Kabanata 1

7 0 0
                                    

"Oh my gosh , Sy nandito yung crush kong si Audrey , Ang gwapo niya talaga" Kinikilig kong kwento sa kaibigan/kaklase kong si Syrine .

"Oh ? tapos pinansin ka ba ?" sabi pa niya .

Nandito kami ngayon sa Pader ng school namin, dito kami tumatambay tuwing break time , pwede kasing ma upuan .

sumimangot ako sa sinabi niya.

"Hmmp , syempre hindi eh nahihiya ako sa kanya eh " sabi ko saka tumalon sa pader na yun .

"Halika na nga tapos na yong break , tsaka sabi ni Luis Papuntahin daw kita dun samin" sabi ko sa kanya at nauna nang maglakad.

"kailan daw ?" sabi niya saka sumunod sakin.

"Bukas total sabado namn bukas  "

"oh sge ba " sabi nya at pumasok na kami sa classroom.

Walang masyadong guro ang pumasok sa araw nato ngayon kaya wala kaming gaanong klase kaya nag daldalan lang kami ng mga kaklase ko .

Kinabukasan ay pumunta nga samin si Syrine , wala sila mama at papa kasi may trabaho saka pumunta naman si kuya sa kaibigan niya kaya ako lang mag isa sa bahay  .

"Sy doon tayo sa labas , papunta narin yun sila Luis dito at si Audrey "

"Sige "

maya maya'y dumating na ang kababata kong si Luis at ang pinsan niyang si Audrey , sa totoo lang kababata ko rin si Audrey kaso di na kami masyadong close , paminsan lang kasi yan pumunta dito pag summer lang taga Cagayan kasi sila , Mag kapit bahay naman kami ni Luis Grade 4 palang sila ni Audrey samantalang kami ni Syrine ay Grade 5 .

"ooyy , bakit ba kaya nag kakahiyaan , masanay na nga kayo " sabi ko tsaka tinulak si syrine para mas magkatabi sila ni Luis . Haha nakakatawa naman yung reaksyon nila sabay pang namula .

"Oo nga naman Luis , diskartehan mo na " sabi naman ni Audrey , Tiningnan naman siya ni Luis tsaka umaktong susuntukin haha nahiya pa .

"Tumigil ka diyan Audrey ha " sabi ni Luis na mas lalo naman nag patawa kay Audrey .

Hay nako ang gwapo talaga ni Audrey ,yung matangos niyang ilong , medyo messy niyang buhok na bagay sa kanya ,tsaka maputi din sya , ang gwapo niya talaga nakaka inlove hihi .

"uyy Sam !" nagulat ako sa tumawag sakin na si Sy .

"oh ano ? " sabi ko .

"Kanina pa kita tintawag di ka nakikinig , nangingiti ka mag isa mo para ka tuloy'ng baliw " sabi niya na natatawa .

"heh ewan ko sayo , ano ba sasabihin mo ?"

" uuwi na kako ako " sabi niya

"ahh sge hatid na kita "

"Samantha hintayin nyo ako sa kanto , tatawagin ko lang si papa para kami na mag hatid kay syrine " singit ni josh sa usapan namin.

"ahh ganun ba ? sge hintay nalang kami sa kanto,halika na sy" sabi ko tsaka hinila na si syrine .

nasa kanto na kami ngayon at hinintay si Luis para siya na mag hatid kay sy , maya maya'y dumating na sila .

"Hi syrine " sabi ng papa ni Luis.

"Hello po tito " sabi naman ni syrine na nahihiya pa .

"Halika na sy sakay ka na, gusto mong sumama sam ? " aya ni josh .

"sge ba " sabi ko tsaka sumakay na sa motor ni tito .

Hinatid namin si syrine malayo layo din yong kanila .
pabalik na kami sa compound namin ng bigla hawakan ni Luis yong mga binti ko ,nag taka naman ako .

"Baka mahulog ka " sabi niya kaya tumango nalang ako .
ilang minuto din ay dumating na kami sa compound .

Pag katapos nun ay paminsan minsan pumupunta parin si syrine sa amin tsaka hinahatid parin nila josh kung hindi man hinhatid ay binibigyan na lang ng pamasahe , Hindi narin ako nakasamang muli sa pag hatid sa kanila kung minsan kasi may utos si mama oh kaya nahihiya din ako minsan .

Lumipas ang isang buwan bumisita ang mama ni Luis sa amin , mag kaibigan kasi ang mama ko at mama ni Luis , Nag chichikahan sila sa labas ng bahay , maya maya ay tinawag nila ako .

"Samantha " tawag ni mama .

" po "

"Halika muna dito " tumayo naman ako at saka pumunta sa kanila .

"May tanong yung tita Jo mo " sabi ni mama

"ano po yun tita ?"

"Mag boyfriend-girlfriend na ba si Luis at si Syrine ?" tanong ni tita

"Ay hindi po sa pag kaka alam ko po mag M.U ang po sila , pero ewan ko baka nag change na po yung status nila " paliwanang ko sa kanila
tumango naman si tita , tsaka bumalik na ako sa loob ng bahay .

Bumaba si kuya Mark galing kwarto niya ,may kwarto kasi siya sa itaas ng bahay ginawan siya ni papa , Hindi kami mayaman hindi rin kami mahirap , nakakakain naman kami tatlong beses sa isang araw oh higit pa , nakaka bili naman kami ng mga bagay na gusto namin nakaka kain kami ng masarap na ulam lalo na't si mama ang nag luto ang sarao niya kasing mag luto .

Ang tinitirhan namin dito ay isang private compound , ang nakatira lang dito ay ang mga nag tatrabaho Sa Ambassadors For Christ , kabilang na ang mama at papa ko dun , libre ang bahay pero kami ang magbabayad sa tubig at kuryente , maswerte rin Kami bihira na makahanap ng ganito ngayon .

Linggo ngayon kaya bukas ay may pasok na . Kinabukasan late akong pumasok sa paaralan , sa isang public schoo ako nag aaral , sa section namin Bihira lang pumapasok yung mga guro , kaya mas marami ang nagiging daldalan namin kaysa sa natutunan nami , Hindi naman ako ganun katalino pero nakaka top naman ako sa room namin kahit papaano  .
nag checheck ngayon ang unang guro na pumasok sa amin ngayong araw nato .

"Lozano , Marie Ann"

"present po ma'am"

"Montez ,Samantha "

"maam andito po "sabi ko at tinaas ang kamay ko .
nag susulat ako ngayon ng kung ano ano sa likod ng notebook ko ng may biglang tumabi sakin na kaklase ko .

"Hi Sam " bati ng kaklase ko .

"Hello Mitch " tska ngumiti .

"ahm may itatanonglang ako sayo Sam, survey lang ito "

"ano yun ?"

"sino ang mas prefer mo para kay Syrine , Si Luis ba o Si Charles ?" sabi niya

"Huh ? Charles ? bakit mo ako pinapapili , eh diba may something naman sila syrine at Luis ? " nag tataka kong sabi sa kanya

"may something parin naman kina Syrine at Charles ah , Na una naman si Charles kaysa kay Luis , kaya kung ako ang tatanungin syempre kay Charles ako ,eh ikaw ba ?" tanong niya .

"syempre kay Luis nu , saksi kaya ako sa kanila , pero hindi ko alam na reserve lang pala si Luis"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because I Like Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon