SPKFY 5

255 4 0
                                    

KWARTO

Nangyare lang ito ngayong taon 2015 ng September , 6pm ata yung mga time na yun nasa loob ako ng bahay namin as usual walang tao kaya nag iisa ako. Naiisipan kong magligpit ng kalat sa kwarto ko nagligpit ako ng kalat, habang nagtutupi ako ng mga damit ko (nakaharap ako sa kurtina ng kwarto ko) tanging ilaw lang sa kwarto ko ang liwanag ng buong bahay namin. Maya maya napapansin ko na dahan dahan bumubukas yung kurtina ko nagtataka ako at halo halo na yung isip ko kaya hindi ko inalis yung tingin ko sa harapan ko hanggat marealise ko na isang batang lalaki ang nakatingin saakin ang tagal namin nagkatinginan hanggang bumalik ang isip ko sa katotohanan ng biglang ngumiti saakin ang batang malaanghel na mukha niya. Saka lang ako tumakbo palabas ng bahay namin na parang walang nangyare, Hindi ko na naisip kong paano ako nakadaan sakanya basta nakalabas ako ng bahay ng pawis na pawis at may takot saakin dibdib. Alam ko kasi pag kinuwento ko to sa mama ko hindi siya maniniwala saakin na baka kathang isip ko lang ito lahat. Aminado akong hindi ako nakakakita ng mga multo pero nararamdaman ko sila.

Ayumi

SpookifyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon