Kabanata 1: The Graduation

502 12 6
                                    

“…congratulations my fellow graduates. Thank you very much and may God bless us all.” Sabay bow ng aming class valedictorian. Palakpakan naman yung mga classmates ko. In fairness ah, ang haba ng speech nya. Sus, kung ako yan, di yan aabutin ng 5 minutes KASO hindi ako. Pano ba naman simula tumapak ako ng hayskul eh 79 yung naging pinakamataas kong grade sa Math. Record breaker nga daw ako ng angkan namin sabi ni Tatay. Haha XD

Matapos naming kantahin ang walang kamatayang “I Believe” (yun yung graduation song namin. Si Ma’am Principal yung pumili =_=) eh sabay-sabay na naming inihagis yung mga cap. Yung iba naman todo sa pag-emote. Kung makangawa wagas! Parang may kamag-anak lang na mangingibang-bansa ah. Akala mo naman hindi na magkikita, eh samantalang babalik pa naman kami para sa kuhaan ng card at diploma. Fake lang kasi yung nakuha namin ngayon. Di pa daw kasi tapos i-print yung iba. Tss..

After ng walang katapusang pagpapaalam sa isa’t isa ng mga classmates ko, oy di ako kasama ah, ang O-OA kasi nila, eh natapos na din yung program.

Hay salamat! Graduate na ko ng hayskul!!! Thank you Lord!

Pauwi na sana kami ni Tatay dahil di ako aatend ng Grad Ball (ang dami nilang pautot, di ba sila napagod?) nang hilain ako ni Atom.

“Ninong pahiram muna kay Nene ah.”

“O sige. Basta ihatid mo lang yan pauwi ah. Mauna na ko anak.” At tuluyan ng umalis si Tatay.

“Ano na namang drama mo ha? Di nga ako aatend ng ball diba?!?” inis kong sabi kay Atom.

PAK!

“Bakit ka naman nambabatok bigla-bigla?” with matching himas sa part na binatukan nya.

“Eh kasi kung anu-ano yang pinag-iisip mo. Di naman tayo pupunta dun no.”

“Eh ano palang kailangan mo?”

“Eto o!” lawak ng ngiti nya sabay bigay sa akin ng papel.

“Ano to?” tanong ko

“Malamang papel. Galing po sa puno na tinatawag na paper tree!”

PAK!

Binatukan ko nga. Kung ano pinagsasabi eh.

“Aba gumaganti ah!” – Atom

Nilakihan ko ng mata. Pilosopong bakla to! O..O

“Buksan mo kaya para malaman mo kung ano yan! Advise lang.” – Atom

Ses, ang dami pang satsat. Binuklat ko yung papel at binasa.

Ms. Rissel H. Ocampo

23-B Patnubay St., Tatlong Bundok Ang Tatawirin

Sa Sulok Ng Pinas, Philippines

April 2, 201*

We would like to inform you blah blah blah… (ang haba! basta madami pang ek-ek na sinabi…) a full scholarship in our university, PRESTIGIOUS UNIVERSITY. Enclosed with this letter are the requirements blah blah blah (madami ulet sinabi…)

Signed:

Dr. Manuel A. Villareal

University President

WAW, as in waw. Nakapasa ako!

Para akong timang na nagtatalon. Si Atom din nahawa na ata sa pagkatimang ko kaya nakitalon na din. No wonder magkaibigan nga kami nito.

Pinagtitinginan na kami ng iba kasi sila halos mamaga na yung mga mata kakaiyak samantalang kaming dalawa eh parang mga baliw na nagtatatalon all over. Pakialam nila. Eh sa masaya kami eh!

Matapos mawala yung “high” na dala ng letter, tumigil na din kami at umupo sa isang sulok.

“Ne, mapunit yang bibig mo! Wagas makangiti?” – Atom

Babatukan ko sana kaso nakailag. Panira talaga to!

“Mambabatok pa eh. So, anong plano mo?” tanong ni Atom

“Eh ano pa ba. Sabi nga nila diba grab any opportunity that accidentally cross your way!”

Niyakap ako bigla ni Atom. Anong drama nito?

“Oy oy, napano ka?”

“Im just so happy for you sister. Matutupad na yung mga pangarap mo.” Naks naman, may kasama pa talagang iyak ah.

Touched naman ako. Naiiyak na sana ako kaso walang lumalabas na luha eh. May sira siguro tong tear gland ko?

“Thanks bakla.” Sabay pat ko ng likod nya.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

AN:

Ituloy ko pa kaya?

Haha. Kung topakin ulet! ^_^

Kolehiyo na si NeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon