Kabanata 12: Seatmate (part 2)

132 3 3
                                    

Ikalawang araw sa buhay kolehiyo ko. Gaya nung kahapon tatlo lang din ang klase ko ngayong araw: English, College Algebra at Psychology. Pasok ko eh 8:00 – 9:30, 9:30 – 11:00 at 11:00 – 12:30. Ang ganda diba? Walang break at tuloy-tuloy ang klase. Take note magkaibang building ang Algeb at Psych. Feeling naman nila ninja kami para maglakbay ng ganun kabilis. Tss -_-

Dahil nga 2nd day palang, mejo naliligaw-ligaw pa ko. Naku naman.

7:45 na ko nakarating sa room namin. Keri lang yung English class. Hindi pa masyadong senior citizen yung prof naman kaya ok lang. Mukha namang mababait yung mga classmates ko kaso karamihan eh lalaki. May iba ring nag-cross enrol galing ibang college. As usual, walang kamatayang pagpapakilala ang ginawa namin, reasons kung bakit namin kinuha yung course, mga usual first day questions. Maraming sumagot ng nasama lang sa barkada, meron ring dahil sa scholarship (at isa ako dun), pinilit ng magulang, et cetera pero ang nangibabaw sa lahat eh yung sumagot ng “sinusundan ko po yung first love ko”. Oha, san ka?! Yung prof naman namin eh nakichismis at ipinakwento pa kay kuya ang love story nila. Si kuya todo kwento naman, samantalang si ateng tinutukoy nya eh halos mag-evaporate na.

Gaya ng sabi ni kuyang malakas ang loob, first love nya si ate. Magclassmates sila since elementary tapos nagkahiwalay lang sila nung 3rd year high school. Si kuya pala eh matagal ng may gusto kay ate kaso may boyfriend si ate nun kaya di maka-damoves si kuya.  Nung magbreak si ate at ang boyfriend nya eh nagkaron ng pag-asa si kuya kaso biglang naudlot dahil ang pamilya ni ate ay umalis at nagfly fly away. Bigo at luhaan si kuya pero muli syang naghintay. Kaya naman nung nalaman nya na nandito sa school nag-aaral si ate ay hindi nya na pinakawalan at lagi nya ng sinusundan. Hanggang ngayon. The end.

Walastek si kuya! Umaapaw ang fighting spirit!

After English class, ang kinatatakutang subject ko naman ang sumunod. Same classroom lang rin kami. Halos kami-kami rin yung mga magkakaklase.

Maya-maya dumating na rin yung teacher namin. At sinasabi ko sa inyo, hindi mo sya aakalaing teacher.

One word to describe him?

COOL.

Wala syang dalang aklat, notebook, laptop o kahit ano pa man. Cellphone, ballpen at panyo lang ang meron sya. Tirik-tirik ang buhok, naka shades, gray polo shirt, jeans, at gray Vans. (Wag kayong magtaka kung bakit kilala ko na ang Vans na sapatos. Pano ba naman kasi mahal na mahal at sandamakmak ang sapatos ni Jin na ganun ang brand!)

Dumiretso sya sa board, kinuha ang marker at isinulat ang salitang “LUCIO TAN” sabay humarap sa amin.

“Kilala nyo ba yan?” – sir sabay turo sa “Lucio Tan”. Umoo naman kaming lahat. Tumango-tango naman si sir. Nagbulung-bulungan yung iba kong classmate. Oh no, don’t tell me anak to ni Lucio Tan? Waw mamen, big time!

“Mabuti naman. Well obviously hindi ako yan at hindi ko rin sya kamag-anak. Tinatanong ko lang kung kilala nyo sya.”  - sir sabay tumawa. Nakitawa rin yung iba kong classmate tapos may nagsabi pa ng  “sus, akala ko pa naman!”.  Benta rin to si sir eh no kahit mejo bitin ang sense of humor.

“Seryoso na, I’m Eric James Benitez, 23 years old, fresh grad at single.” Sabay kindat. Naghiyawan naman yung mga classmate kong babae. Hola ang landot!

Ngumiti naman si sir sa reaction ng mga girls. Pa-pretty boy ang peg.

“Relax lang girls. Isang sem nyo akong makakasama.” *insert killer smile* “Anyway, back to business, dahil fresh grad ako at malinaw pa sa alaala ko ang mga pinapagawa sa amin noon eh hindi na ako magpapa-self introduction sa inyo. Alam kong sawang-sawa na rin naman kayo jan. So, eto nalang. Those who don’t want Math, please raise your right hand.” Maraming nagtaas ng kamay at isa na ako dun.

Kolehiyo na si NeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon