PART 1: Akala Ko TAYO Na

14 0 0
                                    

Chapter 3: The Beginning

       Ilang buwan ang nakalipas, mas napalapit ako kay Janny. Alam na din ni Diggy na may gusto ako kay Janny at susuportahan pa nga niya ako dito eh.

   Iba narin ang tawagan namin ni Janny. From ate at bibi into HIME- Japanese for Princess. Kung tinatanong niyo kung saan namin yan na pulot na call sign? Blame the wattpad stories under action na genre !

     Normal na sa barkada ang magkiss sa cheeks kapag nagkikita at nagpapaalam at kapag SUPER CLOSE na kayo sa isa't isa smack na sa lips. Oo pangit man sa pananaw ng iba pero walang malisya na samin pero iba kasi kapag may gusto ka na sa isang tao eh, kahit ayaw mong bigyan ng meaning mabibigyan mo parin sa huli.

      Buwan ng Setyembre. Ito ang buwang hindi ko talaga makakalimotan. Ang buwan kung kailan ang Monthsary namin. Oo hindi kayo nagkakamali ng nabasa MONTHSARY namin.

  Nagtatanong kayo kung bakit may Monthsary kami? Dahil yun sa nangyari sa buwan na yun..

Flashback:

        Nasa Queendaughter kami, nag iinomang mga barkada. Walang okasyon o anu man talagang trip lang naming maglasing at magpakasaya. Kasama ko sina Diggy, Riggy, Cassy, Cathy at Janny. Dala narin ng nainom na alak nakadama ako ng tawag ng kalikasan. Tumayo ako para pumunta ng banyo..

Janny: oh san ka pupunta hime?
Ako: diyan lang sa CR na iihi na kasi ako.
Janny: samahan na kita
Ako: hindi ! Wag na, kaya ko na
Janny: no ! Sasama ako, naiihi narin kasi ako eh
Ako: eh di hali kana. Mga coys, magCCR lang muna kami ha?
Diggy: MagCCR coys ha hindi kung ano ang gagawing milagro
Ako: Gago! Hindi ako katulad mong manyak
Sila: HAHAHAHA

   Papalabas na kami ngayon ng CR ng magsalita si Janny.

Janny: Hime , huminto ka muna sa paglalakad!
Ako: Bakit naman hime?
Janny: may sasabihin sana kasi ako sayo
Ako: ano yun?
Janny: Sumabay ka sa trip kong gagawin pagkabalik natin sa table natin ha?
Ako: anong trip ba kasi yan?
Janny: basta! Sige na please?
Ako: *sigh* sige na nga !

    Pagkabalik namin sa table bigla nalang sumigaw si Janny ng..

Janny: COYS! May sasabihin kami sa inyo ni Hime :)
Sila: ano yun?
Janny: KAMI NA !
Sila: Huh? Kayo na? Kailan pa?
Janny: Kanina lang !
Cassy: Pero Janny, no offense meant coys ha *sabay tingin sakin* paano maging kayo ni coys eh babae naman siya? Oo alam naming Bisexual siya pero ikaw? Kailan ka pa lumiko ng daan?
Janny: Matagal na ! Hahaha
Diggy: Grabe ka coys! Ang tinik mo sa chicks! May PA CR'2 kapang nalalaman ha?
Riggy: welcome sa third sex community janny! Hahaha
Janny: salamat rigs
Ako: ahh--- hehehehe--- *sabay kamot sa ulo*
Sila: Congrats sa inyong dalawa !
Kami: Salamat :)

End of Flashback:

      Simula noon, akala na ng mga barkada namin na kami na talaga pati pa nga kaklase, kapitbahay at kapamilya ko eh! Ewan, gusto ko silang itama na hindi naman talaga kami pero may parte sa aking natutuwa sa nangyayari at gusto ko rin.

   Simula sa araw na sinabi ni Janny na kami na daw, nag iba ang turingan namin sa isa't isa. Ginagawa namin ang ginagawa ng tunay na magkasintahan, kapag may lakad ang isa sinasamahan naman ng isa, kapag may lakad ang barkada palagi kaming nakadikit sa isa't isa, kapag naglalakad kaming dalawa magkahawak kami palagi ng kamay. Minsan nang hahalik siya bigla bigla sa pisngi o di kaya sa lips kahit nasa public place kami at palagi kaming magkatext, chat at videocall ! Daig pa talaga namin ang tunay na mag on :)

     Pero sabi nga nila walang permanente sa mundo, LAHAT NAGBABAGO </3

      -End of Chapter 3 Part 1-

VOTES & COMMENTS are highly appreciated :) mwaah :*

Para Sa Mga Taong Pinaasa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon