PART 1: Akala Ko TAYO Na

14 0 0
                                    


Chapter 5: Slap of Truth

    "Kahit anong gawin mong pagpapalinaw sa tubig darating parin ang puntong mahahaluan ito ng dumi at kemikal na nakakasira sa natural nitong ganda at lasa"

      Sabado, nasa bahay kami nina Cy ulit. Nakatambay at nagpapalipas ng oras. Kompleto kaming magbabarkada kaya ang ending may session kami ngayon.  At dahil nga kulang ako sa tulog, nakahiga lang ako sa may couch habang sila may kanya kanyang ginagawa. Una kong ginawang unan ay si Janny, hinahaplos haplos niya ang buhok ko. Hindi ako sumali sa inoman nila kasi nga wala ako sa mood at inaantok ako.


Noong pinalipat ako ni Cy sa kwarto niya, kasama ko doon si Kitty, Tawi, Elie at Vanny. Sina Kitty at Tawi ay magsyota, pareho silang mga babae pero si Kitty ay Cross Dresser na lesbian. Sina Elie at Vanny naman ay magsyota rin, pareho silang mga lalaki pero hindi sila mga cross dresser. So ang ending OP ako sa kanila. Eh di sila na may partner *bitter alert*


   At dahil nga naaasiwa ako sa kanila dahil sa paglalampungan nila napagpasyahan kong lumabas at humiga ulit sa couch kahit na nag-iinoman ang iba.


Pagkalabas ko pa lang, nakita ko si Janny na may hawak na yosi, at  ewan ko ba kung anong masamang espirito ang sumapi sa akin at napagsabihan ko si Janny.

Ako: Sinong nagbigay sayo ng yosi?
Janny: Si tawi
Ako: Itapon mo yan!
Janny: bakit naman? Eh maliit na lang naman eto eh.
Ako: basta! Itapon mo na yan. Diba bawal kanang uminom at magyosi? Pinagbigyan na nga kita kanina na uminom pati ba naman sa pagyoyosi?
Janny: At bakit mo naman ako pinagbabawalan ha?
Ako: baka nakalimotan mong hindi lang ako ang nagbabawal sayo na magyosi at uminom? Ah bahala ka nga lang dyan!

   Nag walk out ako at bumalik sa kwarto ni Cy kahit pa nandito ang mga malalanding nilalang.

Ako: Tawi, bakit mo naman binigyan si Janny ng yosi?
Tawi: Eh humingi kasi siya eh! Hindi ko naman alam na bawal na pala siyang magyosi.
Ako: Pinagbabawalan na kasi siya ni Kuya Petty. Alam mo naman kung paano yun magalit diba?
Tawi: Pasensya naman, di ko alam
Ako: *sigh*

   Pumasok si Janny sa kwarto ni Cy at inalo ako.

Janny: Hime, sorry na! Tinapon ko naman eh.
Ako: Don tayo sa labas mag usap.

  Lumabas nga kami sa bahay nina Cy, wala munang nagsalita samin hanggang sa binasag na ni Janny ang katahimikan.

Janny: Ba't ba pinagbabawalan mo akong mag yosi at uminom ha?
Ako: Alam mo naman ang rason ha at hindi lang naman ako ang nagbabawal sayo, pati rin naman sina Kuya Petty ah?
Janny: Alam kong pinagbabawalan ako ni Kuya Petty kasi ako ang bunso nila, pero ikaw? Wala ka namang karapatan magalit at magbawal sakin ha? Sino ka ba? Kaano-ano ba kita ha? Ba't ako lang ang pinagbabawalan mo? Nandyan pa naman si Tawi at Kitty ah?


   Pagkasabi ni Janny non, para akong sinampal ng napakalakas. Nasaktan talaga ako. Grabe lang ha? Hindi agad ako nakasagot kay Janny. Parang nag shutdown ang utak ko sa mga sinabi niya.

Ako: Sino nga ba ako sayo ha Janny? Ano ba talaga tayo ha?
Janny: Ba't mo naman ako tinatanong kung ano tayo? Wala naman TAYO ha? At sino ka para sakin? Kaibigan lang kita! KAIBIGAN!
Ako: Yun naman pala eh! Kaibigan mo ako pero bakit mo sinabi sa mga barkada natin na tayo na? NA MAY TAYO KUNG WALA NAMAN TALAGA HA? Anong akala mo sakin isang laruan na walang damdamin? Nakahit itapon, apakan at sabunotan mo hindi masasaktan? Hindi magrereklamo dahil sa ginagawa mo? TAO AKO JANNY, TAO AKO! NASASAKTAN DIN AKO KUNG HINDI MO ALAM! KUNG WALANG TAYO BAKIT ANG LAMBING LAMBING MO SAKIN HA? BAKIT?
Janny: KASALANAN KO DIN BANG ASSUMING KA MASYADO? KASALANAN KO DIN BANG TANGA KA AT NANIWALA KANG MERON TALAGANG TAYO HA? SINABI KO NAMAN SAYO NA SUMABAY KA SA TRIP. HINDI KO SINABING TOTOHANIN MO. TRIP NGA DIBA? WAG MO SABIHING HINDI MO ALAM ANG IBIG SABIHIN NG TRIP?
Ako: OO AKO NANG ASSUMING! WALA NAMANG TAONG MAG AASSUME   KUNG WALANG TAONG NAGPAPAASSUME DIBA? KUNG HINDI DAHIL DIYAN SA PUNYETANG TRIP MO NA YAN HINDI DIN AKO MAGIGING TANGA. TANGA NA KUNG TANGA ATLEAST HINDI AKO YUNG TAONG NANGGAGAMIT NG IBA PARA SA SARILING KASIYAHAN. grabe ka Janny, ginagawa mong laruan ang damdamin ng iba. Grabe! Ang tibay ng konsensya mo! Kasing tibay ng metal! Ano masaya kana? I hope you find that as entertaining as you expect it to be! Kung ganon, arte lang pala ang lahat, PEKE AT PALABAS ! Ang galing! Ang galing mo ! Pwede ka nang mag direktor or di kaya artista sa hollywood baka mabigyan ka pa ng award sa pagiging Best Actress Mo! Grabe talaga nakakaiyak. Sana naman binigyan mo ako ng warning, abiso na nakakamatay ang pinasok kung pelikula. Grabe talaga, grabe!


   Hindi ko na pigilang umiyak sa harap niya. Letche lang, ang sakit kapag siya na ang nagpamukha sa akin ng katotohanan, pwede naman niyang sabihin sakin ng maayos ah! Yung malumanay hindi yung pasigaw at tagos kaluluwang mga salita. Grabe lang nakakakamatay ang mga salita niya. Para akong tinulak sa bangin na walang abiso. Nakakalula at nakakapagod!

At dahil narin siguro sa sigawang nangyari sa pagitan namin ni Janny, lumabas na ang mga barkada namin at nagtatakang tinignan kaming dalawa ni Janny.


   Hindi ko na kaya! Ang saki sakit kasi eh. Umalis nalang ako sa bahay nina Cy. Narinig ko pangang tinatawag ako ng mga kabarkada ko pero hindi ako tumigil at lumingon. Nasasaktan ako ngayon, durog na durog!

Ang hirap palang umasang totoo ang lahat, na hindi lang pagpapanggap! AYOKO NA! AYOKO NG UMASA! SAWA NA AKONG UMASA'T MAGPAKATANGA!



      -End of Chapter 5 Part 1-


Votes and Comments are highly appreciated :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Sa Mga Taong Pinaasa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon