"Pwede po bang mag-apply ng trabaho?" sabi ko sa matandang babae sa counter na may halong malaking ngiti.
"Sorry iha, nakakuha na kami." sagot niya kaya umalis na lang ako.
Pangatlo na akong natanggihan ngayon. *sigh* Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko, kelan kaya ako makakakuha ng trabaho? Wala na akong pagkain at pera para pambayad sa upa, mukhang maaga ako mamamatay nito. Habang naglalakad naglaro muna ako ng games sa cellphone ko, nang hindi ko napansin na may nakatayo na pala sa harap ko.
"Ay pusa!" sabi ko nang mapaupo ako sa sahig. Tumingin ako sa nabunggo ko at ang humarap sa akin ay isang lalake. Nakatayo lang siya na parang walang nangyare.
".... Wala namang pusa dito." sabi niya. Gawa ba siya sa bato? Hindi man lang nagbago expression niya. At hindi man halata pero malakas siya, napatalsik ba naman ako.
"Sorry, hindi ako nakatingin sa daan" Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at tumayo ako sa pagkakaupo ko. Ang sakit nun ah
Biglang yumuko yung lalake at may pinulot malapit sa paa niya. Teka, cellphone ko iyun ah?!
"Sa akin yan-"
"Ean."
"Huh?" Anong pinagsasabi nito???
"Ean ang pangalan ko." sabi niya ng diretso at hindi nagbabago ang mukha.
"Uhh okay. Ako si Kellie. Pwede mo na bang ibigay ang phone ko?" Sorry, hindi ako magaling sa pagpapakilala. Iniabot na niya sa akin ang phone ko.
"Gusto mong malaman diba?"
"Huh? Yung ano?" Kung ano-ano naman pinagsasabi nito -,-
"Kung bakit namatay ang mama mo."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Siguro nakita niya yung picture ni Mama sa phone ko, pero paano niya nalaman ang tungkol doon? Na wala na ang mama ko?
"Hahaha- ang lawak ng imagination mo" Halatang peke ang tawa ko pero wala na akong pake, hindi na siya nakakatuwa.
"Sabi ng pulis na aksidente lang ang nangyari. Pero para sa'yo, hindi diba? Na may tinatago pang lihim na nakabaon sa misteryo na ito." Diretso lang ang tingin niya sa akin, na parang nababasa niya ang isip ko.
"Iniisip mo siguro kung sino ako. Isa lang naman akong normal na lalake na nag-aaral at lumalaban sa hirap ng buhay." Kahit sabihin mo iyan, kahina-hinala ka parin.
"Hindi mo ba ako pinaniniwalaan?"
"Sa tingin mo maniniwala ako sa isang lalake na nakilala ko pa lamang ng limang minuto at nagsasabi ng mga kung ano-anong bagay? Ano ang proweba mo sa mga pinagsasasabi mo?" Tama nga siya na namatay na ang Mama ko pero baka nakatama lang siya ng hula.
"Kung ayaw mo maniwala sa akin, ikaw na mismo ang tumuklas sa katotohanan. At ang katotohanan na ito ay makikita lamang sa isang lugar, ang Axion University." Ngayon ko lang narinig ang university na iyon.
"Wala akong pera para-"
"Wag ka mag-alala. Naka-enroll ka na. Hindi mo na kailangan intindihin pa ang ibang bagay. Nandito ako ngayon para sabihin sa iyo. At bukas, maaari ka nang pumasok."
Huh?? Hindi ako makapaniwala nang pumasok na lahat ng sinabi niya sa utak ko. Sino ba itong lalake na ito?! Sa loob ng isang araw, nagawa niya akong matransfer ng school at sa kalagitnaan pa ng school year.
"Paano na ang school ko na pinapasukan ngayon?"
"Pwede mo nang kalimutan lahat ng inaalala mo doon dahil aalis ka na at hindi na babalik pa."
"Paano mo naman nasabi na sasama ako sa iyo?" pagalit na sabi ko
"Gusto mo malaman ang totoo gamit mismo ang mata mo diba?"
Hindi na ako nagsalita. Tama siya, gusto ko nga, kung ito ang natitirang paraan, wala akong magagawa kundi sumunod na lamang.
"Magkita tayo ulit dito bukas at susunduin kita. Pero tandaan mo, dapat magingat ka sa Axion University. Wag kang padalos-dalos kung ayaw mong mahulog sa patibong."
Hindi ito ang unang beses na nagsabi siya ng kakaiba kaya hindi na ako nagulat pa.
Pero dapat pala ginawa ko ang sinabi niya.
Ang kasabihan na "Curiosity killed the cat"
Ito lang masasabi ko, hindi ako pusa.
Welcome to Axion University.
BINABASA MO ANG
Axion University: School of Murder
Misterio / SuspensoAng Axion University na mas kilala bilang Murder University. Normal na ang pumatay at mapatay. Ngunit huwag ka dapat pumikit, dahil baka ikaw na ang sumunod. Ito'y mayroong ranking system na kailangan sundin ng lahat. Kung ikaw ay may kapangyarihan...