Part 12

27.5K 556 3
                                    

"Huh!" Biglang upo ng tuwid si Tiffany nang matauhan. Grabe ang hingal niya. Paano'y ang sama nang na-imagine niya.

"Grabe naman 'yong naisip ko na 'yon!" nausal niya sa sarili na napatutop ng dibdib.

"Okay ka na ba?" nakairap na tanong sa kanya ni Vicky. Nagulat pa siya bahagya dahil hindi niya agad ito napansin. Nakatayo ito sa harapan niya at hinahalukipkipan siya.

"Bakit? Ano'ng nangyari?" takang tanong niya dito.

"Na-buang ka lang naman kanina. Bigla kang natulala at nawala sa sarili mo!" maasim ang mukhang sagot ni Vicky. "Hindi ka naman nagda-drugs ano? Kasi nang makita mo si Sir Bearlan ay kulang na lang mangisay ka, eh. Ang OA!"

Humaba ang nguso ni Tiffany at napakunot-noo. Gano'n na gano'n din kasi ang na-imagine niya. Nanlambot at nawala raw siya sa sarili niya nang malaman niyang ang crush niya ay si baklang Bearlan pala.

"Hala! Pwede pala 'yon ang mawala ka sa sarilo mo?"

"Ano ba'ng sinasabi mo?" Malapit nang mabatukan talaga siya ni Vicky.

"Kasi kanina parang nananigip o nag-imagine ako na sinabi mo raw na bakla ang crush ko. Na nagpi-painting daw siya tapos nang tumingin sa 'kin ay hindi ko na nakeri ang damdamin ko. Parang true na nangyari."

"Gaga!" Binatukan na talaga siya ni Vicky.

"Aray!" angal niya na napatingin nang masama sa kausap. "Masakit 'yon, ah!"

"Eh, gaga ka kasi. Hindi 'yon panaginip o imagination."

Natigilan si Tiffany. Halos magsalubong na ang dalawa niyang kilay. "Ano'ng sabi mo?"

"Sabi ko hindi 'yon panaginip o imagination. Nangyari talaga 'yon kanina."

"H-hindi nga?!" Napigil ang paghinga.

"Oo nga. Si Sir Bearlan pa nga ang nagdala sa 'yo rito. Nakakahiya ka pala."

"Woah! Hindi! Hindi puwede! Hindi puwede na siya ang crush ko!" pagwawala na niya na parang bata. Napatayo na siya.

"Teka! An'sabi mo kanina? Crush mo si Sir Bearlan?!" Bigla ay na-realize ni Vicky.

Walang luha na nag-iiyak na siya sa tanong na iyon ni Vicky. Nabuang na talaga siya.

"Ay, gaga ka nga talaga!"

"Hindi! Hindi siya puwedeng maging bakla, Vicky! Noooooo!"

"Tumigil ka nga! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!"

"Eh, sa crush ko nga siya, eh."

"Pwes, pigilan mo 'yang pagtingin mo sa kanya. Kasasabi ko lang kanina na hindi ka pwedeng ma-in love sa kanya, 'di ba? Bilin 'yon ni Madam Amelia. Gusto mo bang malagot?"

Ngumawa siya.

"Sabing tumigil ka, eh!" naiinis na talagang saway sa kanya ni Vicky.

Kinagat ni Tiffany ang kanyang upper lip para magtigil na siya sa parang bata niyang inaasal.

"Ganyan! Tapos ayusin mo 'yang sarili mo!"

"Bakit?"

"Sabi ni Sir Bearlan kanina ay papuntahin kita sa silid niya 'pag um-okay ka na."

Namilog ang mga mata niya. "Bakit daw?"

"Ewan ko. Nasabi ko na kasi na ikaw ang magiging personal assistant niya. Siguro tuturuan ka na niya kung ano'ng mga dapat mong gawin sa magiging trabaho mo sa kanya."

Hitsurang namoblema si Tiffany ng pagkabigat-bigat. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit. Ang sakit-sakit ng heart niya.

"At dapat alam mo na rin ang gagawin mo, ha?"

"Hindi ko alam," busangot niyang sagot na humalukipkip pa. Wala na siyang gana na akitin pa ang Bearlan Grylls na 'yon. At hindi na rin niya crush.

"Ay, gaga ka talaga!" binato siya ng unan ni Vicky.

"Eh, sa..." aangal pa sana siya.

"Huwag mo nang ituloy ang sinasabi mo. Baka may makarinig. Lagot ka kay Madam Amelia. Pigilan mo ang nararamdaman mo kung ayaw mong malagot."

"Alangan? Eh, bakla nga 'di ba? Turn off na ako sa kanya syempre. Pero it's hurt pa rin, eh. Ngayon nga lang ako nagka-crush sa bading pa. Hustisya naman, oh!"

Bahagyang natawa si Vicky. "Oh, siya sige na. Ayusin mo na ulit 'yang sarili mo. Bilis na."

Dadabog-dabog siyang sinunod ang sinasabi sa kanya ni Vicky. Wala pa ngang nangyayari, eh, heartbroken na siya agad. Ang saklap.

MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon