Chapter 5: Second Day

27 3 4
                                    

Kylie

Nandito ako ngayon sa S. Bldg. Nakatayo pa rin kami ni Derek sa tapat ng door. Halos mag-iisang oras na kami dito. Tinititigan ung door. Nagbabakasakaling biglang magbukas to at makalabas kami.

In short...

Para kaming tanga.

Napabuntong hininga na lang ako at tinapik si Derek sa balikat.

"Wala na tayong magagawa. Naisahan na tayo." Tinignan lang niya ako ng masama.

"Aw! What the hell?!" Kinurot ko nga.

"Hindi ako ang may kasalanan nito no! Makatingin ng masama sakin,.. WAGAS." Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad papuntang kitchen.

"Tatawagin na lang kita kapag ready na dinner natin. Maupo ka muna. Hindi malulusaw ung pintuan sa pagtitig mo." Sabi ko at iniwan siya doon.

Naghalukay ako ng pwede mailuto sa cabinets at ref. Buti na lang may pagkain dito.

Sinilip ko si Derek sa sala kung anong ginagawa niya. Nakaupo na siya pero tulala. Shock na shock siya ah? Babae lang? Anong akala niya? Ako ang mangrarape sa kanya? Tsk.

Umiling-iling na lang ako at nagsimulang magluto. Magluluto na lang ako ng steak.

~

Derek

Nandito lang ako sa sala. Nakaupo. Tulala. Nakakaasar naman kasi eh. Ung Jenny talaga na yun! Pag nakita ko yun, papaulanan ko siya ng sandamakmak na problema! NakakaBS kasi eh!

Napatingin ako sa may kusina. Ang bango ng amoy. Parang ang sarap sarap. Tumayo ako at nakitang nagluluto si Kylie. Nakamessy bun siya at nagsasasayaw habang nagpapatugtog ng One More Night (Maroon 5).

Sa lahat ng papatugtugin mo, eto talaga?!

Tsk.

Well, it makes sense kasi danceable naman talaga ung kanta.

Kahit nagluluto siya, ang graceful niyang sumayaw. Alam mo ung may impact? Yun yun eh.

Umupo ako sa stool at pinanuod siya. Mukhang di naman niya ako pansin. Tinitigan ko lang siya. Naka-apron siya na black. Kapag tumatalikod siya, nakikita talaga ung curve ng katawan niya kasi diba? Nakatali ung apron. Ang ganda niya talaga.

Shit. Shit shit shit!

May kasama akong napakagandang babae sa iisang bubong! Shit na self control ang kakailanganin ko! Etong babaeng to pa naman, di marunong matakot. Pano kung bigla ko siyang gapangin? Pano kung kulang ang self control ko? Pano kung di ako makagamit ng proteksyon?

What the hell are you thinking, Derek?! Why am I even thinking about this?! Argh!

Konti na lang, tatalunin ko na ung bintana eh!

"Wha--? Andiyan ka pala?" Tanong niya sakin na gulat na gulat. Ang epic ng mukha niya. HAHAHAHA!

Kita ko ang pagkunot ng noo niya. Nahalata niya sigurong nagpipigil ako ng tawa.

"Tss. Kumain ka na nga lang. Ayan oh." Sabi niya sabay lagay ng steak sa harapan ko. Hmmm... Presentable siya. Mukha ngang pangprofessional eh. Mukha lang.. Haha. Di ko pa naman kasi natitikman eh.

"Wag ka magalala. Walang lason yan." She grinned. What? Nilagyan niya ng lason to? Imposible.

Kinuha ko ung tinidor kahit natatakot ako sa ngiti niya. Nagslice ako at sumubo.

"Wow! It's like you're a professional chef. Who taught you to do that?"

"Internet." Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siya? Internet lang yan? Mas masarap pa nga luto niya sa luto ng personal chef ko eh.

How It Should've BeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon