SPKFY 4

283 5 0
                                    

Salamin

Sa isang salon nagtatrabaho si mama, tapos kapag nagmamake up siya lagi niyang ginagamit yung salamin niya kasi medyo malaki yun kaya kitang kita mo talaga yung buong muka mo dun. Tapos one time nung nagtanggal siya ng makeup niya nilapag niya yung salamin sa may drawer tapos kinabukasan nung kukunin na niya wala na don. Lumipas ang isang linggo hindi padin namin nahahanap yung salamin. Tapos nung araw ng birthday ni kuya naisipan naming magstarcity pero hindi sumama si lola kasi mapapagod lang daw siya kaya naghugas nalang siya ng pinggan, nagulat nalang siya ng habang naghuhugas siya ng pinggan nakaramdam siya na parang lumamig, tapos biglang may nagbato ng salamin ni mama mula sa 2nd floor tapos nagulat si lola at nakita niya yung salamin sa sahig at basag na. Pinulot niya yung salamin, hindi na niya nagawa pang tignan sa hagdan kung sino yung nagbato dahil alam naman niyang siya lang ang tao sa bahay kaya sa sobrang takot niya napatakbo na siya sa labas ng bahay namin tapos hinintay niya nalang kaming umuwi bago siya pumasok ulit sa loob.

bridget

SpookifyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon