Chapter 1. College is Here

21 2 0
                                    

Andy's POV
Hi! Ako si Andy, Andalasia Felice Kasupunding. Ang habang pangalan noh? Hahaha. Isa po akong probinsyana. I got a scholarship in Manila, bilang valedictorian ako ng school namen at athlete din ako sa school. Nag high school ako sa Josefa High School. Mahirap lang kame, tatlo kaming magkakapatid. Kambal yung dalawang nakababata saken. 10 years old na sila. Sina Mark and Mari.

'Ma alis na pu ako' tawag ko sa nanay ko.

Ngayong araw kasi ako luluwas ng maynila. Pagdating ng tricycle na pinatawag ko kay Kuya Mon, pinsan ko, agad nilabas nina mama at tatay ang mga gamit ko.

'Oh ingat ka anak' sabi ni mama
'Tawag ka lage ha?' Sabi naman ni tatay.

'Opo ma, opo tay, ingat mga bunso, ingat kayo lahat' paalam ko.

'Bye bye' sabi nilang lahat

At yun na nga, sa pagsakay ko ng tricycle ay may bagong buhay na sasalubong sakin. Sa malaking lugar ng Maynila.

Hindi ko alam kung anung nag hihintay sa akin. Pero alam ko ito ang daan para masagip sa kahirapan sina mama at tatay.

Sa bawat pag tapak ko sa kolehiyo, alam ko maraming magbabago.

Pagkatapos ng 3 oras na byahe nakarating din ako sa address na binigay ng secretary ng mayor namin. Malapit yung dorm sa Quiapo.

'Hello po. Ako po yung bagong mangungupahan. Andy po.' Sabi  ko sa ale na nasa harap ko. Landlord namin siguro.

'Ah ikaw ba yung pinadala ni Mayor Sese? Ako si Aling Mely. Osya pasok na ineng' sabi niya.

'Ganto ha ineng hanggang 9 lang ang curfew natin dito. Ang pagbabayad ng renta every month, kung may kailangan ka magtanong ka ha?'

'Osge po. Salamat po!'

Pagka ayos ko sa mga gamit ko dumeretso ako sa Montenegro University. Yung papasukan kong school. Alas singko ng umaga ng umalis ako sa pampanga, 9 yung orientation sa school kaya sakto lang ako.HRM yung course na kinuha ko. Simula pa date ito na yung gusto ko.

20 minutes away lang naman yung school from here. Isang sakay lang ng jeep.

Pagdating ko sa school, all I can say is Wow! Ang laki kase. Antataas pa ng mga building. Sana na lang sa ground floor yung room ko, may fear ako sa heights eh. Para bang nahuhulog ako? Ganun.
Pagtapak na pagtapak ko sa school, hinakawan ko ang strap ng bag ko and told my self 'Eto na to!'

Run,Andy RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon