PART 1: Akala ko TAYO na

27 0 0
                                    


CHAPTER 1: The Start

Nagsimula ang lahat noong fresh 1st year college pa ako. May nakilala akong mga bagong taong iba't ibang klase ng uri ng taong mga MAGIGING KAKLASE ko sa taon na yun. May mga bakla- na sa totoo lang first time kung magkaroon ng kaklaseng ganon. May mga BISEXUAL- ang gaganda pa nga nila eh. at May mga common na serious, joker at friendly type na kaklase.

Doon ko nakilala ang mga una kong naging barkada sa college life ko. Sina Betty, Cassy at Kathy. Sila yung palagi kong kasama, kasabay ko sa pagkain at paggawa ng assignments.

Si Kathy- isang uri ng kaklaseng HINDI daw naka pag-aral pero pagkatapos ng exam ang tataas ng scores.

Si Betty- isang uri ng kaklaseng seryoso sa pag-aaral.

At si Cassy- ang uri ng kaklaseng sumasabay kung ano mang trip ang ginagawa mo.

Sa unang SEM ko sa kolehiyo marami kaming vacant time. Kagaya nalang kapag Monday at WEDNESDAY. Isang subject lang ang meron kami at every 7:30 to 9:00 am lang. So madalas kaming tumambay sa XMall kung saan may malaki silang arcade na tinatawag nilang WORLD OF FUN (WOF).

Dito madalas napupunta ang baon ko noon sa kakabili ng nga Tokens. Ang sadya namin noon sa WOF ay yung karaoke nila. May apat kasi silang maliliit na room para sa mga taong gusto mag karaoke.

Sa panahon kasing yun sawi sa pag-ibig sina Cassy at Betty kaya hayon Karaoke Para Sa Mga Sawi Sa Pag-ibig !

Yan ang cycle ng buhay ko sa loob ng halos 3 buwan. (Bahay- School-Xmall-Bahay) Walang interesting na bagay ang nangyayari !

Pero isang araw may bago kaming nakaclose ni Cassy sa mga kaklase namin. Ang pangalan niya ay si Riggy- isa sa mga bakla kong kaklase. Isa siyang uri ng bakla na ayaw mag cross dress at kapag hindi nagsasalita akala mo talaga STRAIGHT na lalaki at si Cathy- ang uri ng kaklase mong ewan.

Sina Riggy at Cathy na ang palagi naming kasama noon dahil si Kathy ay nag papart time na at si Betty ay hayon nag-aaral kahit walang exam. Perks of having a studious kind of friend 😑

Habang nagkakantahan kami nina Cassy, Riggy at Cathy may nakita kaming isang lalaking naglalaro sa isang machine. Ang machine kung saan tatapakan mo ang mga arrow basi narin sa lalabas sa screen.

Napukaw ang interest namin don kasi nakaka amaze kasi siyang tignan habang naglalaro. Nag frefreestyle kasi siya (tawag sa ginagawa ng lalaki kung saan gagawa ka ng sarili mong choreography out sa mga lalabas na arrows sa screen)

Kaya simula noon inaagahan naming pumunta sa WOF para konti palang ang mga taong makakakita sa amin na maglaro sa PIU Machine / Dance Pad kung tatawagin.

Noong una para kaming mga baliw kasi hindi pa namin alam kung papaano laruin yun. Hanggang sa dumating ang puntong tinuruan kami ng lalaking nakita namin noong isang araw na ang pangalan ay Chenny kung paano ba laruin ang Dance Pad. Pagkatapos pinakilala niya kami sa iba pang manglalaro ng Dance Pad. Ang mga amateur na sa larong yun na binubuo ng mga FREESTYLER at SPEED. At doon nagsimulang lumaki ang Circle of Friends Ko !

-End of Chapter 1 Part 1-

Para Sa Mga Taong Pinaasa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon