Kylie
First day ngayon sa SKY University. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin. Wala kasing uniform ang SKY kaya nagsuot lang ako ng smart casual na damit.
(A/N: see the picture sa media section :D)
Okay lang naman ang itsura ko. Kahit naman galing ako sa bahay ampunan, may konti akong style sa pananamit. Kinuha ko na ung bag ko at umalis sa apartment ko.
Walking distance lang naman ung school dito eh, kaya naglakad na lang ako. Masarap maglakad dito sa lugar namin. Hindi siya masyadong city-like. May mga puno pa rin at medyo mahangin. Para siyang probinsya na nasa city? Ewan. Basta yun!
May nakasalubong naman akong lalaki na mas hawak na pusa. Kinakalmot-kalmot siya nung pusa pero hindi naman dumidikit sa mukha niya.
Parang pamilyar siya ah?
Hinarang naman niya ako.
"Uy! Kylie, right?" Huh? Sino to? I looked at him so confused.
He just chuckled.
"It's me. Mike? Remember? Nung isang gabi, nagkakilala tayo?" Sabi naman niya.
"Ahhh! Sorry, sorry. Di kita nakilala agad. Madilim kasi nun eh." Natatawa-tawa kong sabi. Napa-iling naman siya habang nakangiti. Ang cute pala niya?
"San ka papunta?" Tanong naman niya habang nilalayo sa mukha niya ung pusang nangangalmot.
"Ah, sa school lang. First day eh. Ikaw? Anong gagawin mo dyan sa pusa? Atsaka wala ka bang pasok?" Sunod-sunod kong tanong. Napangiti naman siya.
What?
"Ang cute mo." Nakangiti niyang sabi. Syempre, hindi ako sanay masabihan ng ganun kaya medyo nag-init ung mukha ko. Pero nginitian ko pa rin siya.
"Salamat sa pagsagot sa mga tanong ko." Sarkastiko kong sabi. Napatawa naman siya at medyo nilaro ung pusa na kinakalmot siya. Nabobother talaga ako dun sa pusa.
"Ibibigay ko tong pusa sa kakilala ko. Mahilig kasi siya sa pusa. After nun, pupunta rin ako sa school. Anyway, san ka ba nagaaral?" Sasagutin ko na sana siya ng maalala ko ung oras. Dali-dali akong tumingin sa orasan ko. Shemay! Late na ko! Kasama pa naman ako sa mga mag-wewelcome sa students.
"Naku! Late na ko. Una na ko ha." Sabi ko at nagmamadaling tumakbo. Di pa ako masyadong nakakalayo, nilingon ko siya.
"Sa SKY University pala ako nag-aaral." Sigaw ko at tuluyan nang umalis.
~
Pagkadating na pagkadatin ko dun, nasermonan ako ng student in-charge dun. Nag-sorry naman ako at in-explain niya kung ano ang gagawin namin. Kailangan namin papuntahin ang mga students sa Gym. Ung iba, nakaabang na sa gate para harangin ung mga students at papuntahin sa Gym.
"Ikaw. Dahil late ka, ikaw ang mag-rounds sa buildings. For sure, may mga nakalusot diyan. At dahil baguhan ka rin, eto mapa." Inabot niya sakin ung mapa ng school. Sobrang laki naman kasi netong school. Pati ung buildings. Sosyalin.
Kinuha ko ung mapa at nagsimula sa rounds. Inuna ko ung college buildings. Yes. BuildingS. Anim ata ang building ng College Department. Ung iba, under construction pa. Nakakatatlo na akong building nang may marinig ako.
"Mm.. Oh my gosh.. Derek.. Hmm.." Napanganga ako sa mga narinig ko. Nanggaling yun sa Chemistry Laboratory. Sinilip ko naman ng konti kung may tao at...
Shit!
They're making out. Feeling each other's body. Gulat na gulat ako. Hindi ko alam ang gagawin. Nagpapanic ako at sa sobrang panic ko natalisod ako at nadapa ako.
BINABASA MO ANG
How It Should've Been
Teen FictionI entered SKY University. Akala ko magiging tahimik ang buhay ko pero nasama ako sa "Three of SKY" generation 3. I can't believe na sa pagsama ko sa TOS, magiging magulo ang buhay ko. Hindi ko akalaing makakahanap ako ng mamahalin. At hindi ko akala...