vii

667 42 19
                                    

Ilang linggo na ba tong letters na to? Hayy.

Bored nanaman ako ngayon. Bihira nalang kaming mag usap ni cheol kasi busy siya sa mga projects at ako naman, well sabihin nalang nating wala naman akong pake sa mga projects.

Ilang minuto kong tinititigan yung mga sulat kung babasahin ko ba o hindi,

Babasahin ko ba?

"Hi," napalingon ako nang marinig ang magandang boses na yun.

Oo maganda boses niya parang anghel.

"Ako nga pala si Jisoo." Pagpapakilala niya saka nakipag kamay.

Tumango naman ako saka sinabing, "hello."

"Transferee lang ako dito e." Sabi niya kaya natawa ako.

"Halata nga," sagot ko. "Ako si jeonghan. Yung nanghingi sayo ng 1/4 kanina." Pagpapakilala ko.

Natawa naman si Jisoo. "Naalala ko kasing nangako ka kanina na babawi ka, may request sana ako." Sabi niya.

"Ano yun?"

"Ano, kung pwede mo sana ako ilibot sa school?"

"Ayun lang ba? Sig--"

"Hong Jisoo?" Natigil kami ni jisoo sa pag uusap nang makarinig ng malalim na boses.

Sabay kaming lumingon sa lalaking may malalalim na mata. "Ako si Jeon Wonwoo, the student council president." Pagpapakilala niya.

Waitttt so siya si Wonwoo? As in yung gusto ni Mingyu?

"Good morning." Pag bati ni jisoo.

"And ako yung in charge sa paglibot sayo sa school." Sabi pa ni Wonwoo kaya nag katinginan kami ni Jisoo.

"Ah, sorry." Sabi ni Jisoo kaya nangiti ako.

"Okay lang."

Sumenyas si Jisoo na aalis na siya kaya tumango ako saka kumaway. Tinignan ko naman si Wonwoo na nakatingin rin pala sakin saka nginitian ko rin siya.

Nang makalayo ang dalawa e may napansin ako... Si Seungcheol paalis.

Isasara ko na sana yung locker ko nang may pumukaw sa paningin ko.

Pulang sobre?

Weird..

Puro puting sobre lang kasi yung nakikita ko e.

At dahil nga nacurious ako e kinuha ko ang sobre saka binuksan.

Let us meet. Sa may burol malapit sainyo. I want you to meet me, your admirer.

Teka sino to?

--

I'd lieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon