Chapter 5- I'm Sorry

5 0 0
                                    

Panibagong araw na naman ang lumipas.

Habang tumatagal palamig ng palamig ang simoy ng hangin..

Masaya ko sa mga araw na lumipas. Kahit alam ko sa sarili ko na nalulungkot pa din ako.

Andito ko ngayon sa bahay. 7am palang naman pero maaga akong nagising. wala Akong pasok dahil sabado ngayon. wala din naman akong schedule ngayon bukod sa pagaantay ko sa pagdating nila Jude. Pero kasi mukhang hindi sila matutuloy ngayon dahil may rehearsal sila para bukas.

Si Aira kaya??

Lumabas ako ng kwarto para maghanda ng almusal namin ni Aira. hindi pa kami okay kaya medyo malayo pa loob niya sakin. Paghahanda ko nalang siya ng almusal. Puro instant noodles kinakain nung babaeng yun. Hindi kasi marunong magluto o kahit magprito man lang. Dati ako kasi taga Luto ng pagkain namin. Siya naman taga linis ng bahay.

Namimiss ko na talaga si Aira. Sobrang miss na miss ko na siya. Kailan kaya kami magiging okay

Omelet at fried rice lang ang inihanda ko. Okay na to para sa almusal naming dalawa.

Teka. Asaan ba siya?? bakit parang wala siya sa kwarto niya??

Baka nagjogging??o kaya maaga umalis??

Pero hindi eh. Wala din naman siyang pasok dahil classmate kami..

Hmm..

Sayang naman ang hinanda kong pagkain kung ako lang kakain.

"hoy Rex sexy ako. ewan ko ba diyan sa mata mo kung bakit hindi marunong mag appreciate ng beauty.Palibhasa manyak ka"

Napatingin ako sa kakabukas lang na pintuan At ibinungad si aira  Kasama si Rex at Blaine.

Nagjogging sila base sa mga suot nila. Ang cute nila tingnang Tatlo. pawisan sila pero ang ha hot. Nasabi ko naba na ang grupo nila ay famous sa school??

Si Blaine, Kade at Rex ay kabilang sa mga hearthrob ng school namin. Nagugulat nalang ako kapag sila ang kasama ko eh may mga babaeng haharang sa kanila para lang mag abot ng regalo kahit hindi naman nila birthday. Si Aira naman natural lang na hangaan siya ng mga kalalakihan dahil siya ang Miss University.

Napansin ni Blaine na nasa tabi lang ako. Nahiya naman ako bigla. kaya umiwas ako ng tingin Yung dalawa kasi hindi pa natigil sa pag aasaran.

"hi Goodmorning" Bati ko sa kanila. Dahilan para maagaw ko ang atensyon nila at matigil sa pagbabangayan.

"Uyy Ran goodmorning din. Ano yan??breakfast ba yan?wow tamang tama nagugutom na kami. Para samin yan diba?? oh tara na kain na"

tuloy tuloy na sabi ni Rex hanggang sa makaupo siya sa dining table. Grabeh talaga tong si REx. Makulit pa din.

Lumapit si Aira kay Rex na susubo na sana ng kanin na may omelet nang piningot siya ni Aira sa tenga at napatayo siya.

"aray aray.. Aira naman. A-AHH"

"Ano ba. hindi sayo yan. Sino nagsabi sayo na umupo ka diyan ha"

"a-ah-aahh. Tama na Aira. AH-Aang sakit na ng tenga ko"

"Para sa inyo yan. Hindi ko naman mauubos yan eh" sabi ko.

Nakatayo lang ako sa gilid ng lamesa. Si Blaine naman nasa salas lang. Napagod yata at nakasandal sa sofa at nakapikit.

"Mag oorder nalang kami" mataray na sabi ni Aira.

"Aira naman" pakiusap ko.

"kung sa tingin mo magiging okay na tayo dahil lang diyan sa hinanda mo. Nagkakamali ka. I hate you pa din"

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon