Kakadating ko lang sa bagong apartment ko. Ako na ang bubuhay sa sarili ko. Hindi na sila Sister Marie.
"Kylie, iha, mag-ingat ka ha. Lagi kang maglolock ng pinto mo. Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami para sayo." Nginitian ko si Sister Marie.
Siya ang tumayong nanay ko sa bahay ampunan. Wala akong pamilya. Ang tanging alam lang nila ay ang pangalan ko. Nakalagay kasi sa blanket ko nung baby pa ako ang pangalang Kylie Gomez.
Hinanap nila Sister Marie at Sister Jesusa ang mga magulang ko hanggang sa lumaki ako. Tanggap ko naman na ayaw ng magulang ko sakin kaya okay lang.
"Salamat po Sister. Kaya ko po ang sarili ko. Kayo po. Wag po kayong magpapabaya ah. Lalo na po yang kalusugan niyo." Binilinan ko din siya.
Tumawa naman siya at nagpaalam na sakin. Unang gabi ko na wala sila. Nakakalungkot man pero nakakagaan ng loob na wala na ako sa bahay ampunan. Nakakahiya kasing magstay dun. Tapos na ko magjunior high, wala pa ring umaampon sakin. Nakakahiya.
Inayos ko saglit ang mga gamit ko. Kokonti lang naman eh. Tinignan ko kung anong oras na.
5:30 pm.
Pwede pa akong lumabas. Kinuha ko ung cap ko na regalo nila Sister Marie at lumabas ng apartment.
Naglakad-lakad ako. Kinakabisado ang bawat daan ko. Hindi ko pa kasi masyadong gamay tong lugar kaya kinakabisado ko.
May nakita akong dalawang batang naglalaro sa gilid.
"Anna! Madaya ka naman eh!" Rinig kong sabi nung batang lalaki. Ang cute nga niya eh. Hindi siya muhkang gusgusin.
"Hindi ako madaya nuh! Baka ikaw yun?" Sabi naman nung batang babae. Cute din siya. Muhka siyang manika.
Nag-away sila saglit pero napangiti ako nung nagkabati sila. Ang cute nila. Sana paglaki nila, ganyan pa rin sila ka-close.
Maglalakad na sana ilit ako nang may makabangga sakin.
"Uy! Sorry!" Sabi nung lalaking nakabangga sakin.
"Hindi, okay lang. Cge. Una na ko." Paalam ko. Maglalakad na sana ulit ako nung pinigilan niya ako.
"Wait! Bago ka ba dito?" Tanong niya. Tumango na lang ako.
"Wag ka na maglakad-lakad. Delikado na sa part na pupuntahan mo. Anyway, ako nga pala si Mike." Inabot naman niya ung kamay niya.
"Kylie." Sabi ko at inabot ang kamay niya para makipagshake hands. Nginitian niya ako.
"Salamat pala sa pagwarning mo sakin. Cge, balik na ko." Paalam ko at tuluyang bumalik sa apartment ko. Pero bago ako pumasok, lumingon ako at nakita siyang kausap ung dalawang bata.
Tinuro naman ako nung dalawang bata.
What? May nagawa ba ako?
Tumingin siya sakin at nag-smile. Nginitian ko din naman siya at pumasok na.
Ano kayang meron dun? Bakit bigla na lang ako tinuro nung dalawang bata? Hayaan ko na nga lang!
Pumunta ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Tong apartment kasi na to, medyo malawak. May kitchen, living room at bedroom. Para na ngang bahay eh.
Tinignan ko ung brochure sa bedside table ko.
SKY University.
Binasa ko ung brochure. Ang galing talaga dito. Makagraduate ka lang dyan, may trabaho ka na. Dito ako mag-aapply ng Senior High. Bukas nga aayusin ko na ung application ko para sa scholarship program. Maghahanap rin ako ng trabaho bukas.
Kaya ko to. Kakayanin ko to.
Sana balang araw, maging succesful ako at makita to ng parents ko. Gusto kong maipakita sa kanila na nagkamali silang iwan ako.
Pero sa kabila ng lahat..
A part of me wants to find them and hug them and tell them 'I miss you'.
Hanggang panaginip lang yun. Hindi naman ako umaasa na mamahalin nila ako.
To be continued..
~
A/N: Hi, readers! Salamat sa pagbasa nito. Abangan niyo rin ang susunod na chapters! Hehe salamat ng marami~
BINABASA MO ANG
How It Should've Been
Teen FictionI entered SKY University. Akala ko magiging tahimik ang buhay ko pero nasama ako sa "Three of SKY" generation 3. I can't believe na sa pagsama ko sa TOS, magiging magulo ang buhay ko. Hindi ko akalaing makakahanap ako ng mamahalin. At hindi ko akala...