Chapter 6: Friends

32 2 1
                                    

A/N: Hi guys! Sorry ngayon lang ulit ako nakapagupdate. Sunod-sunod kasi ung lakad namin eh. Idagdag mo pa ang nakakadugong organ lessons.

Grabe talaga. LIMA. LIMANG PIYESA ANG AARALIN KO. Di pa nga ako masyadong tuloy-tuloy sa pagtugtog eh. Lalo na kapag ang daming iba-ibang chords.

Plus, nagvacation si author sa Cagayan to see my beloved lil' sis. Hehe.

So yun lang. :)

Happy Reading!

~

Kylie

Padabog kong sinara ang pintuan ng kwarto ko. Pano ba naman kasi? Nakakaasar ung mga tao sa baba. Ever since nakita nila kaming sumayaw, inaasar na nila kami. Di man lang ako pinagtatanggol ng mga kaibigan ko. Sila pa nga nangunguna eh! Seriously? Kaibigan ko ba talaga sila?!

Dumiretso ako sa bed nang may kumatok. Nagtalukbong na lang ako ng kumot. Ayokong makipagusap sa kanila.

Narinig ko namang nagbukas-sara ang pinto. Shete! Hindi ko pala na-lock yun! Tsk. Ang bobo-bobo mo, Kylie!

"Kylie. Hey." Medyo napaisip ako kung sino ung nagsalita. Lalaki siya. Hindi naman kaboses ni Derek. Tapos puro babae na kami. Sino naman to?

"Uy. Kay-Kay. Ang hirap-hirap pumasok sa school na to tapos di mo pa ako kakausapin? Ganyan ka eh." Wait. Kay-Kay?

Napabangon agad ako at nakita si Kuya Darryl. Nginitian naman niya ako at nagpogi pose.

"OH MY GOSH! Kuya Darryl! What are you doing here? And how did you find me? Hala! Namiss kita Kuya!" Tumakbo ako sa kanya at yinakap siya.

"Easy Princess. I can't breathe." Natatawa-tawa niyang sambit. Tuwang-tuwa akong makita si Kuya Darryl. Siya kasi ung bestfriend ko sa bahay ampunan. Siya rin ang naging Kuya ko. Pinagtatanggol niya ako sa bullies noon atsaka nililibre ako ng ice cream. Namiss ko siya. Grabe.

"Kylie?" Napatingin ako sa pintuan. "We heard you... scream." Napatingin siya samin. Ang pwesto kasi namin ay nakasabit ang braso ko sa leeg ni Kuya Darryl habang hapit ni Kuya ang bewang ko gamit ang isang kamay niya at ung isa naman nakalagay sa likod ng ulo ko. Ang itsura namin ngayon ay parang... Para kaming magkikiss.

Nakatingin lang sakin si Derek habang ung tatlong babae naman, kitang-kita ang gulat nila. Walang nagsasalita samin. Ganun pa rin ang pwesto namin ni Kuya. Kuya cleared his throat.

"Uhhmm.. Hi?" Kuya said awkwardly. Inayos na rin namin ang pwesto namin. Ngayon, nakaakbay na lang siya sakin.

"Who are you? And how did you get in here?" Ramdam na ramdam ko ang inis ni Derek. Nakaglare na nga siya kay Kuya at pati na rin sakin.

"Oh! Uhh.. I'm Darryl France. I'm the one in charge of taking care of you and your performances until the party." Kuya said while smiling. Hindi ko ipagkaka-ilang pogi si Kuya Darryl. Ang hot niya kaya. Siya ang parang heartthrob sa bahay ampunan. Crush ko nga siya dati eh.

"So? Pano ka ulit nakapasok dito?" Napatingin ako ulit kay Derek. Ung itsura niya parang mananapak na. Ano bang pinuputok ng buchi niya?

"Spare key sa back door. Bakit? May problema ka?" Tinaggal ni Kuya ung pagkakaakbay sakin at parang mananapak din siya. Lumapit si Derek kay Kuya at akmang susuntukin si Kuya pero pumagitna na ako.

"Alright! That's enough." Tinignan ko si Kuya at Derek. "Kuya, this is Derek Laine. Siya ung co-host ko. And ung mga babaeng yun" tinuro ko sila Rye. "They're my friends, Yanna, Rylie, and Jastine." Hinarap ko naman si Derek at sila Rye. "Guys, this is Kuya Darryl. He's my bestfriend sa bahay ampunan. And. What you saw earlier was just us missing each other. Okay?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How It Should've BeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon