Meanne Pov:
I saw Krizel, walking alone with very sad face, hindi ko alam kung lalapitan ko ba sya o hindi or else? Pag inalam ko naman kase baka sabihin niya tsismosa ako.
Simula nung araw na nakita ko si Krizel na malungkot ay madalang na syang pumasok sa school. Mga tatlong linggo niya yun ginawa.
Tuwing papasok sya ay halos mukhang wala syang tulog, parating malungkot, tinanong ko kay Joy kung anong problema ni Krizel at bakit napakalungkot niya.
"Joy! Look at her, parang napakalaking problema dinadala ni Krizel, lapitan mo nga?" I said, at medyo nag aalala kay Krizel.
"Ah sige sige. Teka pakibantay lang ng bag ko." Joy said.
Naglakad si Joy hanggang kay Krizel at umupo si Joy sa tabi ni Krizel..
Joy Pov:
Gaya nga ng sabi ni Meanne,nilapitan ko si Krizel, parang ayoko pa nga lumapit kase nahihiya ako pero pinilit ko..
"Uhm ehem! Krizel? Pwede mo namang ishare ang problema mo sakin, kahit umiyak ka sa harap ko okay lang." I said.
"Wala akong problema." Krizel said, at nagsisimulang lumuha ang kanyang mga mata.
"Don't lie, halata oh! Tignan mo umiiyak ka." I said.
At nagsimula siyang ikwento sakin kung bakit sya malungkot,nilabas niya ang lahat ng sama ng loob niya. Hanggang sa kinabukasan ay parati na kameng magkasama ni Krizel, at parating magkakwentuhan..
Syempre naikwento ko rin kay Meanne ang mga sinabi sakin ni Krizel, dahil sa kagustuhan niyang malaman ito.
Kahit lunch ay magkasama kami ni Krizel, at kung saan saan kami lakad ng lakad, minsan pa nga ay nagtatawanan kami para na kaming kambal tuko dahil hindi kami mapaghiwalay. Ilang buwan kaming ganun ni krizel, hanggang dumating sa point na nag away kami. Ilang linggo bago kami magbati, pero hindi na kami nagkasama tulad ng dati..
Krizel Pov:
Ilang linggo rin pala bago ako maka move on kay Pau, dahil dinamdam ko ang pagkawala niya.
Evening..
Pagabi na at naglalakad ako sa daan, ng bigla kong nakita yung crush ko nung grade 4 ako, napatambay ako saglit kung nasaan nakatambay yung crush ko noong grade 4 ako, ngayon kase parang wala na akong feelings sa kanya kaya hindi ako nahihiyang tumambay sa mga kasama ko na kasama rin niya.
Maya maya lang ay tinawag na ako ni Lola Biheng..
"Krizel! Gabi na! Nandyan kapa sa labas talagang bata to oh!." Lola Biheng said.
"Opo! Grabe naman po ngayon lang ako lumabas eh." I said.
At nagsimulang maglakad papuntang bahay at nagpaalam na ako sa mga kasama ko, bigla kong natext yung kapit bahay kong lalaki, at tinanong ko sya..
BINABASA MO ANG
The Barkada
Teen FictionAno kaya ang mangyayari sa magbabarkada? Magkakahiwalay ba o hindi sila patitibag sa mga pinagdadaanan nila?