Tell the truth..
Tiara pov
Ano kayang ginagawa ni stuart dito? Naandito pa naman si ried...
"oh.. May bwisita ka din pala tiara.." alam ko nag paparinig si ried eh.. Yan na.. Wag sana sila mag away dito..
" haha BWISITA?? Haha sino kayang mas bwisita saating dalawa??" natatawang sabi ni stuart.. Ayan na.. Mag aaway na sila!! Dito pa talaga!!
"HEY!! tama na yan!! Tiara sino ba yan ha?" angas na sabi ni kuya.. Infairness ha.. Ang angas nya hindi halatang beks sya ahha..
"kuya sya si stuart.. Stuart si kuya casper pala kuya ko.." nakita ko si kuya naka ngiti hala ang landi nya.. Lahat nalang.. Pati ba naman si STUART aagawin nya? Baka masipa ko sya sa planetang nameks.. Ahha..
" ah.. By the way tiara gusto ko sanang sabihin sayo na kung pwede ba tayong mag usap??" tinignan ko si mama at naka ngiti sya ganun din si kuya pero si ried wala akong nakitang emosyon sa mukha nya..
"ahm.. saan naman yan stuart??" tanong ko... Habang sinasabi ko yun tinitignan ko si ried at nakatingin din pala sya saakin..
"sa labas lang..may gusto lang talaga akong sabihin.." seryosong sabi ni stuart... Tumango nalang ako... Nung nasa labas kami na curious agad ako so tinanong ko na kung anong problema..
"stuart bakit ka naandito?" mabilis kong tanong.. Eh kase naman nakakacurious sya..
" wala lang wala kase akong mapuntahan..." habang sinasabi nya yun naka tingin sya sa langit.. Ang gwapo nya talaga.... Nakita ko na nakatingin na rin pala sya saakin so yumuko ako.. Kainis... Nakita nya pa ako.... Panigurado na mumula na ako..
" your blushing" yan na... Wala na na kita nya na nakakahiya.. Tumingin ako sakanya nakatingin parin sya saakin.. Nako naman... Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa maglapit yung mukha namin.. Pero napigilan... Dahil..
" ehemmm" may paepal.. Hayss.. Paepal talaga to..
"kala ko ba mag uusap lang kayo? Bakit parang mag hahalikan na kayo?" seryoso nyang sabi... Kinakabahan ako... Anong sasabihin ko..
" umuwi ka na stuart.. Mag uusap pa kami ni tiara" what??? Ayoko!!! Please stuart wag kang umalis.. "uuwi na ako tiara hinahanap na ako ni mom.. See you tomorrow..." nag wave sya saakin at umalis... Hindi ko nililingunan si ried.. Kinakabahan kase ako...
" tiara mag usap nga tayo..." seryoso nyang sabi.. Yan na.. Whoo kaya ko to... Humarap ako sakanya at lumapit.. "ano naman pag uusapan natin?" maangas kong sabi.. Kunwari hindi ako natatakot...
" gusto mo ba talaga si stuart?" parang kinakabahan sya nung sinabi nya yun... Bakit nya kaya na tanong...
"gustong gusto ko sya ried.. Sana naman maintindihan mo ako..." nung sinabi ko yun parang feeling ko nagalit sya saakin...bakit naman Sya nagagalit inaano ko ba sya...
" pumasok na tayo... Sa loob... Hinihintay na tayo ni kuya casper.." naisip ko tuloy si kuya paano kaya sabihin ko sakanya na ang kinukuya nya ay isang ate pala.. Natawa nalang ako kung ano ano kase naiisip ko ehh.... Natauhan nalang ako dahil sa boses ni ried...
" anong tinatawa tawa mo jan?" ayy nakita nya pala ako haha.... Bahala sya jan...
" wala wala... Pasok na tayo..." nung makapasok na ako nakita ko na sila sa kusina nag uusap sila... Sarap nilang pag masdan siguro kung naandito lang si papa masaya sana kami... Hayss.. Nakakamiss si papa..
" tiara.. Nakapag usap na ba kayo ni stuart?" tanong ni kuya este ate nako nako nako... Hindi talaga ako sanay na tinatawag na ate ang isang lalake...
" hindi nga sila nag uusap eh... Mag hahalika--" hindi ko na pinatapos si ried mamaya sabihin nya na mag hahalikan kami ni stuart eh hindi naman totoo.
"okay naman po ate este kuya..." yan na nalilito na ako... Wala na..
"ate???" tanong ni mama... Oh no... Nadulas naako...
" ahh wala wala.. Naalala ko lang si ano si.. Ahh sa room" hayss. Sana maniwala lagot ako neto kay kuya eh..
" sige na kumain na tayo..." sabi ni mama.. Hay salamat naniwala sila.. Habang kumakain kami hindi ko maiwasan tumingin kay ried.. Halatang ayaw nyang magtagal dito sa bahay...nung tapos na kami kumain kami na ni ried ang nag hugas.... Pero tahimik lang kami as in tahimik lang...kumbaga wala ka nang maririnig kung hindi yung tubig na umaagos... Ang oa nuh.. Ganun talaga.. Nawalan nang katahimikan nung nag salita si ried
"kala ko hindi mo sya gusto.." mahinahon nyang sabi alam ko naman na ayaw nya talaga pag usapan yun eh...
"kala lang naman yun ried.. AKALA pero ang totoo gusto ko sya..."mahinahon ko na ding sabi.. Alangan naman sigawan ko sya mag mumukha akong tanga nun..
"k.." yan lang yung narinig ko sakanya at wala na syang sinabi pa.... Nag patuloy lang kaming mag hugas... Nung matatapos na kami may biglang kumalabog sa likod nang bahay namin dahilan para mapasigaw ako..
"whaaaa!!!! " kinakabahan ako huhuhu ano kaya yun... Lumabas kami ni ried sa bahay may nakita kami... Putek pusa lang pala... Nakakahiya yung ginawa ko kanina...
" pusa lang pala... Ang oa mo eh.." sabi saakin ni ried.. Aba malay ko bang pusa yun.. Pshh.. Palibhasa takot sya sa aso eh haha... Oo takot sya sa aso.. sa dinami dami nang pwede nyang katakutan aso pa...
"eh ano naman pake mo ikaw nga aso eh" biglang may kumahol sa kabilang bahay dahilan para mag tago sa likod ko si ried. Kitams??? Takot sya sa aso haha...
"aso lang yun.. Haha ikaw nga rin eh ang oa mo.." tinignan nya akong masama at nag walk out.. Luh nagalit ata.. Sinundan ko lang sya papasok sa bahay... At nag paalam kay mama
"ta.. Uwi na ho ako salamat po sa pagkain ah.." sabi ni ried..gabi na rin nun..
" dito ka nalang matulog ried gabi na baka mapano ka pa sa labas" sabi ni mama ayaw naman mag patalo ni ried kaya nag salita na ako
" hindi ka ba nakakaintindi? Gabi na! Dito ka nalang atsaka hindi mo ba alam may mga aso sa labas baka habulin ka" natawa nalang ako sa mukha ni ried bigla syang namutla haha nako.. Kaya ayun.. Dito nalang natulog si ried.. Sa kwarto ko.. Double deck naman kaya okay lang ako sa taas sya sa baba... Dun naman kase talaga ako natutulog sa taas ginagamit ko lang yung baba para lagyan ng bag ko eh... Naka higa na ako at matutulog na mayroon akong narinig sa baba ko... Kaya na kinig ako.
" bakit kase sya pa dapat --" hindi ko na rinig kase may kumalabog sa labas panigurado pusa lang yun.. Hindi ko tuloy na rinig!..
"pabayaan na nga.. Aasa nanaman ako" yan yung huli kong narinig kay ried.. Ano kaya yun.. Hayss... Pabayaan na nga.. Matutulog nalang ako...
Kung ano man yun malalaman ko naman kaya matutulog nalang ako...
Itutuloy...
Hi!! Tagal kong hindi nag update haha sorry..

BINABASA MO ANG
Im Accidentally In Love With My Bestfriend
Roman pour AdolescentsPaano kung hindi mo alam na na iinlove ka na pala sa bestfriend mo...