Kabanata 8: Prestigious University 2

265 7 4
                                    

Thanks anonymous_miss for the cover! <3 it girl!!!

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

Muli kaming nagbalik ni Atom sa PU. Med Tech nga pala napili kong course. Bakit? Wala, feel ko lang yung course na yun saka dun forte ko eh. Feel na feel ko talaga yung mga kamag-anak kong bacteria, viruses, anatomy, species-species eklat at kung anek-anek pa! Nung high school kasi ako, Bio lab yung pinaka-favorite ko.

Haha, 4 years from now, nakikita ko na ang sarili ko sa isang laboratory. All-white, may mask, surgical gloves kasama ang fiancée kong doctor! LOL :D

Si Atom naman, ayun, Business ang kinuha. Tagapagmana kasi to ng kompanya nila. Ewan lang kung ma-manage nya yun ng tama pero isa lang ang sure ko, bongga at laganap ang party dun, simula sa pa-Welcome Party, Halloween Party, Christmas Party, Birthday Party, Childrens Party, Engagement Party, at kung anu-ano pang party!

Habang naglalakad kami sa gate, tinanong kami ng isang girl kung anung year na namin. Syempre sinabi naming incoming freshmen tapos binigyan nya kami ng leaflet.

>Pila sa Student Affairs…

Bad timing ata kami ngayon. Ang haba kasi ng pila.

Para kasi sa mga freshmen, dapat personal kang pumunta sa school kung mag-eenrol ka di tulad ng old students na online nalang.

Sa sooooobrang tagal ng pila namin, naisip kong basahin yung leaflet na binigay sa amin kanina.

Eto yung nakalagay:

Incoming freshmen ka ba? May napili ka na bang course? Well, kung wala pa, itong leaflet na to ang tutulong sa iyo. Anyways, welcome sa PRESTIGIOUS UNIVERSITY!

Since alam kong first time mong tumapak sa Universiting ito, marami ka pang mga bagay-bagay na dapat malaman.

Una, ang kursong kukunin mo at kung ano ang itatawag sayo.

EDUCATORS

Courses offered: Elementary Ed, Secondary Ed, Special Science, Special Class, etc.

Sinasabi ko sayo, kung wala kang hilig at puso para magturo, wag na wag mo ng tangkaing pumasok pa dito. Laglagan system ang umiiral so kolehiyong ito. Mahigpit ang competition dahil kilala ang PU sa pagpoproduce ng magagaling na teachers at professors. Kadalasan sa mga Educators, makakapal ang mga mukha nila at palaban. Sila rin ang pinaka-epal na college. Lahat ng activities sa school sinasalihan mapa-slogan-making man yan o battle of the bands.

ROYALTIES

Courses offered: Lahat ng related sa business! Sobrang dami kung iisa-isahin pa.

Kung hindi ka mayaman at wala kang kompanyang mamanahin, di ka qualified dito. Sila ang college na di mo mareach. Madalas nasa dyaryo ang mukha ng mga estudyante dito. De-kotse at de-body guard ang karamihan. Anak nila Sy at Zobel ang ilan sa kanilang mga estudyante.

ALCHEMISTS

Courses offered: BS Chem, BS Math, Physics majors, BS Psych, Environmental Science, Environmental Management, Biology (Marine, Terrestrial), Preparatory Med, Forestry, Agriculture, etc.

Apo nila Einstein at Fibonacci ang mga estudyante dito. Chemicals, calculators at Periodic table ang best friends nila. Lagi silang laman ng Quiz Bees, Math Olympics at makadugong-utak na labanan. GO GREEN din ang motto nila. Wag ka, alam nila ang DNA structure mo! Kapag nagsimula na silang mag-explain, hemorrhage ang abot mo.

Kolehiyo na si NeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon