MAAGA pa lang ay naroon na sa tapat ng mansyon ng mga Grylls si Tiffany. Nga lang hindi naman niya magawang pumasok pa. Kagat-kagat niya ang kanyang isang hintuturo na paroo't parito siya sa gate ng malaking bahay nina Madam Amelia. 'Andiyan 'yong lalapit siya at akmang magtatanong sa guwardya pero bigla ring uurong siya at lalayo.
Makailang ulit tuloy siyang nasita ng guwardyang nagbabantayan doon. Inakala yatang nababaliw na siyang babae.
"Ano?! Papasok ba ako at tatangapin na ang offer ni Madam o hindi?" at makailang ulit na rin niyang tanong sa kanyang sarili.
Kagabi ay nakapag-desisyon na siyang 'wag patulan ang malaking offer ni Madam Amelia. Hirap kaya no'n! Actually pinunit pa nga niya ang papel na pinagsulatan ng address. Subalit kanina nang i-try niya ulit na maghanap ng trabaho ay isang karinderya lang ang nakapansin sa kanya na ang sahod ay two hundred pesos a day. Pinapapasok na siya bukas. Subalit kahit hindi niya i-compute sa calculator ang kabuoan ng magiging sahod niya sa buong isang buwan ay talagang kulang iyon na pang-tuition niya kapag iipunin niya. 'Yong mga binigyan naman niya ng resume na mga sikat na kainan ay as usual ang sabi ay antayin ang tawag sa kanya. Kailan pa kaya ang tawag na 'yon? Sa siyam-siyam pa? Ugh!
Kaya kahit ayaw niya, chosssy pa ba siya sa alok ni Madam Amelia? Isa pa, kahit hindi naman daw niya mapapaibig ang anak nitong bakla ay may bayad pa rin naman daw siya. Naisip niyang okay na 'yon. Tapos paano kung mapaibig pa niya? Eh, di wow! Tumataginting na isang milyon agad! Wew!
Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip nang biglang may bumusina ng pagkalakas-lakas.
"Ay, kalabaw!" nagulat niyang sambit na umiwas. Pumagilid siya na masama ang tingin sa driver ng kotse. Pero nang makita niya ang lalaking nakasakay roon ay namilog ang kanyang mga mata dahil mukhang artista ang nakasakay doon. Kitang-kita niya dahil 'yong kotse kasi ay 'yong kotseng walang bubong.
"Ang guwapo niya!" kilig na usal niya sa kanyang sarili nang luminaw sa paningin niya ang mukha. Napasunod ang tingin niya sa papasok na kotse sa gate ng malaking bahay ni Madam Amelia.
"Artista kaya siya? Bakit Ang guwapo niya? At... at diyan kaya siya nakatira?" usal ulit niya sa sarili. Natutop niya ang kanyang dibdib. Biglang bumilis ang tibok kasi n'on. Na Love at first sight yata siya sa lalaki.
For the first time, ngayon lang siya humanga sa isang lalaki. Na parang gusto niya agad kumarengkeng. Gusto niyang sundan ito at habulin. Tanungin kung ano'ng pangalan nito. Kinikilig kasing talaga ang kaniyang puso.
"Oy, Tiffany, nandito ka na pala!" hanggang sa untag na tawag sa kanya ng matinis na boses.
"Vicky!" sambit niya sa pangalan ng alalay ni Madam Amelia. Tapos ay kinaway-kawayan.
Lumabas si Vicky para magtapon ng basura. At tulad no'ng una niyang makita ito ay naka-uniform ulit si Vicky ng pangkasambahay.
"Halika! Lapit ka rito, Tiffany!" Kaway sa kanya ni Vicky.
Bagaman may alinlangan pa rin ay kiming lumapit nga siya.
"Sabi ko na nga ba at dadating ka." Tuwang-tuwang napahawak sa kanyang mga kamay si Vicky. "Halika na sa loob. Kanina ka pa inaantay ni Madam."
Napapangiwi siya na nagpatianod na lang. Wala na siyang magagawa, nakita na siya ni Vicky, eh. Bahala na kung ano'ng kahihinatnan nitong pinasok niya.
"Saktong-sakto dumating na rin si Sir Bearlan."
"Sir Bearlan?" ulit niya sa tinuran ni Vicky. Nawala na sa isip niya ang lalaking nakakotse na pumasok din sa bahay na iyon.
"Oo si Sir Bearlan. Siya ang baklang anak ni Madam Amelia na tatrabahuin mo," humagikgik na sagot ni Vicky.
Lalo siyang napangiwi si Tiffany. "Pati pangalan pambakla talaga. Ano ba 'yan?! Magkakagusto pa kaya 'yon sa isang babae? Pangalan palang parang hindi na kasi, eh. Ayay!
"Pero 'wag kang mag-alala, hindi naman halatang bakla si Sir Bearlan. Akala ko nga lalaking-lalaki siya, eh. Kailan lang no'ng nag-out siya kay Miss Jullie Anne na gay raw siy kaya nagulat kaming lahat. Nasuntok nga 'yon ni Don Rodrigo, eh, kasi hindi makapaniwala na bakla pala ang tagapagmana nila." Medyo mahabang chismis sa kanya ni Vicky.
Tumango-tango siya. Naintindihan naman niya ang kuwinento ni Vicky. 'Yong Jullie Anne kahit hindi na niya itanong ay gets na niya na ito ang babaeng gustong ipakasal kay Bearlan at 'yong Don Rodrigo malamang iyon ang asawa ni Madam Amelia.
"Dito, dito tayo," mwestra sa kanya ni Vicky. Pumasok sila sa main door ng malaking bahay. At doon nakita niya ulit ang lalaking guwapo na nagpatibok agad sa puso niya. Umaakyat ang lalaki sa mahaba, magara at paikot-ikot na hagdan ng mansyon. Sayang lang dahil hindi man lang ito lumingon para muli sana niyang nakita ang guwapo nitong mukha.
"Halika do'n. Doon tayo, Tiffany. Doon ang opisina ni Madam Amelia dito sa bahay." Iginiya siya ni Vicky sa isang mahabang pasilyo ng malaking bahay. Pero habang sinusundan niya si Vicky ay palingon-lingon siya sa hagdan kahit wala na roon ang lalaki. At least, may dagdag dahilan pa siya ngayon para manatili sa bahay na iyon. Pasasaan at makikilala rin niya ang lalaki.
"Siya ang aakitin ko at hindi si Bearlan," pilyang naisaloob niya pagkuwan.

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...