vi

721 45 14
                                    

Mali bang mag mahal?

"O hyung, parang araw araw ka na atang nakakatanggap ng letters ha?" Sabi sakin ni Hansol nang mapansin may letter nanaman sa loob ng locker ko. Ewan ko kung kanino ba to galing imposible namang kay cheol to.

Bakit ba si cheol nanaman?!

Jeonghan magtigil ka na nga.

Pero lately kasi sobrang tamlay talaga ni Seungcheol. Pumapasok siya oo. Present naman ang utak niya sa classes. Nakikitawa naman siya at nakikipag kwentuhan pero alam kong matamlay pa rin siya.

Sinara ko nalang ang locker at iniwan ang letter dun kasama ng ibang letter. Tambak tambak na ngang sobra yung nasaloob e.

"Uy Gyu." Pagtawag ko kay gyu nang makita ko siya kaso ang mokong hindi ako pinansin.

Anong nangyari dun?

Hindi ko nalang pinansin yun at nagtuloy nalang patungong hardin.

Wala magmumukmok nanaman ako.

Kaso pag dating ko dun e nakita ko si cheol. Oo nakakapag usap kami. Kaso everytime na inoopen up ko yung about sa problema niya iniiba niya yung usapan e, yung tipong ayaw niya talagang pag usapan.

"Gilagid." Pagtawag ko kaya napatingin siya sakin ng kunot ang noo. Natawa naman ako dahil dun.

Napailing lang siya sakin saka binalik ang atensyon sa music notebook niya. Hindi niyo alam pero nag gigitara siya. Oo mahilig siya mag gitara pero hindi niya pinapakita yun sa iba. Ewan ko ba sa taong to kung bakit hiyang hiya sa sarili.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Para sayo." Sabi niya kaya bigla akong kinabahan. Ano, para sakin?

"H-ha?"

"Para sayo, yung kanta ni Aiza." Sabi niya ulit nang hindi man lang ako tinitignan.

Ay. Sakit mag assume.

"Hindi mo papala alam chords niyan?" Tanong ko saka natawa. Favorite kasi talaga niya yan pero hindi ko alam na hindi niya pa pala alam kung paano yan patugtugin.

"Ano bang nakain mo ngayon? Bakit sobrang palatanong mo bigla?" Tanong ni Seungcheol kaya kinurot ko yung pisngi niya saka sinabing,

"Wala curious lang."

Saglit akong napatahimik. Si seungcheol naman e binalik ang pag sulat ng nota.

Ilang saglit pa e tinignan ko siya. "Nakita mo ba si Mingyu? Ang tamlay niya e." Sabi ko bigla.

"Oo. Badtrip kasi yun." Sabi niya.

Tumingin siya saakin saka ngumiti. "Kailangan mo pa malaman?" Tanong niya.

"Malamang!" Sigaw ko. "Uy ano yun? Uy?" Pangungulit ko pero nakangiti lang siya.

Nagkibit balikat si Seungcheol. "Next topic please." Natatawa niyang sabi.

"E ikaw? Okay ka na?" Tanong ko.

Biglang sumeryoso yung mukha niya. "Ako? Oo naman. Kahit mahirap, syempre kailangan tanggapin, diba?" Sabi niya kaya napangiti ako saka tumango.

Sumandal siya sa sandalan saka tumingala. "Simula nung umalis si ate kasama si mom, talagang nag iba ang atmosphere sa bahay. First few days sobrang cold ko kay dad. Sinisigawan ko pa nga siya e." Napangisi si Cheol saka umiling. "Kasi kasalanan niya rin naman talaga diba? Siya punot dulo ng lahat." Malumanay niyang sabi.

"Cheol... Pwede mangielam?" Tanong ko saka tumango siya. "Alam mo cheol may mga bagay talagang puso ang kumontrol." Sabi ko.

"Tulad ng?"

"Tulad ng utak. Pag nag mahal ka kasi hindi mo na talaga makokontrol yung isip mo. Minsan, sa sobrang pag mamahal nakakapag desisyon ka nalang ng kung ano ano." Sabi ko.

"Saklap ng pag ibig no? Sarap sapakin." Sabi niya na nakatingin na sakin habang nakangisi.

Umiling ako, "pano magiging saklap ang pag ibig kung ang gusto lang naman nun e sumaya ka? Cheol walang perfect sa mundo. Kahit anong gawin mo, masasaktan ka talaga. Pero alam mo kung anong maganda sa pag mamahal? Yun e yung kahit nasaktan ka mg sobra alam mo paring sumaya ka at may natutunan ka." Saka ko siya nginitian kaya napangiti rin siya.

"In love ka no?" Tanong niya na kinakunot ng noo ko kaya siya tumawa. "Ikaw na love expert."

--

I'd lieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon