v

771 51 12
                                    

≫school

"What. Are. These." Napatulala ako nang makakita ng malaking teddy bear sa loob ng locker ko. Malaki kasi mga locker namin dito dat's y.

Pero sino nagbigay nito?!

Nope, di naman ako umaasang bibigyan ako ni cheol no. Kuripot yun. Di pwedeng bigyan niya ako.

"Hyung! Waaah! Teddy bear! Sino nagbigay niyan?" Tanong ni Minghao kaya nagkibit balikat nalang ako.

"May manliligaw na si hyung. Hahahaha" pang aasar ni jun kaya tinignan ko siya ng masama.

Ako may manliligaw? Kung si cheol pwede pa.

"Baka naman kay seungcheol hyung galing yan?" Napatingin ako kay hao nang sabihin niya yun.

"Kay cheol? Ni piso hindi yun naglalabas no. Kuripot yun saka hello? Bestfriend ko lang yun." Sabi ko saka pekeng tumawa.

"Ok. Dami mong sinabi hyung." Sabi ni Jun kaya inirapan ko lang siya. "Teka asaan nga pala si Seungcheol hyung?" Tanong niya kaya napaisip din ako.

Oo nga pala, hindi ko pa nakikita yung gilagid na yun. Di rin kami sabay kanina kasi sabi niya male late siya pero hindi naman talaga siya pumasok.

Ano kaya nangyari dun?

"Oy hyung. Andito pa kami." Nabalik ako sa realidad dahil kay Hao.

"Wala akong paki kung nandiyan pa kayo. Layas na nga." Sabi ko.

Gusto ko sana ibigay tong teddy bear kaso, malay niyo diba?

... Walang masamang umasa diba?

Habang naglalakad ako e hindi pa rin maalis sa isip ko si Cheol.

Honor student siya simula pa elementary. Kahit naman tatanga tanga siya e matalino talaga siya. Walang absent yun. Ultimong may sakit na siya e pipilitin niya pa rin ang sarili para lang makapasok.

Hay ewan. Baka naman na-late lang ng gising.

Pero hindi e, kung na late siya ng gising, papasok parin yun kahit late na.

"Uy, jeonghanie hyung," napalingon ako kay seungkwan na sumasabay na pala sa paglakad ko.

"Bakit?"

"Ano nangyari kay Cheol hyung?"

"Ha?"

"Nakasalubong ko kasi siya kanina, parang mugto yung mata."

Nagulat ako sa sinabi ni seungkwan. So it means na nandito si cheol? Asaan?

"Asaan siya?" Tanong ko.

"Ewan ko hyung e." Sabi niya kaya kinuha ko nalang yung phone ko saka siya tinawagan.

[hello?] sabi niya sa kabilang line.

"Asaan ka damuho ka?"

[asa school. Late nga ako e. Hahaha.] rinig kong tawa niya pero alam kong peke lang yun.

"Asaan?"

[andito nga sa school--]

"Nasaan ka?"

Narinig kong napabuntong hininga siya, [nasa abandonadong room.] mahina niyang sabi.

Agad kong pinatay ang cellphone ko saka akmang lalakad na kaso pinigilan ako ni Seungkwan.

"Hyung asan daw siya?" Nag aalalang tanong niya.

"Mamaya sabihin ko sayo. Una na ako byee." Saka ako tumakbo papunta lumang building.

Nang makarating ako dun e naabutan kong nakaupo lang si Cheol sa sahig habang.. Nakashades? E ni wala ngang araw. Baliw talaga.

"Hoy." Sabi ko pag kalapit ko sakanya.

Umupo ako sa tabi niya. "Baliw ka rin no? Nag shades sa loob ng abandonadong room?" Tanong ko.

"Hahaha." Tumawa lang siya ng peke.

"Anong problema?" Seryosong tanong ko kaya siya napatingin sakin. "Alam kong may problema, cheol. Lokohin mo na ang iba wag lang ako." Sabi ko.

Napabuntong hininga siya. "Magse-separate na ang parents ko." Sabi niya kaya nagulat ako.

All this time, nag lu-look up talaga ako sa family niya kasi mukha naman silang masaya but--

"May iba si dad." Sabi niya saka sinipa ng malakas yung upuan sa harap. "Fuck! Matagal ko nang alam yun pero never akong naglakas ng loob na sabihin yun kay mom kasi natatakot akong masaktan siya. Pero ngayon nasasaktan parin siya e." Nanggigigil niyang sabi.

Nakikinig lang ako sakanya. Ano ba ang dapat gawin?

I know his dad. Magkapareho pa nga sila ng mata ng dad niya e.

"Napakasama kong anak. I don't deserve to be her son. I should've died on her womb." Naririnig kong humihikbi siya pero kahit ganun e nagawa ko pa rin batukan siya.

"You should've died on her womb? Sinisisi mo sarili mo? Cheol, wala kang kasalanan. Wag mong isisi lahat sayo." Sabi ko.

"Pero--"

"Don't argue with me cheol. Wala ka sa hulog lintik ka." Seryoso kong sabi. "Hindi ko sinasabing hindi ka damay sa problema ng pamilya mo. Oo siguro kasalanan mong hindi mo nga sinabi yun. Pero bakit ba hindi mo sinabi? Kasi ayaw mong masaktan ang mom mo, diba? You did that because you love her. Is their anything wrong with loving someone? Wala." Sabi ko.

"Meron. Pag mahal mo kasi yung tao, hindi mo namamalayang nasasaktan mo na pala siya dahil sa pagmamahal na yan." Sabi niya.

Am i hurting you, Seungcheol?

"Lecheng pag ibig."

--

「ang lame. Huhu kaiyaq ako.」

I'd lieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon