"ARE you sure ito lang ang nalaman mo tungkol sa babae na 'yon?" paniniguro ni Madam Amelia sa lalaking kausap nito ngayon.
"Yes, Madam," magalang na sagot ng lalaki na may kasama pang tango.
Napangiti na ang madam. "Kung ganoon ay hindi ako nagkamali ng babaeng napili. Sige, salamat makakaalis ka na."
"Sige po, Madam."
Natutuwang inilapag ni Madam Amelia ang papel na kinasusulatan ng mga report ng lalaki tungkol sa pagkatao ni Tiffany Cañete.
"Madam, sino 'yon?" usisa ni Vicky sa madam nang pumasok ito at may dalang miryenda.
"My private investigator."
"Po?! Bakit? Sino po'ng pinaembistigahan mo, Madam?"
Humalukipkip si Madam Amelia na may ngiti sa labi. "Si Tiffany," saka kaswal nitong sagot sa alalay.
Napalabi si Vicky at napatango-tango. Hindi na nagtaka ang dalagang kasambahay. Ganito naman talaga ang mayayaman, bago magtiwala sa isang tao ay ipapaimbestiga nila muna.
"So, ano po'ng nalaman niyo tungkol sa kanya?"
"Wala naman. She has no bad record. Namatayan pala siya ng ina kaya siya naghahanap ng trabaho para makapag-aral ng kolehiyo. At ngayon ang tanging lola lang niya ang katuwang sa buhay. It means I did not make a mistake in choosing her."
"Pero, Madam, marami namang babae d'yan na mas magaling mapaakit si Sir Bearlan. 'Yong mga seksi at mas maganda?"
"I know pero napag-isipan ko na 'yon mabuti. Na kung mga ganoong babae ang pipiliin ko para gawing lalaki ang anak ko, eh, baka maging problema ko pa sila balang araw. Alam mo naman, Vicky, na 'yong nga ganoong mga klaseng babae ay mga gold digger minsan. Isa pa baka totoong ma-in love sa kanya ang anak ko. Mahirap na kaya mabuti ng si Tiffany ang gagawa. Matinong babae na ang gusto lang ay makatapos ng pag-aaral."
"Pero paano kung ma-in love rin talaga sila sa isa't isa, Madam?"
Ngumisi ang mayamang ginang. "Hindi na 'yon mahirap. Ang mahalaga ay maging lalaki ang anak ko."
"Sabagay po," sang-ayon na ni Vicky sa Madam Amelia nito.
Mayamaya pa'y may inabot si Madam Amelia kay Vicky na white envelope. "Go to that address at iabot mo kay Tiffany ang aking paunang bayad."
"Yes po, Madam."
***
"HOY, Lando! May naghahanap sa 'yo!" Kalampag ng kasamahang taxi driver sa maangas na taxi driver na si Lando.
Pupungas-pungas si Lando na lumabas sa loob ng taxi na minamaneho. Pumarada muna ito para matulog.
"Sino? Istorbo naman, eh!" tanong nito na masama ang mukha.
"Siya," turo ng kasamahan nito sa lalaking pormang-porma. Nakapamulsa ang lalaking mukhang mayaman na masama ang tingin.
"Ano'ng kailangan mo sa 'kin?" pero maangas pa rin na tanong ni Lando sa lalaki. Wala itong pakialam kung mayaman ang kaharap.
Ngumisi rin si Bearlan sa lalaki. "Wala naman. I just think there's something you need to return to someone," he answered seriuosly.
"Ano'ng sinasabi mo? Sino ka ba?"
"Sino ako? Well, I am Bearlan Grylls," mas sumeryoso pa ang mukha ni Bearlan. "See that condo building? And the grocery store? They're all mine."
Napalunok ang taxi driver. "Ano ngayon? Bakit mo naman sinasabi lahat 'yan sa 'kin? Pumunta ka ba rito para magyabang, huh?"
Nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga si Bearlan. "Well, 'yung kasing magandang babae na huli mong isinakay sa taxi mo is my girlfiend. Do you remember her? And you know what, I love her so much. Kaya kong ipakulong o ipapatay ang taong manloloko o manggagago sa kanya."
Pinawisan nang malapot ang taxi driver.
"Medyo nagkatampuhan kasi kami. So maybe she forgot the..." Hindi natuloy ang sinasabi ni Bearlan dahil inagaw ito ni Lando.
"Ah, oo, 'yung sukli niya. Oo, bossing, ibabalik ko dapat ngayon, eh, kaso inaantok ako kaya natulog muna ako. Pero dahil nandito naman kayo, eh, ibabalik ko na sa inyo," anang driver na palusot saka kinapa ang bulsa at inilabas ang apat na tag-isang daan na pera.
Bearlan shooked his head slowly. Bakit ba may mga tao na hindi honest? Tss!
"Ito na, bossing. Walang bawas 'yan."
"Ikaw ang magbalik n'yan sa kanya!" mabalasik na sabi niya at tumalikod na pero muling nilingon ang taxi driver. "Mauuna na ako sa bahay nila. I'll wait you there."
Sunod-sunod na tango ang ginawa ng taxi driver.
Nang sumakay si Bearlan sa kotse ay sumakay rin agad si Lando sa taxi nito, na ang totoo'y hinayang na hinayang sa four hundred pesos.
Pera na naging bato pa. Tsk.
***
SA BAHAY nina Tiffany ay nagulat ang dalaga nang kinatok siya ng lola niya sa silid niya at pinapalabas siya dahil may gusto raw makipag-usap sa kanya.
Nang makita niya kung sino ay nagtaka siya. "Sino po kayo? Ano'ng kailangan niyo sa 'kin?"
"Ako 'yong driver ng taxing sinakyan mo kanina, iha. Binabalik ko 'tong sukli mo," nahihiyang saad ng lalaki.
Napamaang siya pero naalala rin niya ang mukha ng lalaki.
"Naku, salamat po." Abot-abot ang saya na kinuha niya iyon.
"Pasalamat ka sa boyfriend mong mayaman," mahinang sabi ng lalaki na parang masama ang loob. Pero umabot pa rin iyon sa pandinig niya.
"Ano'ng sabi mo, Kuya?"
"Ah.. w-wala. Wala, iha," kaila ng driver. "Sige, ha? Alis na ako," tapos ay paalam na nito.
Takang-taka si Tiffany na sunod-tingin siya sa lalaki. Binabawi na rin niya 'yong sinabi niya kanina na sana mabangga ito. Mabait naman pala.
At lalong nagtaka siya nang may kinawayan ang taxi driver sa malayo. Sunod-tingin din siya roon at nakita niya ang kotseng magara na naka-park sa di-kalayuan. Parang kilala niya ang kotse.
Lalapit sana siya sa kotse pero biglang may tumigil ulit na kotse sa harap ng bahay nila. Napunta na roon ang atensyon niya.
Lumabas doon si Vicky.
"Hi, Tiffany," bati nito sa kanya.
"Vicky, ano'ng ginagawa mo rito?"
"May ipinabibigay si Madam Amelia sa 'yo." Kinapa ni Vicky ang bulsa nito at inabot sa kanya ang kulay puti na sobre na makapal.
"Ano 'to?"
"Tingnan mo."
Tiningnan nga niya at lumuwa ang kanyang mga mata sa makapal na taglilibong pera sa nakita niyang laman ng sobre.
"Singkuwenta mil 'yan. Paunang bayad ni Madam Amelia sa 'yo para hindi na raw magbago ang isip mo bukas."
Na-shock siya kaya hindi siya nakaimik.
"Tapos ay magpaganda ka na rin daw. Bumili ka ng mga damit. May dagdag 'yan para sa pagpapaganda mo."
Tumango lang siya. Parang lalo siya tuloy kinabahan sa ipinapatrabaho sa kanya ni Madam Amelia. Hindi na talaga puwedeng magback-out? Gosh!
SA DI-KALAYUAN ay nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Bearlan habang nakamasid sa dalawang babaeng nag-uusap.
Sa isip-isip niya'y, "What the hell is Vicky doing here?"

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...