SPKFY 2

374 4 0
                                    

Iyak

It all started in 2007. I was 12 years old that time and that's when I realized that I can feel, hear, and see things.

Tatlo lang kami sa bahay nung time na yun. Yung dalawa kong kapatid, nasa sala nanonood ng tv. Medyo malapit lang yung sala sa kwarto ko nun, dining room lang pagitan. So yun, nasa loob ako ng kwarto ko, gumagawa ng homework. Maya maya hindi ako makaconcentrate kasi parang may maingay na tunog. Pinakinggan ko ng mabuti kung ano ba yung maingay. Sobrang kinilabutan ako nung marinig ko na boses siya ng umiiyak na babae. Hindi siya yung iyak na pabebe lang, iyak siya na as in hagulgol. Tapos yung tunog niya parang nasa loob lang ng kwarto ko, di ko alam kung sa bintana banda or sa loob ng cabinet. Basta sa loob siya nanggagaling, hindi sa kapitbahay namin. Para di ako matakot, inisip ko na baka sa pinapanood lang yun ng mga kapatid ko sa sala, so lumabas ako para icheck. Pero mas natakot ako kasi pagcheck ko, cartoons yung pinapanood nila. Imposibleng dun nanggagaling yun. Pumasok ako ulit sa kwarto ko, pero pagpasok ko, naririnig ko pa rin yung iyak ng babae na parang humihingi ng tulong pero iyak lang siya. Sa sobrang takot ko, tumakbo na lang ako palabas.

Hindi ko lang yun once narinig sa kwarto ko, madaming beses ko siya naririnig pero nung tumagal hinahayaan ko na lang. Di ko siya kinukwento sa Mommy ko kasi baka hindi maniwala. Pero one time naikwento ko siya sa ate ko kasi baka sakaling maniwala siya. Sobrang nagulat siya kasi pati din daw siya naririnig yung iyak na yun pag siya lang mag isa sa kwarto. Ayaw niya lang ikwento kasi akala niya imagination niya lang at hindi siya sure. Pero since nagkwento ako na ganun din, dun na namin naconfirm.

More stories to come.

EyeKnow

SpookifyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon