iyon?
Anong nangyayari?!
-------------
ni-edit ulit at tinanggal ko na yung mga grammar error.
Hit vote, comment and subscribe 😂
BINABASA MO ANG
Axion University: School of Murder
Mystery / ThrillerAng Axion University na mas kilala bilang Murder University. Normal na ang pumatay at mapatay. Ngunit huwag ka dapat pumikit, dahil baka ikaw na ang sumunod. Ito'y mayroong ranking system na kailangan sundin ng lahat. Kung ikaw ay may kapangyarihan...